Chapter 19

601 26 5
                                    

Ikaw lang — Nobita

Chapter 19

Kinabukasan ay maaga akong pumasok na parang walang nangyari. Hindi na rin ako nagpasundo kay N dahil baka mas uminit lang ang ulo ni Mommy kapag nakita niya kaming magkasama.

"Love," sambit ni N nang makarating ako sa eskwelahan. Hinintay niya ako sa gilid ng gate.

"Hey."

"Kumusta? Maayos na ba ang pakiramdam mo?"

Medyo masakit pa rin ang ulo ko, pero hindi ko hahayaang makapag-absent na naman ako dahil dito.

"I'm okay na. Ang galing kaya nang nag-alaga sa'kin, e."

Ngumiti na rin siya. "That's good, love. How about your mom?"

I smiled. "Okay na 'yon. Don't worry about it. Naayos ko na."

"Are you sure?"

"Yeah, tara pasok na tayo," anyaya ko dahil baka kung saan pa mapunta ang usapan.

"Magkita nalang tayo mamayang uwian, pasok na 'ko," sambit ko habang naglalakad kami papunta sa room.

"Yeah, I love you."

"I love you too," sagot ko na lang at naglakad na paakyat.

"Kia..."

Kumunot ang noo ko at lumingon sa tumawag sa akin. Nakatayo siya sa harapan ng isang room na walang estudyante sa loob. Madadaanan kasi 'yon pag umakyat ako sa room ko.

"Po?"

Pinasadahan ko ng tingin ang uniform niya. Naka-dark blue jersey. May pawis pa sa noo niya, mukhang nag-basketball kahit maaga pa. Moreno at gulo-gulo pa ang buhok niya, akala mo hindi estudyante. May slit pa sa kilay niya.

Kung titingnan ay para siyang bad boy. Pero baka sa looks niya lang talaga. Hindi ko naman siya kilala. At wala akong pakialam.

Gwapo rin naman. Pero walang-wala siya kay Nathaniel.

"Good morning," nakangiti niyang bati.

He's not familiar. Wala rin siyang suot na I.D kaya hindi ko alam kung ano'ng course niya.

"Good morning din."

"I'm an I.T student. You can call me Vin."

Hindi ko po tinatanong.

"Okay," sambit ko at umalis na sa harap niya.

Narinig ko pang sumipol siya kaya napairap na lang ako.

Ayoko sa ganoong lalaki. Kairita.

Bakit ba nakakairita ang mga I.T? Isa pa si Zayd. Bakit bigla kong naisip 'yon?

Tss.

Naabutan ko si Zelle na nakapalumbaba sa mesa, kasama si Claire. Parang problemado silang pareho dahil sa hitsura nilang nakabusangot.

Lumaki ang mata niya nang makita ako. Ang kaninang nakabusangot ay parang nabigyan ng sigla nang makita ako.

"Huy, Kia. Anyare sa 'yo kahapon?"

"Absent."

"Ah, cool." sarkastikong sambit niya.

Pumikit ako. "Yeah, cool."

"Ayos ka na ba?"

"Buhay pa naman," sagot ko at pumikit.

"Alam mo bang kinausap ni Nathaniel kahapon si Prof? Kulang na lang nga ay magmakaawa, e."

Dumilat ako dahil sa sinabi niya. Hinarap ko siya.

"Mabuti nga kahit hindi ka binigyan ng chance, may grade ka pa rin. 'Yong iba nga bagsak talaga teh. Kaya pasalamat ka talaga kay Nathaniel at kinausap niya agad," pagkukwento ni Zelle

Dance The Pain Away (Social Media Series #1) √Where stories live. Discover now