CHAPTER 18: Core Memory

4 2 0
                                    

CHAPTER 18:

Renz's POV:

Hay... Ano nanaman ba nangyari sa'kin?

"Renz!"

Ito nanaman 'yung boses na naririnig ko.

"Sino ka ba?!" singhal ko.

"Hahahaha!" humalakhak lang siya nang humalakhak.

"Tsk. Hindi ako nakikipag biruan!" nakakuyom ang aking kamao; galit lang ang aking nararamdaman ko.

"Diba gusto mo tumira sa mundong ito?" mapang-asar na tanong niya.

"Oo..." Nag-aalangan kong tugon.

"Sumama ka na sa'kin," seryosong saad niya.

Huh?

"Ayoko! Mayroon pa akong babalikan sa aking mundo." Matigas kong saad.

"Come with me, mas magiging maganda ang iyong buhay," pagkasaad niya no'n ay naglaho siya at bigla akong nakakita ng liwanag.

Kaagad akong bumangon ngunit nang tignan ko ang paligid ay nasa ospital pala ako.

Anong nangyari?

Tinignan ko ang aking sarili; naka dextrose ako.

"Nahimatay ka kanina," nag-aalalang saad ng babae sa tabi ko. Tinignan ko siyang mabuti saka ngumiti.

"Wow, concerned ka ha." Natatawang saad ko.

"Hays, minsan lang akong gan'to, Hahahaha!" tatawa-tawang tugon niya.

"Hay na'ko, pero kumain ka na ba?" tanong ko.

"Hindi pa, gusto kong kasabay ka," tugon niya saka niya inabot sa akin ang aking tupperware na may laman na pagkain.

"Si... Pearl? Nasaan?" tanong ko.

"Ahh... Pumasok muna siya, tayo naman ay walang klase kaya binantayan muna kita," malumanay na saad niya.

Tumango-tango lang ako at binuksan ang aking baunan.

"Kamusta na pala pakiramdam mo?" tanong niya.

"Hindi na sumasakit ulo ko, 'di kagaya kanina kaya nahimatay ako," tugon ko saka sumubo ng kanin at ulam. "Salamat, Nadine."

"Wala 'yon, kaibigan kita eh," ngingisi-ngising saad niya.

Nagpatuloy lang kaming kumain ng aming tanghalian at nagkwentuhan sa mga bagay-bagay habang pinapalipas ang oras.

Pero... Sino ba kasi siya? Kilala niya ba talaga ako?

Pearl's POV:

Nang matapos na ang aming klase ay niligpit ko kaagad ang aking mga gamit saka nagmamadaling tumungo sa ospital na katabi lang ng aming paaralan.

Pagkarating ko doon ay nakita ko sila Nadine at Renz na masayang magkasama.

"Hmm?" naglakad ako patungo sa direksyon nila, tila nakita naman nila ako agad.

"Pearl!" masayang bati ni Renz.

"Hi, Pearl," mahinhing bati naman ni Nadine.

"Kamusta na pakiramdam mo?" tanong ko kay Renz.

"Maayos na!" masayang saad niya na parang bata.

"Ms. Salvacion, pumunta ka raw po sa opisina ni Ms. Black," saad ng isang estudyante na pumasok sa kuwarto.

Inside of the Online WorldWhere stories live. Discover now