Habang naglalakad siya ay binati naman siya ng dalawang lalaki na nagdaan.

"Uy Kuya ang astig mo kanina ah. Ang husay mo maglaro ng basketball. Dati ka bang player?" tanong ng isang lalaki sa kaniya.

"Oo nga, kakaiba yung mga galawan mo eh!" sabi pa ng isa.

Umiling siya sa mga ito.

"Hindi naman, sadyang mahilig lang talaga akong maglaro ng bola," sabi niya sa mga ito.

"Astig! Sana balang araw makalaro ka rin namin at makakuha kami ng mga moves sayo," anito. Hindi niya kilala ang mga ito at bigla na lang siyang binati. Nakasuot ng uniporme ang mga ito at tingin niya ay mga senior high school ang mga ito dito sa school.

"Oo ba. Walang problema, laro tayo minsan," sabi niya sa mga ito. Natuwa naman ang mga ito dahil sa sinabi niya.

"T-talaga? Maraming salamat idol! Sabi ko sayo bro mabait siya kahit na marami siyang tattoo sa katawan eh!" sabi nito sa kasama nitong lalaki. Napaiwas naman ng tingin ang lalaking kausap nito. Lumagpas na ang mga ito sa kaniya matapos makipag-apir.

Nagpatuloy siya sa paglalakad hanggang sa makarating siya sa classroom ni Penny. Saktong mag-isa na lang ito sa room nito dahil uwian na. Mag aalas-dose na kasi ng tanghali.

Nagulat pa ito ng makita siya.

"Hi Ma'am!" nakangising bati niya dito. Bigla itong sumimangot.

"Bwisit ka. Sabi mo kanina magsi-cr ka lang. Bakit ka nakipaglaro ng basketball?" tanong nito sa kaniya.

"Eh kasi na-miss ko eh. Saka gusto ko lang makita kung magaling yung pinagmamalaki mong Zyron. Wala naman palang binatbat ang isang iyon eh!" aniya kaya sumama lalo ang mukha ni Penny.

"Ang yabang mo talaga kahit kailan," inis na sabi nito sa kaniya.

"Bakit ka ba laging nayayabangan sakin eh nagsasabi lang naman ako ng totoo?" tanong niya dito.

"Tse! Ewan ko sayo. Magbihis ka na at ang bantot mo," anito sa kaniya. Inamoy niya ang sarili pati na ang kili-kili niya.

"Grabe ka naman. Pawisan lang pero hindi naman ako mabaho. Wala akong dala na extrang damit," sabi niya dito.

Napahimas na lang sa noo si Penny.

"Kita mo na, pasaway ka talaga. Paano na lang kapag inubo ka?"

Napangisi siya bigla dahil sa sinabi nito. May pag-aalala kasi siyang nababasa sa mga mata nito.

"Ang sweet mo naman. Worried ka?" tanong niya dito. Inirapan siya nito.

"Wag kang feeling!" iritang sabi nito sa kaniya.

Kinuha nito ang bag saka akmang lalabas na ng room. Oo nga pala at sabay silang magla-lunch.

"Hey wait! Sabay tayo magla-lunch di ba?" paalala niya dito at hinabol ito. Patuloy lang ito sa paglalakad.

"Oo nga kaya bilisan mo dahil nagugutom na ako!" sagot nito sa kaniya. Natawa siya dito at kakamot-kamot sa buhok na sumunod dito papuntang canteen.

Pagdating nila doon ay may mangilan-ngilang mga guro ang kumakain. Agad na nahagip ng mga mata niya si Zyron na nakaupong mag-isa at tahimik na kumakain. Napaangat ito ng tingin kay Penny at pagkatapos ay sa kaniya. Binigyan lang niya ito ng blangkong ekspresyon at tiningnan si Penny.

"Dito na lang tayo pumuwesto," sabi niya at huminto sa isang bakanteng table kung saan malayo kay Zyron at may mga gurong nakaharang. Kumunot naman ang noo ni Penny sa kaniya.

"Wag diyan, dito tayo," sabi nito sa kaniya. Inaasahan na niya na pupwesto ito sa table malapit kay Zyron.

Nakatingin sa kanila ang ilang mga guro na binati si Penny. Binati din naman ni Penny ang mga ito.

"Penny, bagay kayong dalawa ng bodyguard mo," anang isang babae sa kanila saka pasimpleng tumawa. Yung tawang may halong insulto.

"Mga ganiyang tipo lang naman kasi ang papatol sa kaniya, yung kahit may itsura eh wala namang pera," rinig niyang dagdag na bulong ng babae sa kasama nitong guro. Hindi iyon nadinig ni Penny.

"Oo nga," tumatawa rin na sabi ng gurong kausap nito. Napakunot na lang ang noo niya. Gusto niya sanang patulan ang mga ito pero pinili niyang manahimik na lang sa pagkakataong ito. Alam naman kasi niyang walang katotohanan ang sinasabi ng mga ito.

"Rocky, order ka na, sagot ko," pukaw ni Penny sa kaniya. Dahil doon ay mas lalong nagbulungan ang mga guro kanina. Pakiramdam niya ay mas lalong nag-isip ang mga ito ng negatibo sa kaniya.

Nagtanggal siya ng bara sa lalamunan.

"A-ako na. Ako ang manlilibre sayo. Ako ang nag-aya sayo dito eh di ba?" sabi niya. Sinadya niyang lakasan ang boses.

Nakita niyang napangiti si Penny at tumaas ang isang kilay.

"Talaga lang ha?" anito sa kaniya.

"Oo naman. Sige na umorder ka na," sabi niya dito.

Umorder sila parehas ng pagkain. Hindi na niya nilingon pa kung pinag-uusapan man sila ng ilang mga guro. Ang mahalaga sa kaniya ay sabay silang kumakain ni Penny ngayon kahit na nahuhuli niya itong abot ang lingon sa gawi ni Zyron.

Umorder sila parehas ng sinigang na baboy saka pritong manok, may chopsuey din na nalaman niyang paborito pala ni Penny. Totoong magana itong kumain at nasisiyahan siyang pagmasdan ito habang kumakain sila. Narealize niya na maganda ang mukha nito kahit na mataba ito at hindi pala-ayos. Nahuli nga siya nito kaya agad siyang nag-iwas ng mga mata.

"Bakit ka nakatitig sakin? May dumi ba ko sa mukha?" tanong nito sa kaniya.

"Ha? W-wala. Kumain ka lang ng kumain," aniya dito.

"Siya nga pala mahusay ka pala maglaro ng basketball?" tanong nito.

"Nahusayan ka sakin?" tanong niya. Agad naman itong umiwas kaya mahina siyang natawa.

"Pffft. Ayaw pang aminin na nagagalingan siya sakin. Mahilig kasi ako maglaro ng bola dati pa kaya oo mahusay ako. Natalo ko yung Zyron mo eh so mahusay ako!" may pagmamalaking sabi niya. Nanlaki naman ang mga mata ni Penny at pinigilan siya. Inginuso nito sa kaniya si Zyron na nandoon lang at maaaring naririnig sila. Pero wala naman siyang pakialam kahit marinig pa nito iyon.

"Ang yabang mo talaga. Wag ka ngang maingay!" pigil ang boses na sabi nito.

"Nagsasabi lang naman ako ng totoo," sagot niya.

"Ang kulit mo talaga, manahimik ka na baka marinig ka pa niya," sermon nito sa kaniya kaya tumahimik na lang siya at pinatuloy ang pagkain.

Nang matapos sila ay hihinga-hinga ito. Pati siya ay nabusog rin dahil nagutom siya sa laro kanina. Siya ang nagbayad ng mga kinain nila.

"Thank you sa treat Rocky," nakangiting ani Penny sa kaniya.

"Wala yon," sagot naman niya dito. Pinagtitinginan pa rin sila ng mga guro.

Nakita niyang wala na si Zyron sa kinauupuan nito kanina. Umalis na pala ito.

"Ano tara na?" tanong niya at kinuha ang bag nito.

"Bakit mo pa kinuha yan? Kaya ko naman dalhin ang bag ko," anito sa kaniya.

"Alalay mo ako kaya hayaan mo na lang," sagot naman niya at tumawa. Napangiti si Penny sa kaniya. Umalis na sila sa canteen at naglakad pabalik sa room nito habang yakap-yakap niya ang shoulder bag nito.

I'm Inlove With My Bodyguard (Completed)Where stories live. Discover now