Chapter 18

591 30 10
                                    

Chapter 18

"I'm sorry. Nakiusap ako pero ayaw ka na raw bigyan ng second chance dahil hindi na rin kaya ng schedule at malapit na rin mag-end ang semester. She told me that... she'll give you a tres."

"Pero mas okay na 'yon, hindi ba?" agap niya bago pa ako mag-react. "Dahil hindi mo na kailangang ulitin 'yong subject."

"Love," tawag niya pero nakayuko lang ako.

Dahil hindi okay 'yon. Major namin 'yon at tres pa. Mommy will get mad, I'm sure. At natatakot akong baka idamay niya si N sa pagkakamali ko.

Tiningnan ko siya habang patuloy na pumapatak ang luha. Inis kong pinahid ang luha ko pero ayaw pa rin huminto sa pagpatak.

"Kung sa'yo okay 'yon, sa'kin hindi. Naiintindihan mo ba?"

Kahit kailan hindi naging okay ang magkaroon ng tres. Lalo na sa parents ko.

Hindi siya sumagot. He just smiled painfully.

"I-I'm sorry. I'll talk to her again. Wait me here," saad niya at biglang tumayo na nagpagulat sakin.

"Hindi na kailangan," sagot ko na nagpatigil sa kan'ya sa paglalakad palabas.

"Wala nang magbabago do'n." mahinang dagdag ko at tumingin sa bintana ng kwarto ko.

It's raining outside. Ang lakas ng buhos ng ulan. Mukhang nakikisama sa nararamdaman ko.

I sighed. I wiped my own tears.

I'm such a failure.

They would be disappointed in me again.

Naramdaman kong umuga ang kama at sumunod ay ang pagyakap ni N mula sa likuran.

"I'm sorry," he whispered in my ear.

I didn't respond. I was just crying silently.

"Tell your mom that it was my fault."

Inis ko siyang nilingon, ngumuso naman siya sa'kin. Nakayakap pa rin sa'kin at ang mga kamay niya ay nasa bandang tiyan ko. Nakikiliti ako sa paraan niya nang paghawak. Pinatong ko ang kamay ko sa kamay niyang nasa tiyan ko. Kahit naman naiinis ako ay alam kong wala siyang kasalanan doon.

"Kung hindi lang sumama ang pakiramdam ko sana nagising ako ng maaga, it was my fault."

"Hindi mo naman kasalanang magkaroon ng sakit at sakto pa sa presentation mo, love. Don't stress yourself to much, okay? I'll explain this to your mom para hindi ka mapagalitan."

"Am I a failure?" halos bulong na tanong ko. Humarap ako sa kan'ya.

"No, no. Of course not, love. You're not a failure, you're just being pressured by the people around you."

He kissed the side of my head. "It's okay to make mistakes. It doesn't mean you're a failure when you made a mistake, hmm?"

I closed my eyes and hot tears started to flow from my eyes.

"Be gentle with yourself, K."

Pinaharap niya ako sa kan'ya at hinalikan niya ang tungki ng ilong ko ng tatlong beses.

"Listen to me. I'm proud of you, love. I'm so so proud of you. I witnessed how much you pour of your heart and soul into everything you do —you've come this far, please appreciate yourself too."

After he said those words I immediately hugged him.

"I'm sorry," sambit ko at sumubsob sa dibdib niya.

Sa kan'ya lang ako nakakaiyak, sa kan'ya ko lang nailalabas ang totoong ako. Sa kan'ya ko lang naipapakitang ang pagiging mahina ko.

At siya lang din ang nagpapakalma sa 'kin.

Dance The Pain Away (Social Media Series #1) √Where stories live. Discover now