CHAPTER 6

3 1 0
                                    


"ALL THIS TIME TRISHA!!!!?", mabilis na tinahak ni Andrie ang layo niya kay trisha habang sinisigaw iyon.

I can see the shocked in her face ng pagsusuntukin ni Andrie ang kahalikan niya.

"Stop it Andrie, he's my boyfriend!", natigilan ulit siya ng sabihin yon ni trisha.

"Y-your what?!", nauutal na tanong ni niya.

"Yes boyfriend ko siya at matagal na kami",

"So all this time talaga napaikot mo ako?! FUCK! FUCK! GAGO NIYO!", nagwala ito at pinagsusuntok ang lalaking kahalikan ni Trisha buti nalang at kasama namin si Ace at napigilan siya nito. Inihatid siya nito sa sasakyan niya. Pinaharurot ni Andrei ang kaniyang sasakyan ng maihatid ito ni Ace.

" Is he okay? ", tanong ni Mae.

"Hindi",

Totoo namang hindi kahit naman siguro sino kung makita yong taong minahal mo na may kahalikang iba ay ganun din ang magiging reaction. I felt bad for him kahit galit na galit yon sa akin.

"HOW DARE YOU!", sigaw ni Trisha ng sinugod niya si Mae at pinagsasabunot. Nagulat kaming lahat sa ginawa niya ngunit naawat pa rin naman namin siya para pinigilan na saktan si Mae.

"A-ano ba?", mangiyak ngiyak na sabi ni Mae

"Kunwari ka pa, siguro ikaw ang nagsabi kay andrie na nandito ako no? PSYCHO!!!!!! sigaw niya na dumagundong sa buong parking lot.

Agad naman naming dinaluhan si Mae at iginaya sa sasakyan ni Ace. Iniwan namin si Trisha na nagwawala doon.

Naaawa ako kay Mae dahil alam ko na siya na naman ang oagbubuntungan ng galit ni Trisha sa school. Mabait si Mae at sinasalo niya lahat ng katangahang ginagawa ni Trisha.

Nakarating lamang kami sa bahay umiiyak pa din si Mae dahil sa mga ginawa sa kaniya ng malanding iyon.

"Stop crying na Mae, wala na si Trisha",

"Bakit parang ako ang may kasalanan? Hindi ko naman alam na nandoon din si Andrie!", nakakaawa talaga siya kahit si Ace nakikitaan ko ng awa sa kaniyang mga mukha.

"Trisha is really a bitch!, di na siya nadala nong una talagang inulit niya pa!", sabi naman ni ace. Hindi ko alam kung ano iyong una pero base sa mga sinabi niya nagcheat din daw si Trisha sa dati netong karelasyon. Madami pang naikwento sa amin si Ace about Trisha. At ang pinakatumatak sa isip ko ay anak ito sa labas. At ito rin ang nakikitang dahilan ni Ace kung bakit ganung klaseng babae si trisha.

Nagluto kami ni Ace ng aming kakainin habang si Mae naman ay tulog sa sobrang pagod din siguro at kakaiyak.

Habang nagluluto kami ni Ace madami siya ikinuwento sa akin. Even yong paano siya nakapasok sa varsity. Kinukwento niya rin si daddy sa akin. Nakakataba lang ng puso dahil mahal na mahal din nila si daddy gaya ng pagmamahal neto sa kanila.

Saktong 5:00 pm kami natapos magluto. Ginising na namin si Mae para kumain. Halata sa kaniyang mga mata na umiyak siya.

KAITLY MAE ang tunay niyang pangalan sobrang ganda niya din, natural na kulot ang buhok, matangos na ilong t may katangkaran rin. Matalino din siya and to be honest kaming tatlo ang nangunguna sa klase namin. Marunong siyang gumuhit,kumanta at kaya niya ring tumogtug ng iba't ibang instrument. In short she is also talented.

Dahil halos isang buwan na din naman kaming magkaibigan halos naikwento niya na ang kaniyang buhay. She is a full schoolar dito sa school kaya nagtataka  sina Trisha na empleyado lang ang nanay niya sa company nila bakit siya nakakapag-aral dito.

Isang beses na din ako nakapunta sa bahay nila. Their house is simple yet elegant. Napakaaliwalas ng paligid nila sobrang linis. She's only daughter din like me. Her dad is a policeman and her mom is an Accountant in Trisha's Family Company. Her mom and dad look like a teenanger kung pagtatabihin nga sila para lang silang magkakapatid. Naikwento niya din sa akin na 15 and 16 years - old palang  daw ang kaniyang mga magulang ng ipinanganak  siya. Kaya hindi na ako nagtataka ng nakita ko ang mga magulang niya.

"Thankyouu Aisha, una na kami", pagpalaalam nila sa akin nang matapos ang aming foodtrip.

Sumabay na din si Mae kay Ace dahil madadaanan din naman ni Ace ang kanilang bahay. Yes we almost neighbor HAHA.

Pagkatapos ko maglinis nag pinagkainan namin pumunta na ako sa kwarto at naligo.

Nag ml muna ako bago ko naisipang matulog.

Exactly 6:00 am when I woke up nang marinig ko ang tawag sa baba ang if I not mistaken it was mama Emie. Kaya naman dali dali akong bumaba.

Pagbukas ko nagulat ako ng kasama niya si kuya George. Pero di ko naman nakalimutan na magbless.

"Iha!, kamsta kana?",

"Okay lang ma, pasok po kayo", tskaa ko nilingon si kuya "pasok po kuya george",. Buti na lamang at nakapaglinis ako kagabi bago matulog kung hindi nakakahiya naman kay kuya George and Mama.

Saturday ngayon kaya naman walang pasok. Kaya bumalik ulit ako sa tulog malamig kasi masarap matulog. Pero binilin ko naman kina mama na kumain nalang sila at huwag nalang muna akong hintayin.

11:00 am na ng ako ay makagising. Bumaba agad ako dahil nakaramdam ako ng gutom. Pagkababa ko nakita ko si kuya George na nanonood ng tv sa sala.

"Kain kana Angel", sabi nito. Nabigla pa ako sa sinabi niya dahil halos hindi ko na marinig ang pangalan na iyon. Hindi na rin naman ito tinatawag sakin ni mama pinalitan na din ng Iha dahil ayaw niya daw sa pangalan ko ngayon. Tapos sina mommy and daddy naman 'baby and anak' ang tawag sa akin.

"Sige po, kayo po kumain na? ", tanong ko ng umupo rin ako sa isang sofa. Tumingin siya sa akin at tumango kaya naman kumain nalang akong mag isa. Natutulog pa si mama dahil napagod daw sa byahe. Kaya ako nalang ang nagluto ng pantanghalian naming tatlo.

"Angel, doon lang ako sa kwarto ha? Pag hinanap ako ni mama pasabi nalang. Salamat", sabi ni kuya siguro inaantok din siya.

"Sige po, baba nalang po kayo pag nagugutom na kayo",

"Sige salamat ulit",

Abala ako sa pagluluto ng tumunog ang cellphone ko sa isang text message. Na nakapagpakaba sa akin.

"INGAT", this number is unknown and sobra sobra ang kaba kong nararamdaman dahil naiisip ko na kung paano kung may kinalaman ito sa death threat ko?.

 HEARTBEAT "death threat" (FALCON SERIES 1)Where stories live. Discover now