"Oo. Sinabi na saakin ni Gino na mahal niya ako."


"ANO?!" Nanlaki yung mga mata nila sa gulat dahil sa sinabi ko. 


Nanlaki rin yung mga mata ko dahil nakita kong napupuno na yung syringe ni Kim, "KIM! Yung syringe!"


Tinignan pa nila ng ilang segundo yung tinuturo ko bago matauhan.


"Ay puta!" Napamura tuloy si Kim at agad pero dahan dahang tinanggal yung karayom kay Rachel. Pagkakita namin sa syringe ay punong puno na ito ng dugo. 


"Bitch! You almost killed me! Hindi na talaga ako papayag na pagpraktisan mo!" Sabi ni Rachel at siya na mismo yung naglagay ng bulak sa parteng kinunan ng dugo ni Kim tsaka lumayo na sakanya. 


"Relax, hindi naman gaano kadami. Tsaka, maya-maya lang mapapalitan din naman lahat ng nawalan niyong dugo ng bagong dugo eh." Sabi ni Kim habang nagliligpit ng mga gamit niya, "So, ano nga, Naomi? Sinabi niya talaga yun?!"


Nawala yung ngiti sa labi ko at napatikhim habang inaalala yung nangyari kagabi, dahil kaya doon hindi ako nakatulog kaya hindi ko maabsorb yung sinasabi ni father kanina sa simbahan.


"Edi anong nangyari? Anong sinabi mo?" Tanong ni Rachel.


Hindi anong sinabi ko, kundi anong nagawa ko.


Napapikit nalang ako nang mairin nung naalala yung ginawa ko kagabi.


"Ay ewan!" Napasigaw ako at napatayo na sa kinauupuan ko para kumuha ng tubig sa kusina dito sa apartment ni Kim.


"Ohhhh, mukhang may nangyari ah. Spill, spill." Kulit pa saakin ni Rach at sinundan ako sa kusina. Humabol din si Kim para marinig yung kwento ko.


Uminom muna ako ng tubig bago huminga nang malalim at napatingin sakanila na naghihintay ngayon sa kwento ko. Napapikit naman ako nang mairin tsaka mabilis na nagsalita, "Ano.. Kasi...Pagkatapos niyang umamin, pinauwi ko na siya tsaka sinaraduhan agad siya ng gate."


Pagkaraan ng ilang segundo, wala pa rin nagsasalita sakanila kaya dahan dahan ko nang dinilat yung mga mata ko at nakita ko sila na nakaawang ng konti yung mga bibig.


"You can't be serious," Sabi ni Rachel pero napakagat nalang ako nang ibabang parte ng labi ko sabay yuko sa kahihiyan na ginawa ko, "That's rude, Nami!"


"And hilarious HAHAHAHA, " napahawak pa si Kim sa tyan niya sa kakatawa, "Grabe ka pala mag-reject HAHAHAHA."


"Aish!" Hindi ko naman kasi sinasadya eh, nagulat lang ako. The worse part is, mukhang napalakas ata yung pagsarado ng gate huhu. Pinagsisihan ko na nga eh huhu. Ano bang dapat na reaction doon?! Nakakaloka kasi, "Tawagan ko kaya? Mag-sosorry lang ako. Tsaka may tinatanong pa siya, sagutin ko lang yun."


"Anong tanong niya? Do you want to be my girlfriend?" Natatawang sabi ni Rach.


A Hidden Gem (Fate Series#3)Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ