Yes, I love you...chapter 2

19 2 0
                                    

"Ate!" Sigaw ng isang batang lalaki galing sa loob ng bahay nila at agad yumakap sa babae.

Ang cute ng bata, baka ito ang bunsong kapatid niya.

"Oh namiss ko baby Sean ko!" Sabay halik ng babae sa bata.

"Kapatid mo?" Tanong ko.

"Oo, si Sean ang pinacute kong kapatid. Bunso siya sa aming tatlo."

"Ah may kapatid ka pang isa?"

"Oo si kuya Sam, ewan ko kung asan na naman yun."

Bago pa kami makapasok ng bahay nila, ay bigla namang may dumating na lalaki at isang babae na nakasakay sa single motor. Agad akong napatingin at pinagmasdang mabuti kong sino sila.

"Shai wadya ka la manaya?" Tanong ng lalaki.
(Shai nandito ka na pala?)

"Kak-kasabik labat Pa." Sagot ng babae at agad na niyakap ang lalaki at ang babaeng kasama nito
(Kakarating ko lang din Pa.)

Napatingin sa akin ang lalaki, siguro siya yung Papa nitong babae at Mama naman niya ang kasama nito.

Naiilang ako sa pagkakatitig ng Papa niya, hindi ko alam paano ba ako magpapakilala.

"So paya?" Tanong na Papa niya habang nakatingin sa akin.
(Sino ito?)

Napapalunok na lang ako. Pakiramdam ko hihimatayin ako sa kaba lalo na sa pagkakatitig sa akin ng kanyang Papa. Wala man akong maintindihan sa salita nila pero parang nakakabang alamin.

"Pa, classmate ko yan sa Manila." Paliwanag ng babae.

"Hello po." Bati ko.

"Boyfriend mo?" Matigas na tanong ng kanyang Papa.

"Hindi po Pa, paano ko magiging boyfriend yan eh, bakla po siya." Sagot ng babae.

Nanlambot ang mga tuhod ko sa pagkakasabi ng babae. Hindi ako makapagsalita, gusto kong sumagot pero baka bigla akong palayasin kapag nalamang nagbibiro lang itong babaeng ito. Teka teka? Tama itong narinig ko? Ako bakla? Kelan pa? Bakit hindi ko alam?

"Abalang ko boyfriend mo." Biglang ngiti ng Papa niya sa akin.
(Akala ko boyfriend mo.)

Gusto kong umatras, gusto ko ng umuwi sa bahay. Kung alam ko lang na ganito pala ang idea nitong babaeng ito sana di na lang ako pumayag. Wala eh, ginusto ko ito eh.

"Tara pumasok tayo sa loob para makapagmeryenda na kayo." Alok ng Mama ng babae.

Naunang pumasok ang Mama at Papa niya kaya naman kinausap ko muna ang babae tungkol sa ideang naisipan niya.

"Hey! Bakit yun yung sinabi mo? Kelangan ba na maging bakla ako sa paningin nila para tanggapin ako dito?" Mahina kong tanong.

"Kuya wala na akong ibang naisip na dahilan, kundi yun lang. Panindigan mo na lang."

"Nakakainis ka naman, kung alam ko lang di sana nag-isip pa tayo ng ibang paraan."

"Hindi ko naman ito ginusto eh, ikaw itong nagpumilit na sumama sa akin kaya sorry ka na lang." Pang-aasar niya. "Tara na, ako bahala sayo. Nakakahiya naman sa kabutihang nagawa mo sa akin eh."

Nakakainis naman itong babaeng ito, ang taba-taba ng utak.

Pagpasok namin sa bahay nila ay agad akong umupo para makapagpahinga.

Yes, I Love You!Where stories live. Discover now