Papalabas na kami sa room nang higitin ako ng Zelle. Pinaharap niya ako sa kan'ya.

"Aray, Zelle!"  reklamo ko. Nahulog din 'yong dalawang librong hawak ko.

"Ako na," sambit ng isang lalaking bigla na lang sumulpot.

Yumuko siya para pulutin ang nahulog kong libro. Nang inabot niya sa akin 'to ay kumunot ang noo ko.

"Here."

"Ikaw na naman?"

"Magkakilala kayo?" tanong ni Zelle at pabalik-balik ang tingin sa amin nung Vin na nakilala ko sa hallway.

Ngumisi 'yong Vin. Umirap ako.

"Salamat dito. Mauna na kami," paalam ko. Tumango lang siya.

"Sino 'yon, ha? May bago ka ng kaibigan?"

"Kung makapagsalita ka riyan, Zelle, parang tinakwik na kita, ah?"

Ngumuso siya. "So, ano nga?"

"Ano?"

"May problema ka?"

"Kagandahan ko siguro."

"Ulol."

Nagtawanan kami. Dumaan pa kami sa cafeteria para bumili ng shake at nagugutom na naman si Zelle.

Sumimangot ako nang makita ko si Zayd na nakaupo sa dulo ng table. May kasamang lalaki pero hindi ko makita kung sino 'yon dahil nakatalikod siya sa amin.

Nagkibitbalikat na lang ako at umalis din kami agad nang matapos bumili.

"Bakit lutang ka kanina sa klase?"

"Ewan ko," tamad kong sagot.

"Ano ba talagang problema mo, teh? You can always tell me. You were physically present -yes! But you're mentally absent, Kia." namumulang saad niya. Masyado siyang maputi kaya mabilis mamula lalo na kapag naiinis.

Lah. Biglang nagalit?

Inis niyang inayos ang bangs niya. Mukhang frustrated. Tinawanan ko lang ang sinabi niya, kahit totoo naman.

"I'm okay. Ano ka ba. Don't worry about me."

Inirapan niya ako. "I'm your friend. You can always tell me anything, okay?"

I nodded and smiled. "Of course. You are my friend."

"Best friend."

"Okay. Best friend," humalakhak ako.

Naglakad na kami palabas ng school. Nakita ko na si N malapit sa gate. Nakapamulsa at seryoso ang tingin sa daan.

"LQ ba kayo ni N? Bakit nakasimangot siya?" mahinang tanong ni Zelle sa'kin.

"Misunderstanding lang."

"Tungkol saan?"

"Basta."

"Ayusin n'yo agad ha? Una na ako teh, nasa labas na rin sundo ko, e."

"Sure, take care Zelle."

Nang makaalis siya ay pinuntahan ko na si N. Umayos siya ng tayo nang makita niya akong papalapit.

"Let's go?"

He just nodded.

Tahimik lang kami hanggang sa makasakay sa kotse niya.

"Love..."

Tiningnan ko siya. "Hmm?"

"Can we talk about what happened earlier?"

"Nag-usap na tayo kanina."

"Can we talk calmly?"

"I already told you what happened. Hindi ko na uulitin pa," sambit ko.

"Bakit siya ang naghatid sa'yo?"

"Dahil gusto ni mommy at wala akong choice."

"You could've told your mom na ako na lang ang susundo sa'yo."

"Dahil..." napapikit ako. Hindi ko alam ang isasagot.

"Boyfriend mo ako."

Umiling-iling ako "Hindi mo ako naiintindihan."

Tumingin siya sa'kin nang hindi makapaniwala. Umawang ang bibig niya at saka bumuntong-hininga.

"Lagi kitang iniintindi. Ako ba, Kailan mo ako maiintindihan?"

I got teary eyed with what he said.

I do understand where he's coming from but I can't tell him what my mom told me a few days ago.

"Don't you trust me?"

Nagulat siya sa tanong ko. He opened his mouth to speak, but it didn't take long for it to close. He was still shock.

"Love, a-are you serious?"

"I can't say no to my mom, okay? Please do understand me."

"Naiintindihan kita, mahal kita, e." mahinang saad niya.

"I'm sorry."

"It's okay. Let's just forget about it."

Malungkot ang mga mata niyang nakatingin sa akin.

"Iniiwasan ko naman si Zayd. Nagkataon lang talagang naabutan ko siya sa bahay dahil may inabot siya kay mommy."

"Alam kong nagseselos ka. But trust me, okay? He's nothing."

He smiled but it didn't reach his eyes. I know I hurt him again.

"Yeah, I was just jealous but that doesn't mean I don't trust you. I love you so much that seeing you with another guy, hurts me. Big time." he smiled sadly.

Hinaplos ko ang mukha niya. Hinawakan niya naman ang kamay kong nasa pisngi niya.

"You are the only one I want to be with for the rest of my life." I said and moved closer with him.

I held his face with my both hands and kissed him on the lips. Naramdaman kong nabigla siya sa aking ginawa, pero tumugon din kalaunan. We kissed passionately.

Lumayo rin agad ako sa kanya nang maramdaman ang tensyon. He chuckled.

"Are we good now?"

I nodded. Magkaroon man kami ng away ni N ay lagi naman itong inaayos. Hindi namin ito pinapatagal pa, dahil mas lalo lang lalala.

A communication is indeed a key to have a healthy relationship in all aspects.

Dahil kung pareho ninyong tatakasan at tatakbuhan ang problema ninyo, hindi ito maaayos.

"Yeah. I'm sorry dahil hindi ko sinabi. Next time, sasabihin ko agad sa 'yo."

Hinawakan niya ang kamay ko.

"I understand. I will always understand, love."

I smiled. "Thank you," I said and he smiled back.

"Tuloy na tayo next week?"

"Yes, nakausap ko na rin si mommy tungkol diyan. You can invite your friends, love."

"Sure, aayusin ko lang muna 'yong clearance ko."

He nodded. "Isang taon na lang, p'wede na kitang pakasalanan."

Tumawa ako ng malakas. Masyado siya excited.

"Agad? Hindi ba p'wedeng mag-work muna?"

"Kaya naman kitang buhayin, love."

Pinisil ko 'yong ilong niya. "I know. But I want to experience working first, okay?"

Ayoko namang iasa sa kan'ya lahat.

"Of course, you'll work love. I just want us to get married immediately! But no pressure, love. I'll wait. I can wait." then he winked at me

"Thank you," I said and kissed him on his cheeks.

"You don't need to thank me. At alam ko namang tayo na hanggang dulo."

He held my hands and leaned towards me. "I will definitely never leave you whatever happens."

"Ikaw bago ang lahat. I promise." he whispered.

Dance The Pain Away (Social Media Series #1) √Where stories live. Discover now