Yes, I love you...chapter 12

10 2 0
                                    

Paggising ko nahihirapan akong bumangon ngayon ko lang naramdaman yung sakit ng likod ko mula kagabi.

"Goodmorning Niv!" Bungad na bati sa akin ni Shai na halatang kagigising lang din.

"Goodmorning too. Kagising mo lang din?" Tanong ko.

"Oo, medyo napuyat kagabi eh. Tara magbreakfast na tayo." Aya niya sa akin.

"Sige sige." Sagot ko.

Palingon-lingon ako sa aking paligid ngunit gaya ng dati wala na naman ang magulang ni Shai at tanging si Sean lang ang aking nakikita sa labas na naglalaro.

"Asan sila?" Tanong ko.

"Si Mama pumunta ng School may aasikasuhin daw. Si Papa naman malamang andun sa kumpare niya." Sagot ni Shai.

"Teacher ba si Tita?"

"Oo nga pala hindi ko nasabi sayo. Teacher si Mama pero malapit lang yung School na pinagtuturuan niya."

"Ah kaya pala. Sa bagay malapit na pasukan magiging busy na naman Mama mo niyan." Sagot ko at naghilamos. "Eh yung Kuya mo?"

"Malamang naglalaro na naman ng basketball sa kabilang baranggay."

Nagpunas ako ng mukha ko at mulang tinignan si Shai na kumakain sa mesa.

"Wala ka bang gagawin ngayon Shai?" Tanong ko.

"Pupunta ako kanila Anne, sama ka ba?"

"Ah hindi, pupunta kasi ako ng Bayan mamaya."

"Anong gagawin mo dun? Makikipagdate ka na naman sa imaginary crush mo?" Pabiro niya.

"Loka-loka! Magwiwithdraw ako wala na pala akong pera." Sagot ko.

"Sayang kung di lang ako pupunta kanila Anne ngayon sasama sana ako sayo."

"Tama lang yan iwas libre." Pabiro ko.

"Leche ka! Bilhan mo na lang ako ng pasalubong." Biglang sagot niya.

"Girlfriend ba kita?" Pang-aasar ko.

"Oo. Girl na friend." Seryoso niyang sagot at kumagat ng isang pandesal.

Sana nga eh Girlfriend na lang kita. Hindi lang pandesal kakainin mo kundi mamon pa.

"Oh kumain ka na din dito tulala ka na naman diyan." Alok sa akin ni Shai.

Umupo ako sa tabi ni Shai habang nagtitimpla ako ng kape. Pinagmamasdan niya ako, akala niya siguro hindi ko napapansin.

"Matunaw ako niyan." Pabiro ko kay Shai.

"Huh? Bakit naman?" Tanong niya at biglang baling sa iba ang atensyon niya.

"Wala sabi ko ang ganda mo."

"Talaga?"

"Syempre joke lang."

"Peste ka talaga!" Patampong sagot niya.

"Ayokong magkasala umagang-umaga." Pabiro ko sabay tingin sa kanya.

"Ewan ko sayo lagi mo na lang akong inaapi! Hindi mo kasi ako love eh kaya ganyan ka sa akin."

"Mahal kaya kita." Seryoso kong sagot pero hindi siya tinitignan.

"Mahal mo ako? Bakit ganyan ka sa akin?"

"Ganyan ako magmahal eh, nang-aasar."

"Kaya ka siguro hiniwalayan ni Maegan kasi ganyan ka?"

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 12, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Yes, I Love You!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon