CHAPTER 10

4 1 0
                                    


Gaya ng dati wala ulit akong pinagsabihan ng text kagabi.Nakatulog na lamang ako sa sobrang kaba hindi na nga ako nakapagtoothbrush.
Friday ngayon kaya hindi ako naka uniform sinabi ko dinkay Mae iyon kaya panigurado hindi rin siya naka uniform.

Dinaanan ulit ako nina Ace at Mae sa bahay para sabay ulit kami papunta sa school.

Habang nasa byahe kami napapansin ko ang sulyap ni Ace sa akin mula sa front mirror kaya naman nginingitian ko siya. Habang si Mae naman ay tahimik na para bang sobrang lalim ng iniisip.

"Mae", niyugyog ko siya ng di niya ako lingunin.

"A-ahh bakit?", nauutal siya noong humarap siya sa akin.

"May problema ka ba?", tanong ni Ace sa kaniya siguro napapansin niya ang pananahimik ni Mae.

"Oo naman, meron lang akong iniisip", sagot niya. Napangiti ulit ako kay Ace ng sumulyap siya sa akin. Ng papalapit na kami sa School Gate meron kaming nakitang grupo ng mga kalalakihan na nasa labas nito. At noong sobrang lapit na namin napansin naman na parang mga body guards.

Pagbaba  namin sa kotse nakasalubong naming si Cassie at Joan.

"Anong meron?", tanong ni Mae sa kanila.

"Yong daddy nina Andrie nandiyan"

"Bakit madaming guard?" tanong ko naman. Kahit alam ko naman ang sagot.

"Kasi kilalang successful businessman ang daddy niya sa buong mundo", sagot naman ni Ace. Syempre alam iyon ni Ace magbestfriend sila e. Nawala nga lamang ang closeness nila dahil sa pangyayari doon sa canteen.

"Oo nga, at ang rinig pa namin kaya daw bumisita dito para magdonate sa school natin", sabi naman ni joan.

Wait so it means? It's possible na pupunta din dito si mommy?. Dahil  hindi naman papayag si daddy na makilala siya ng mga studyante dito na siya ang may-ari ng school. Lalo na ang kaniyang mga players. OH MY GODNESS!!! Hindi nga ako nagkakamali dahil may sunod sunod na dumating na sasakyan. And kilala ko ang sasakyan ni mommy kaya nakompirma ko na siya nga ang dumating. Nakakatampo hindi man lang sinabi sa akin.

Habang naglalakad si mommy sa hallway together with her secretary and 2 bodyguards napatingin siya sa akin. Pero hindi siya ngumiti. And I know the reason so it's okay for me.

"Aisha you look like her", sabi ni Cassie.

"Oo nga", sabi naman ni Joan. Medyo namutla ako kaya naman napatingin ako kay Mae na para bang sinusuri ako.

"Sus hindi naman, sa ganda niya naman", sabi ko at nang tumango sila nabunutan ako ng tinik.

Nakarating lamang kami sa school na madaming narinig na bulong bulungan about sa mga tao sa labas.

"Grabe ang ganda pala ng may - ari ng school natin", napangiti ako syempre si mommy iyon. Kahit sino naman talaga pag pinuri ang mga magulang mapapangiti din.

"Grabe sobrang yaman na parang dalaga pa ano? Ilang taon na kaya yon?"

"Parang nasa 25 palang halata naman sa mukha" napangiti ulit akl sa mga naririnig ko. Siguro napansin din iyon ni Ace.

"What's funny Aisha?" tanong niya bago kami nakarating sa room.

"Nothing hehe", ngiti ko ulit sa kaniya.

"Goodmorning guys!", sigaw ni Josh nang makapasok kami sa room. Tapos nagbatian na kaming lahat. Tumahimik lang kami ng dumating ang SSG officers. Si Andrie ang Pres and si Ace and Vice niya pero dahil kasama namin si Ace yong ibang officers ang kasama niya.

" GUYS! LAHAT TAYO ANG INAANYAYAHAN NA PUMUNTA SA COURT PARA SA ISANG PAGPUPULONG", sabi ni Dave PIO.

"Wala muna daw tayong klase for halfday para sa meeting na ito, maghanda na kayo at proceed to the court na", Si andrie. Hindi man lamang ngumiti kahit saglit sobrang sungit.

Nang papaalis na sana sila tumigil siya at tinawag si Ace.

"Ace, come with us you should be us 'cause you' re my VICE", sabi niya. Pero sa akin nakatingin. Kaya naman tumayo si Ace at nagpaalam muna sa amin.

Agaw pansin ulit kami ng sabay sabay kaming pumunta dito sa court.

'Naol walang iwanan"

"When kaya sa section namin"

"Good influence"

Yan ang parati naming naririnig pag nagsasama-sama kami.

After 10 mins ng paghihintay sa mga bisita na nasa principal office. Dumatin na din sila. Ang unang dumating ay ang daddy ni Andrie tsaka sumunod ang mga teachers then principal and lastly si mommy.

Bago siyang tuluyang umupo sa unahan tiningnan niya ulit ako. Napansin ko din na sa akin nakatingin ang daddy ni Andrie.

"Andito tayong lahat para ipakilala sa inyo kung sino ang may-ari ng school na ito. Alam ko na walang nakakaalam nito. Pero ngayon nandito tayo para dito. Kaya naman hinihingi ko ang presensiya niyong lahat para iwelcome siya. Siya ay si MS. AIZYL LOURDES ALEJANDRO, please around of applause ", sabay sabay kaming tumayo at nagpalakpak upang iwelcome si mommy. Yes Ms. ang ginagamit ni mommy and her family name. Napagkasunduan nila ni daddy na huwag na muna niyang gamitin ang family name ni daddy. Pero ang daladala ko ay ang kay daddy.

" Good morning everyone, so a lot of you don't know right? So let me introduce myself. I'm Azyl Lourdes Alejandro the owner of this school. This school is very important to me dahil pamana pa ito sa akin ni daddy. And ngayon lang ako nagpakilala for some reason and one of that is ayokong masyadong kilala ang pangalan ko dahil hindi magiging normal ang pamumuhay namin. Pero napag isipan ko rin naman na it's the same lang naman na hindi talaga magiging normal ang pamumuhay namin either sabihin or hindi kaya sinabi ko na. ", mahabang salaysay ni mommy." Madami akong nasayang na oras even yong pikamalapit na tao sa akin ay napalayo sa akin", sabay tingin niya sa akin.  "but I know na magiging okay din ang lahat. So again Good morning amd Thank you", pagtatapos ni mommy sa message niya.

"So now na kilala niyo na siya, ang sunod ko namang ipapakilala ang  kilalalang pinakasuccessful na businessman sa Pilipinas at isa rin siya sa mga stakeholders sa school na ito. Please all welcome MR. ALBERT FALCON.", tumayo ulit kami habang napapalakpak para iwelcome siya.

" So goodmorning everyone, Pinakkilala na naman ako ni Sir Rodrigo so hindi na ako magpapakilala. Nandito ako ngayon para rin samahan ang ating mga staff, principal, students sa pag welcome sa owner ng achool na ito", sabay tingin niya kay mommy "Welcome Ms. Aizyl", nakita ko ang mapang asar na mukha niya at may galit namna sa mukha ni mommy. I dont know why but I felt wierd. Madami pa siyang sinabi pero hindi ko na naiindihan dahil nakatuonang atensiyon ko kay mommy na parang galit na galit"So again Goodmorning every one", iyon na lamang ang naging malinaw sa akin bago matapos ang kaniyang speech.

Nang papalabas ni si Mr. Albert nakita ko na palipat lipat ang tingin niya sa akin at kay mommy na kunot na kunot ang noo.

'Something weird' yon lang ang nasabi ko sa sarili ko. Bago tuluyang umalis at pumunta sa canteen para maglunch.

 HEARTBEAT "death threat" (FALCON SERIES 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon