Chapter 10

721 42 27
                                    

Chapter 10

Nang makarating kami sa school ay bumungad sa 'min ang mga maiingay na estudyante. Many booths were also set up, but I had no plans to join, I just went here because there's still attendance even on Valentine's.

Gano'n naman karamihan sa estudyante kapag may events. Papasok lang for the sake of attendance.

May nakita rin akong marriage booth na pinagkukumpulan ng mga tao. Tilian nila ang naririnig sa buong campus.

Mayroon pa ngang naiyak dahil kasal na raw sila nung crush niya, e, tiningnan ko 'yong katabi niya, nakasimangot naman. Mukhang siya lang ang masaya.

"Kia! Nathaniel! Dito kayo, yuhooo!" Napalingon kami sa sumigaw. Kababaeng tao ang lakas ng boses.

Si Zelle nasa isang stall at kumakain ng cotton candy! Grabe talaga 'tong babaeng 'to.

"Tara kay Zelle," sambit ko habang nakahawak sa braso niya.

I looked at Zelle's outfit. She's wearing a black dress! Really a black dress? Lamay ba ang pupuntahan nito?

"And why are you wearing a black dress? Zelle Valentine's ngayon baka hindi ka informed at walang lamay!"

Ngumiti siya ng pilit habang kumakain pa rin ng cotton candy, napakamot pa sa ulo.

"Ah, pinapauso ko kasi para alam mo na..."

"Para?"

"Para sa walang jowa, gano'n."

Ngumiwi ako habang siya ay tawa nang tawa habang ngumunguya ng cotton candy.

Paatras ata ang edad ng babaeng 'to.

"Ewan ko sa'yo, Zelle. Pero bagay naman sa 'yo," sinulyapan ko ulit ang dress niya at nginitian ko siya ng matamis.

"Naku! Alam ko na 'yan, teh!"

"Bagay sa'yo maging mangkukulam."

Back to you, Zelle.

Ako naman ang tumawa ay agad niya naman akong sinamaan ng tingin. Parang gusto niya nang pumatay.

"I agree," N agreed.

Natawa na lang ako. Kawawang Zelle.

"Really, N? Sana basted-in ka ni Kia! Hmp, magsama kayo," she rolled her eyes and walked out.

"She's so cute," lumingon ako kay N, I caught him staring at me.

"What?" nguso ko sa kan'ya.

He leaned towards my ear. "I love you," he said and I can feel his hot breath on my ear.

I can hear my heart beating so fast! Parang tatalon na ang puso ko!

Ang lapit ng mukha niya sa'kin. Kinabahan ako at agad akong lumayo.

"Why are you nervous?" mahihimigan ang pang-aasar sa boses niya. Inayos niya ang suot na eyeglasses at saka ngumisi sa akin.

Grabe, ang gwapo naman nito.

Kung asaran lang din, hindi ako magpapatalo. Baka Kia 'to. Ngumisi ako.

I leaned towards his face and whispered in his ear. "Buang."

Iniwan ko siya sa pwesto at patawa-tawa akong naglalakad. Akala niya kung ano ang gagawin ko, ah? Asa.

Saka nandito kami sa school, bawal ang PDA. Baka ipa-guidance pa kami, mahirap na. Lalo na't education ang course namin dapat maging role model kami. E, bakit parang gusto mo naman, Kia?

"Why are you laughing?" nilingon ko kung sino 'yong nang-istorbo sa pagtawa ko.

Si Zayd, 'yong kumag na naman "Paki mo?"

Dance The Pain Away (Social Media Series #1) √Where stories live. Discover now