Chapter 13

564 36 15
                                    

Chapter 13

"Gusto mong gumala?"

I shrugged. "Ikaw?"

"Ikaw, kung may gusto kang puntahan."

Nag-isip ako. Wala rin naman akong gagawin sa bahay at ayoko pang umuwi.

"Sa mall na lang. May bibilhin din kasi ako."

Lumapit siya sa akin at hinalikan ako sa noo. Napangiti ako.

"Okay, love."

Pagkarating namin sa mall ay agad akong pumunta sa National Book Store.

We bought bond papers, markers, colored papers at iba pang magagamit namin for teaching demo.

"Okay na 'tong nabili natin?"

I nodded. "Yeah."

"Tara sa H&M, bili tayo ng damit," nginitian ko siya saka hinila papasok.

Nagtingin-tingin kami ng mga damit.
At nang napatingin ako sa dulo ay may nakita akong magandang dress. Sleeveless, plain lang at may belt na rin, pero ang cute kasi ng color.

Inakbayan ako ni N at tumingin din sa tinitingnan ko. "Do you want that dress, love?"

I smiled. "Yeah. Ang cute ng color."

"Color lang?"

I laughed. "Maganda rin, simple lang."

"Uhuh, parang ikaw."

Umirap lang ako. Nambobola na naman.

"I'll buy that for you and... can you see that polo?" tinuro niya ang pink na polo na katabi nung dress sa gusto ko.

"Bibilhin ko 'yan, para terno tayo," sabi niya at kumindat pa kaya natawa na lang ako.

Pagkatapos naming bilhin ay tumingin pa kami ng shirts. Pumili rin ako ng shirt for him.

"Love, I'll buy these for us." pinakita niya sa'kin ang couple white sneakers.

Napangiti agad ako. "Aww, that's cute! Thank you!" niyakap ko siya ng patagilid at hinawakan naman niya ako sa bewang at hinalikan ang gilid ng ulo ko.

"Okay na 'tong nabili natin, love? Bayaran na natin."

"Ako ang magbabayad niyan."

"But-" he cut me off.

"Hintayin mo na lang ako sa labas, okay? Bawal tumanggi," sambit niya kaya wala na akong nagawa.

Ngumuso ako. "Okay," naghintay na lang ako sa labas dahil marami ring tao sa loob, ayoko rin namang paharang-harang pa ro'n.

Pagkatapos ng ilang minuto ay lumabas na rin siya bitbit ang mga pinamili namin.

"Ako na sa iba, love," sabay kuha ng paper bag sa kaniya dahil dalawang kamay na ang pinanghahawak niya.

Pero pinili niya 'yong paper bags na magaan lang at iniabot sa'kin. Pinagsama niya na lahat ng paper bags sa kaliwang kamay niya, saka ako hinawakan sa kanang kamay niya.

"Kain muna tayo bago umuwi," sabi niya.

Patingin-tingin lang ako sa paligid habang naglalakad kami hanggang sa mahagip ng mata ko si Hannah, papunta rin sa direksyon namin kaya magkikita at magkikita talaga kami. Nang mapatingin siya sa direksyon namin ay agad siyang ngumiti at lumapit.

"Hey, guys. Nandito rin pala kayo," sambit niya.

She's wearing a fitted red dress. Ang sexy niyang tingnan at mas lalong lumabas ang kaputian niya dahil sa suot. Samantalang kami at nakasuot pa ng uniform dahil galing pa kami ng eskuwelahan.

Dance The Pain Away (Social Media Series #1) √Where stories live. Discover now