CHAPTER 11

2 1 0
                                    

Pagkatapos ng meeting sa court napagdesisyunan namin na kumain na sa canteen. Nang makita naming madami pang tao nagpahuli na lamang kami at bumalik muna sa court. 10:30 pa lamang naman at ang start ng kalse ay 1:00 pm pa.

Sa pagtambay namin dito napag usapan namin ang tungkol kay mommy which is may ari ng school na ito.

"Sa tingin niyo may asawa na iyon", sabi ni Justine.

"Jusko day parang wala pa naman, mukhang dalaga pa", sabi ni josh sabay hawak sa mukha niya. Napansin ko na natigilan ang lahat at napatingin sa akin.

"You look like her talaga Aisha", pilit na sabi ni Cassie. Namutla ako sa sinabj niya buti na lamang at nagsalita si Mae.

"Oyy guys sa sobrang ganda ni Aisha ba naman", sabi niya sabay ngit sa akin at nakita kong tumango ang lahat. Nabunutan ako ng tinik pero napapansin ko ang kakaibang tingin ni Mae sa akin.

"Oo nga naman, at halos ng lahat ng magaganda magkakamukha na", pagpapangalawa ni Joan.

"Naol kasi ganun kaganda, biruin niyo kung dalaga pa siya ang astig naman at may sarili na siyang school HAHAHA", sabi ni Jerome sabay tawa. Si jerome ay ang tahimik naming kaklase pero pag nag uusap - usap kami at nasa mood siya makikisali talaga siya at hindi parating lutang. Siya rin ang pinakamatalino sa section namin pagdating sa science.

"At kung magkakaanak siguro siya sobrang ganda omg. Hindi ko maimagine siguro malaDYOSA din!", sabi ni josh na may pa action pa. Napapangiti ako sa kanila everytime na nasasabi nilang maganda si mommy. Yes Mommy is look like a teenager pa. But she is 33 years old na. Bata pa sila ng ipinanganak ako. She's only 18 and dad was 19.

" Oo naman", bigla kong nasabi kaya naman napatingin ang lahat sa akin especially si Mae. Wala namang makukuhang clue doon diba? Pero kinakabahan talaga ako sa bawat pag sulyap sa akin ni Mae na para bang sinisilip niya ang buo kong pagkatao.

Nang makita namin na kukunti na ang tao sa canteen pumunta na kami doon.

Nagpahuli ako sa paglalakad at tinawag si Mae. Dahil kanina pa siyang umaga na ganito.

"Mae, is there any problem?" tanong ko sa kaniya. Nakita ko ang gulat sa kaniyang mga mata pero nakabawi rin agad at sumagot.

"Wala naman Aisha, I'm okay. Bakit mo pala natanong?",

"Akala ko kasi you're angry to me, because of the way you look at me simula pa kaninang umaga",

"Ahh iyo ba? Maaliwalas ka kasi ngayon. Dati naman hindi ka nagpopolbo ah. Kaya napapatingin ako sa iyo ngayon lang kasi kita nakitang nagpolbo", palusot niya. I know meron pa siyang ibang dahilan. But I'm scared to asked too much na on her. Baka magalit pa siya na hindi ko siya pinapaniwalaan.

"Here ba?", sabay turo ko sa mukha ko. "Napapansin ko kasi lately na maoily na ang face so I Tried to put some powder", sabi ko naman sa kaniya.

Habang kumain kami sa canteen dumating ang grupo nina Andrie including Ace. Pero si Ace dumeretso agad sa table namin samantalang sina Andrie naman ay sa kabilang table. Hindi ko na din laging nakikita si andrie minsan lang pag nagkataon na nasa court siya. Hindi rin naman kami nagkakatagpo sa canteen at ito ulit ang unang pagkakataon na nagtagpo kami.

"Aga ng lunch niyo ah!", sabi ni Ace.

"Gago anong maaga? 12:00 pm na hoy!", sabi naman ni justine.

"Ay 12:00 na ba HAHHA", sabay tawa niya. Napatingin siya sa akin kaya naman ngumiti ako sa kaniya. He's handsome for me. And also caring sa halos 6 na buwan naming laging magkakasama naipakita niya iyon.

"Oo, palibhasa di mo namamalayan ang oras at nakatuon ka sa Jowa mo!", sabi ni joan kaya naman napatingin kami kay Ace. "Este basketball pala", bawi niya naman.

"Guys sabi ko naman sa inyo pag magkagirlfriend na ako kayo ang unang makakaalam.", sabay tingin niya sa akin "Lalo na itong babaeng ito", sabay ngiti niya kaya naman napangit din ako.

"Baka naman may something na sa inyo?", sabi naman ni josh. Na ikinagulat namin.

"Hep hep, kung meron mang something sa kanila mahahalta ko iyon dahil lagi nila akong kasama", sabi naman Ni Mae.

"Malay mo secret din sayo HAHA", natatawang sabi ni justine.

Napatingin ako kay Ace na ngingiti-ngiti. At sa hindi ko inaasahan napalingon ako sa kabilang table at tumama ang paningin namin ni Andrie na kunot na kunot ang noo. What the hell hanggang ngayon ba hindi niya pa rin makakalimutan yong nangyari. For pete sake's it was an accident. Medyo tumagal din ang titigan namin. Kaya naman ako na ang bumitaw. Paglingon ko ako na ang pinagtitinginan ng mga kasection ko.

"What is it?", tanong ko sa kanila.

"Bagay naman kayo ni Ace ah", sabi namna ni Justine

"Oo nga, bakit hindi na lang kayo?"

"Yieeeee"

"Forever na this"

"Nasa kaklase ang truelove"

Natigil lang silang sa pang aasar ng may nabasag na baso sa table nina Andrie. At nang magtama ulit ang aming paningin kitang kita ko ang galit sa kaniya mga mata.

"Dude, what's your problem ba?", sabi ni Hernandez co player niya.

"Oo nga dude, lagi ka na lang galit simula noong nangyari kay Aisha at Trisha dito", sabay iling niya.

"FUCKK! WILL YOU STOP MENTIONING THAT NAME IN FRONT OF ME!!!!!!!??????" nabigla kami sa lakas ng sigaw niya at sobrang pag igting ng kaniyang panga.

Minahal niya siguro si Trisha kaya ganun ganun na lamang ang galit niya dito nang malaman niyang niloko siya nito. Kahit naman siguro sino diba? Pag sa akin niya iyon nang yari makakapatay ako charoot HEHE.

"Sino don si Trisha ba o si Aisha?", sagot naman ni Caballero.

'Togsss' sabay sabay kaming napasigaw ng suntukin ni Andrie si Caballero. Agad agad namang umayat ang mga boys. Pero hindi pa rin siya natigil sa pag wala nagbasag pa siya sa canteen. Ng lalapit sana si Ace sa kaniya pinigilan ko siya nang napatingin ako kay Andrie nakita kong nakatingin siya sa kamay ko na nasa balikat ni Ace at umiigting ang panga. What the hell is he problem ba talaga.

Lumapit pa din si Ace kahit pinipigilan ko. Napasigaw kami ng biglang tumilapon si Ace dahil sa suntok ni Andrie.

Agad naming dinaluhan si Ace bago pa malapitan ulit ng demonyong nagwawala. At nang sinubukan niya ulit lumapit humarang na ako.

"What's your problem ba?!", sigaw ko sa kaniya. Kita ko ang gulat sa kaniyang mga mata bago bumalik ulit sa galit.

"Wag kang makikialam dito!", sigaw niya naman pabalik.

"Huwag mo siyang sigawan!", sigaw din naman ni Ace Hindi ko namalayan na nakatayo na pala siya. Nasa likod na ako ngayon ni Ace kaya naman ng itulak siya ni Andrie ay nadamay din ako at natumba ako. Naging mabilis ang pangyayari basta nakita ko nalang na nagkakagulo sa paligid bago ako nawalan ng malay.

 HEARTBEAT "death threat" (FALCON SERIES 1)Where stories live. Discover now