CHAPTER 9

3 1 0
                                    


AISHA POV

Pagkadating ko sa bahay sinalubong agad ako ni mama.

"Iha, nandiyan kana pala", sabi niya.

"Mama, ano pong meryenda?", tanong ko sa kaniya dahil alam ko na naman na mapapansin niya ang katamlayan ko. Natamlay ako dahil sa sakit ng sabunot ni Janella kaibigan ni Anji. Hindi ko pa din akalain na magagawa iyo ng grupo ni Anji knowing na sobrang bait niya.

" Meron diyang niluto si kuya george mo, hindi ko alam kung ano ang tawag",. Agad naman akong pumunta sa kusina at sakto namang kumakain pa si kuya. Nang mapansin niya ako niyaya nang aya siya

"Angel dito tayo", medyo matagal na dito si kuya George pero ayaw na ayaw niya talaga akong tawaging Aisha. Dahil Angel naman daw talaga ang pangalan ko.

"Sige po, kuya ano po yang niluto mo?", tanong ko.

"Carbonara gel", sabi niya. Binigyan niya ako ng plato. At habang kumakain kami napagkwento namin ang about sa lola niya which is mama ni mama.

"Ah si lola na kina tita muna binilin ni mama para dito na lang daw ako", sabi niya.

"Bakit hindi niyo na lang po isinama dito?", nagulat siya sa tanong ko.

"Tama nga ang kwento ni mama sobrang bait mo nga", sabay ngiti niya sa akin.

"Hehe kuya naman, pwede nga po dito nalang si lola para kasama mo siya, diba sa kaniya ka lumaki?", tanong ko naman.

"Kung pwede lang Gel kaso nahihirapan na siyang magbyahe at tsaka gusto niya sa batangas dahil mas fresh daw ang hangin doon kaysa dito".

"Sabagay nga po",

Hindi namin namalayan na naubos na pala namin ang aming kinakain dahil sa kwentuhan. Wala dito si mama dahil namalengke siya. Sasama sana si Kuya Geroge kaso sabi ni mama wala daw akong kasama. Kaya ko na naman mag-isa naiwan na nga ako dati e kaso ayaw talang patalo ni mama.

Pagkatapos naming kumain umakyat na ako sa kwarto at naligo. Pagkatapos ginawa ko na ang mga assignment ko.

Naisipan ko munang magcellphone bago matulog. Wala pa akong social media  account sa pangalan ko ngayon pero meron naman sa Angel. Binuksan ko ang acc ko at laking gulat ko at sobrang sabog ng mga notification ko. May nagchachat sa aking mga schoolmates ko and ofcourse si Hannah tadtad na tad tad ang message at missed call niya.

"Where are you na ba"
"Bakig bigla ka nalang nawala?"
"Are you okay?"
'You missed a call from Hannah Jane Cabalero'
'You missed a call from Hannah Jane Cabalero'
'You missed a call from Hannah Jane Cabalero'

"Hey, answer my call"
"What the fuck, are you guys okay? Even sina tito and tita hindi ko macontact."

'You missed a call from Hannah Jane Cabalero'
'You missed a call from Hannah Jane Cabalero'
'You missed a call from Hannah Jane Cabalero'

'You missed a call from Hannah Jane Cabalero'
'You missed a call from Hannah Jane Cabalero'
'You missed a call from Hannah Jane Cabalero'

'You missed a call from Hannah Jane Cabalero'
'You missed a call from Hannah Jane Cabalero'
'You missed a call from Hannah Jane Cabalero'

"Please call me pag nabasa mo to, I missed you :<"
"I hope that both of you are okay"
"Nakita ko si tita dito sa cebu, but I can felt na iwas siya sa mga tao. Is this a problem ba?"

"Okay if this problem if so confidential then I will respect that"
"But always remember na nandito lang ako ha?, I misss  youuuuu na",

'You missed a call from Hannah Jane Cabalero'
'You missed a call from Hannah Jane Cabalero'
'You missed a call from Hannah Jane Cabalero'

Napaluha ako sa mga nabasa ko mula sa mga chat niya. Gustong gusto kong mag open up sa kaniya pero pinigilan ko ang sarili ko.

Sa hindi inaasahan napindot ko ang like zone at nasend sa kaniya at huli na ang lahat ng ireremove ko sana dahil naseen niya na ito. Agad naman siyang tumawag.

'Hannah is calling'...
'Hannah is calling'...

*decline*

Maya maya tumunog ulit

'Hannah is calling'
*decline*

Sunod namna ay nagchat siya.

"What the hell Angel!?, are you okay?"

"Please answer my call"

Nilog out ko na agad ang account ko bago pa makatawag ulit si Hannah dahil baka masagot ko pa ito at hindi mapigilang sabihin sa kaniyang ang mga nangyayari sa akin.

Tinawagan din ako nina mommy at kinamusta. Lagi rin nilang sinasabi ma mag ingat daw ako lagi. Lagi din nilang pinapaalala na huwag muna akong mag expose sa social media. Sinasabihan din ako ng mga kaklase ko na gumawa na daw ako ng account para masali nila ako sa group chat. Pero sinasabi kong ayaw ko buti na lamang at lagi nila akong inintindi. Sa number lang nila ako nacocontact. At lahat ng kaklase ko ay may number ko. Nakakatuwa lang na kahit wala ako sa group chat they still do a way para hindi ako mahuli sa mga news.

Nang bumababa ako sa kusina para sana kumuha ng snacks nakita kong nanonood pa si mama ng tv sa sala kaya naman doon muna ako pumunta.

"Ma, 10:30 na po ah. Hindi pa po ba kayo inaantok?", tanong ko dahil ussually 9 ay tulog na siya pero ito siya ngayon nanonood pa.

"Ay iha, hindi pa ako makatulog e. Ay ikaw bakit gising ka pa?",

"Kukuha lang po sana ako ng snacks"

"Dito ka na muna ako na ang kukuha, ano bang gustk mo?"

"Ako na po mama", sabi ko buti na lamang at hindi na nagmatigas. Dahil galing siya kanina sa palengke alam ko naman na pagod siya.

Kumuha ako ng sandwich tsaka isang chuckie. Tsaka bumalik ulit sa sala dito ko nalang ito kakainin para may kasama si mama. Dalawang sandwich at chuckie ang kinuha ko isa para sa akin at isa para kay mama.

"Ma, ito po oh", sabay abot ko sa kaniya.

"Gagbi na naman Iha, itatago ko na laang ulit iyan sa lamig naman nare baka ubuhin pa si mama", muntik ko na ngang makalimutan na bawal nga pala ang sobrang lamig kay mama.

Pagkatapos kong kumain sumabay na din si mama na umakyat sa taas. Habang naghahanda ako ng tutulugan ko may narecieve na namna akong text message.

'Malapit na nilang malaman', sobrang bilis ng tibok ng puso ko ng mabasa ito.

Nang tingnan ko ang numero iyon din ang nagtext sa akin dati ng 'INGAT'

 HEARTBEAT &quot;death threat&quot; (FALCON SERIES 1)Where stories live. Discover now