Chapter 8

672 41 25
                                    

Chapter 8

"Okay, so today will be our Valentine's Decoration Day," our professor just announced.

Agad namang umingay ang klase. Kapag talaga Valentine's Day, ang bibo nila, palibhasa may mga jowa. E 'di sila na. 

Valentine's is not all about girlfriend and boyfriend. Oo, wala kasi akong jowa.

"Education students were assigned to decorate the whole campus, kaya i-a-assign ko kayo sa iba't-ibang place dito sa campus, do you understand class?"

"Yes, Miss Batumbacal," we answered in unison.

"So, Nathaniel and Seth would be on the Cafeteria."

"Casseyline, Ashley and Averyn would be on the gymnasium."

"While Claire, Zelle and Kia would be on the locker area."

Hindi ko na narinig ang iba, so we're assigned on the locker area. Pumunta na kami sa area namin at nag-ayos.
Kasama namin si Claire 'yong mahinhin kong kaklase. Nilagyan namin ang bawat locker ng card with shaped heart, na kung saan ay p'wede kang magsulat ng letter para sa crush mo. We put some hanging hearts at the ceiling too. Ang ganda!

"Oy, Kia!" pagtawag ni Zelle, hindi ko namalayang nakatulala na pala ako sa hearts.

"Oh?"

"Ka-date mo si N bukas, 'no?" ayan na naman si Marites

Sumimangot ako. Tiningnan ko muna si Claire, naglilinis na siya. "Hindi 'no. Saka hindi naman niya ako niyaya," sagot ko habang nakatingin pa rin sa mga puso.

"Gagsti!" sagot niya at pabirong kinurot ako. Mapanakit talaga. "Nililigawan ka niya, hindi ba? Edi malamang ka-date mo siya bukas. Hina mo naman Kia."

Napaisip naman ako. Gano'n ba 'yon?

"Malay ko ba," tamad kong sagot at sinimulan na naming linisan ang mga kalat

"Napagod ka ba?" tanong niya nang nakabungisngis "Syempre hindi, ganyan talaga kapag in love."

"Connect?"

"I-connect mo!" inis niyang sagot, tinawanan ko lang siya at tinapos na namin ang paglilinis.

"Tara na nga," biglang pag-aaya niya at saka ako hinila. Red days niya yata kaya gan'yan siya. Pagbigyan.

"Tara dito, dali!" hinila na naman niya ako. Isa pang hila niya, hihilahin ko rin ang buhok nito.

"Where are we going, Zelle?" baka kung saang lupalop niya pa ako dalhin.

Hindi niya ako sinagot. Tuloy lang siya sa paglalakad. Psh

"Ano ba kasi 'yo-" naputol ang sinasabi ko nang makita ko ang nasa harapan namin.

N is holding a bouquet of red tulips. My favorite flower!

Napatigil ako sa paglalakad.
Tinapik ako sa braso ni Zelle "Ge, exit na ako," paalam niya at naglakad na papalayo.

"Zelle, huy, wait! Huwag mo akong iwan–"

Naputol ang sinasabi ko nang magsalita si N. "Kia Leanna Avalon."

Sinimangutan ko siya. "Ano 'to? Hindi pa naman Valentine's Day."

"Sssh, 'wag mong sirain 'yong moment, K."

"So, ano na?" I arched my eye brow, waiting for his answer.

He cleared his throat. "Uhh, Kia hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa. Do you want to spend your Valentine's Day with me?"

Tama nga si Zelle. Pero ni hindi sumagi sa isip ko 'to. Tinaasan ko siya ng kilay.

"E, kung ayaw ko?"

Dance The Pain Away (Social Media Series #1) √Where stories live. Discover now