Yes, I love you...chapter 6

13 2 0
                                    

“Bakit masaya ka rin namang kasama ah?” Sagot ni Shai sa akin.

“Hilig mo talagang mang-gaya.” Pabiro kong sagot.

“Para patas tayo.” Pabiro niya.

Wala na akong masabi kay Shai kundi ang nagawa ko na lang ay ngumiti sa kanya.

“Pakiramdam ko ang tagal ko na dito.”

“Oo nga eh. Uwi ka na?”

“Second night ko pa lang dito pinapauwi mo na ako? Gusto mo na ba?”

“Joke lang, matampuhing bata ka naman.” Pabiro ni Shai sa akin.

“Nung una iniisip ko baka hindi rin ako magtagal dito dahil kay Maegan pero habang lumilipas ang oras parang gusto kong huwag ng umuwi ng Manila.”

“Nasasabi mo lang yan kasi sa Manila ka lumaki. Yung ibang tao dito yan ang pangarap ang makapunta ng Maynila kaya naman nagsusumikap silang mag-ipon ng pera.”

“Simple lang pala pangarap ng mga tao dito.”

“Oo naman kahit simple lang ang pangarap nila basta ang mahalaga ay matupad.”

Mataas ang pangarap ko sa buhay, masasabi kong kulang pa ang pagsusumikap ko para matupad iyon. Nangarap ako ng mas mataas pa sa pangarap ko simula ng makilala ko si Maegan dahil gusto kong makahabol sa estado ng buhay niya. Siguro pwede ko ng babaan yun dahil ang babaeng pangarap ko mukhang hindi ko na maabot pa.

“Hoy! Malalim na naman iniisip mo diyan?” Biglang sabi ni Shai.

“Naisip ko lang kasi na, hindi pala lahat ng pangarap ng tao pwedeng matupad.”

“Pwedeng matupad yun basta may pagsisikap ka lang. Bakit hindi mo ba kayang tuparin pangarap mo?” Nagtatakang tanong sa akin ni Shai.

“Kaya.”

“Yun naman pala eh. Ano ini-emote mo diyan? Makapagdrama ka naman akala mo leading-man ka sa isang pelikula.” Pabiro ni Shai.

“Leading-man na walang leading-lady.”

“Ay sus! Pinanindigan talaga niya. Alam ko na, yung pangarap mo na sinasabi mong hindi na matutupad ay yung babaeng mahal mo? Si Maegan tama ba ako?”

Kahit minsan may pagkaisip bata si Shai ay andun pa din ang pagiging gifted niyang madaling makagets sa isang logic na kwentuhan.

Tumango na lang ako at napabuntong hininga na para bang sobrang problemado.

“Niv! Kanina ako ang namomroblema sa love life ko, ngayon naman ikaw? Ano ba talaga salitan lang ba tayo dito?” Muli niyang pabiro sa akin.

“Hindi ko naman siya pinoproblema. Iniisip ko lang kung ok lang ba siya, kung ano ba ginagawa niya, kung nakapagpahinga ba siya kanina ng maayos.”

“Hindi mo siya pinoproblema pero concern ka pa din sa kanya? Kung gusto mong masagot lahat ng tanong mo e di tawagan mo siya ngayon o kaya itext.”

“Ayoko baka isipin niya hinahabol ko siya.”

“Oh tapos mag-iinarte ka ngayon? Minsan ang labo mo din eh, pinapayuhan mo ako pero hindi mo naman magawa sa lovelife mo?”

“Madaling magpayo para sa ibang tao, pero mahirap i-apply sa sarili mo.” Seryoso kong sagot.

“Sa bagay tama ka diyan. Huwag kang mag-alala habang nandito ka sisiguraduhin ko sayong magiging masaya ka.”

“Paano mo naman gagawin yun?”

“Bukas pupunta tayo ng bayan. Samahan mo akong mamili ng damit na isusuot ko sa darating na fiesta.”

“Ano naman kinalaman nun sa pagiging masaya ko? May peryahan ba doon?”

Yes, I Love You!Where stories live. Discover now