Yes, I love you...chapter 3

9 2 0
                                    

Gaya ng sabi ni Shai sa akin. Sabay-sabay silang kumakain dito sa probinsya na hindi ko nararanasan sa Manila. Kaya naman nakakatuwang pagmasdan ang kanilang pamilya.

"Amen!" Sabi ni Shai na nanguna sa pagdadarasal bago kami magsimula sa pagkain.

"Ano pala pangalan mo iho?" Biglang tanong sa akin ng kanyang Mama na si Tita Precy.

"Niv Borromeo po Tita." Sagot ko.

"Saan ba probinsya mo?" Tanong sa akin ng kanyang Papa na si Tito Rudy.

"Wala po kasi akong probinsya. Kasi laking Maynila na po ako, at ganun din po ang mga magulang ko."

"Ah kaya pala. Pagpasensyahan mo na itong bahay namin, hindi ganun kaganda gaya siguro ng bahay niyo sa Manila." Sabi naman ni Tita Precy.

"Ok naman po ang bahay niyo, nakakarelax din po ang maligid."

"May sarili ba kayong bahay sa Manila?" Tanong ni Tito Rudy.

"Nangungupahan lang po kami sa ngayon, pero nagpapatayo na po kami ng sarili namang bahay sa may Bulacan." Sagot ko.

"Saan ka ba sa Manila iho?"

"Taga Quezon City po ako Tita."

"Medyo malayo ata yang tinitirhan mo kung sa PUP ka nag-aaral? Wala bang malapit na school sa Quezon City?"

Napahinto ako sa pagkain ko, naisip ko na tama nga sila, malayo nga naman ang Q.C sa PUP Campus.

"Ah hindi naman po ako talo sa pamasahe Tito kasi nagdodorm po ako sa may Mandaluyong para po one ride lang pagpapasok ako ng school, saka mas mura kasi ang tuition dun compare sa ibang school sa Q.C." Sagot ko.

Mabuti na lang at madami akong alam na lugar kaya madali kong naipaliwanag ang lahat sa pamilya ni Shai.

"Ganun ba iho? Paano ba kayo nagkilala ng anak ko?" Tanong ulit ni Tito Rudy.

Pero sa pagkakataong iyon si Shai na ang mismong sumagot baka kasi himatayin pa ako sa sobrang kaba sa mga tanong nila.

"Pa, 1st year pa lang po kami nung nagkakilala kami ni Niv. Madalas po kasi siyang manghiram ng mga notes ko eh." Sagot ni Shai.

Walang hiya naman talaga oh, kung totoo man yun magrereact ako eh. Buti na lang talaga at kunwari lang ito. Pagbibigyan muna kitang babae ka.

"Aba? Mukhang ang sipag ata ng anak natin at sa kanya pa sila nanghihiram ng notes." Pabirong sabi ni Tita Precy.

"Nagpapahiram lang po siya pero sa akin din po siya kumokopya." Sagot ko at biglang napatingin sa akin si Shai. "Joke lang po." Sabay bawi ko sa sinabi ko.

"Nag-aaral naman ba kayong mabuti?"

"Oo naman po Pa." Pangiting sagot ni Shai.

"Totoo ba yan Niv?" Natatawang tanong ni Tita Precy.

"Opo Tita, actually lagi po sa library si Shai. Grabe kung magsunog ng kilay kaya numinipis." Pabiro ko at bigla akong tinadyakan ni Shai. "Aray!" Sigaw ko.

"Oh anong nangyari sayo?"

"Ah wala po Tita, bigla lang pong pinulikat yung binti ko."

"Ayan kasi kumain ka na lang diyan." Sagot ni Shai at halatang nang-aasar pa.

Sa ngayon pinagbibigyan ko itong si Shai dahil nasa home court niya ako.

"Niv, bilang kaibigan ka ni Shai sa Manila. Pwede bang pakibantayan naman siya baka kasi alam mo na, madaming tukso doon kaya minsan nag-aalala kami. Nag-iisang prinsesa lang namin dito yan." Biglang sabi ng kanyang Papa.

Yes, I Love You!Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu