CHAPTER 19: Black Door

4 2 0
                                    

CHAPTER 19:

Renz's POV:

Habang naglalaro ako ng HESM (Heroes Saga Mobile) ay naramdaman kong may pumasok sa loob ng silid.

"Ano po kailangan mo?" tanong ko habang tutok parin sa paglalaro.

Tahimik parin ang paligid kaya't nilingon ko ang aking gilid; hindi ko inaasahan na pupunta siya dito.

Inagaw niya agad ang aking selpon saka ako tinulak pahiga. Sinubukan kong magpumiglas subalit malakas ito. Ang sunod ko na lang na napagtanto ay kumuha siya ng malaking unan saka itinakip sa mukha ko 'yon.

"Hmmmp!" sinusubukan ko parin kumawala subalit may mga narinig akong mga yabag ng paa na palapit sa aking gawi.

"Tulong!" nagpupumilit kong sigaw.

Habang nanlalaban ako ay tila bumibigat lalo ang unan; may naririnig akong mga nagtatawanan.

Habang dumidiin pa lalo ang unan sa aking mukha; nahihirapan na akong huminga, unti-unti narin nawawala ang aking lakas.

Tulungan niyo ako...

Pharsa's POV:

Habang naglalakad ako sa pasilyo papunta sa silid ni Renz ay nakita ko si Kaizer na papunta rin sa silid ni Renz.

Patakbo akong lumapit sa kanya: takang tumingin naman ito sa'kin.

"Dadalaw ka rin ba kay Renz?" tanong ko.

"Ahh oo, ikaw?" tanong niya.

"Hindi eh," hinila ko siya palayo sa pinto ng silid ni Renz kahit nagpupumiglas ito.

"Saan tayo pupunta?" tanong niya.

"Basta sumunod ka na lang," pagpupumilit ko. Hinigpitan ko pa ang paghawak sa kaniya saka tumakbo palayo sa ospital.

"Teka!" hinigit niya ang kaniyang kamay at tumakbo pabalik sa loob ng ospital.

"Kaizer!" tawag ko sa kaniya ngunit patuloy parin ito sa pagtakbo.

"Bawal sumigaw, Pharsa," malamig na saad sa'kin ng taong nasa aking likuran.

Dahan-dahan akong lumingon; nakita ko si President Pearl. Tumungo na lang ako saka nagmamadaling sinundan si Kaizer.

Pagdating ko sa tapat ng silid ni Renz ay nakita kong naka upo sa sahig si Zhat habang hinihilot ang kaniyang pisngi.

Lahat ng mga kaibigan ni Zhat ay tila napako sa kanilang kinatatayuan, kagaya ko.

"Anong nangyayari?!" natatarantang sigaw ni Pearl. Napatingin ako sa kaniya; matalim ang tingin niya sa'kin saka siya pumasok sa loob ng silid.

Akala ko ba bawal sumigaw, pero bakit ikaw sumisigaw? Tss!

"Lahat kayo, pumunta ngayon sa opisina ni Miss Black ngayon 'din!" maawtoridad niyang utos sa'min. "Pati ikaw, Pharsa."

Nagtinginan kami nila Zhat saka tumakbo paalis sa ospital. Lingid sa kaalaman ni Pearl ay tumatakas kami ngayon; walang balak na pumunta sa opisina ni Miss Black.

Habang tumatakbo kami ay may nakabunggo kami, "Tignan mo nga 'yung dinadaanan mo, hindi yung nakaharang ka!" Mataray kong saad.

"Ikaw ang tumingin sa dinadaanan mo, Miss Salvacion," nang tignan namin ito, si Miss Black pala. "Lahat kayo, pumunta ngayon sa opisina ko. Alam ko ang ginawa niyo," maawtoridad niyang utos saka naglakad papunta sa kaniyang opisina.

Balak namin tumakas subalit paglingon namin ay nandoon si Secretary Nadine.

"Huwag na kayo tumakas," seryosong saad ni Nadine. Wala na kaming nagawa kundi ang sumunod na lang kay Miss Black.

Inside of the Online Worldजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें