Chapter 20

693 25 7
                                    

Chapter 20

Galit siya pero tinawag pa rin niya akong love.

Napalunok ako. Seryoso pa rin ang tingin niya sa akin.

"Hey," sabat ni Zayd nang makalapit. "Don't be mad at Leanna, bro. Hindi niya alam na pupunta ako sa bahay nila."

I looked at N. He didn't pay attention to what Zayd's saying. He's just staring at me with his cold eyes.

Masyadong mainit ang panahon ngayon para sa mga matang niyang nanlalamig.

"Iwan mo muna kami, Zayd."

"Are you sure?"

"Yes, please."

Saglit pa niya akong tinitigan bago tumango at umalis na.

Bumuntonghininga ako at tiningnan si N. Ngumuso ako.

"Mag-usap na lang tayo mamaya."

"Bakit hindi pa ngayon?" seryoso pa ring saad niya.

Inirapan ko siya. "May klase pa ako. Ano? Gusto mo bang hindi na ako pumasok?"

"May klase ka o iniiwasan mo lang 'yong tanong ko?"

Biglang sumakit ang ulo ko sa sinabi niya.

"Ang aga, N. Ayoko ng away."

"Hindi tayo nag-aaway. Nagtatanong ako, love," giit niya.

"Fine. I didn't know that he was going to our house. Si mommy ang pakay niya, okay? If you don't wanna believe me, then don't," nawawalang pasensyang sambit ko.

"Hindi ko sinabing hindi ako naniniwala. Kaya nga ako nagtatanong," he paused. "Kaya ba hindi ka nagpasundo sa 'kin dahil kasama mo siya, gano'n ba?"

"This is nonsense, Nathaniel. Walang patutunguhan ito. Let's just talk after class," sambit ko at tinalikuran siya.

"Talagang walang patutunguhan ito kung tatalikuran mo ako."

Napahinto ako sa paghakbang at hinarap ulit siya. Kita ko ang lungkot sa mga mata niya at wala na ang lamig doon.

"May pasok pa ako, okay? Mamaya na lang."

Nalungkot man ako pero kailangan kong iwan sa labas lahat ng 'yon. Dahil baka hindi na naman ako makapag-focus sa discussion.

Bumuntong-hininga muna ako bago pumasok sa room.

Ngumiti ako nang bumungad sa 'kin si Zelle na nakikipag-chikahan sa katabi niyang si Claire.

Umupo agad ako nang hindi niya napansin ang pagpasok ko. Tahimik lang ako habang nakaupo nang kalabitin ako ni Zelle.

"Teh, grabe ha. Hindi ko napansin 'yong pagpasok mo. Anyare teh ba't parang malungkot ka?"

"Good morning din," tipid kong sagot at natawa na lang sa pagkadaldal niya.

Tumawa rin siya nang malakas sabay hampas ng mahina sa akin. Baliw na yata 'to.

"Morning," umayos kami ng upo nang pumasok na si Miss Victoria.

Sa loob ng isang oras na discussion ay lutang na naman ako. Mabuti na lamang ay walang pinagawang activities, dahil patay ako kung nagkataon.

Tuloy lang ang pagsasalita ni Miss Victoria tungkol sa Erik Erikson theory.

Hindi naman ako interesado.

"Huy, nakikinig ka ba?"

Sinimangutan ko si Zelle. "Obvious ba?"

"Hindi," matalim niya akong tiningnan.

Dance The Pain Away (Social Media Series #1) √Where stories live. Discover now