"Sabi ko hot! Sinabi ko ba masarap?"

Ngumiwi ito. Nagulat pa nga ako ng tapikin ako nito sa balikat at bahagyang bumulong, "Hindi marunong? Hot lang?"

Awtomatiko yatang umakyat lahat ng dugo ko patungo sa pisngi ko.

Is Harrice just implying that...?

"Sabi nga ni Elle freak yan si Tris. Pag nagkikiss kayo sumusuka din ba sya gaya nung nangyari non nung hinalikan ni Elle si Tris sa leeg nung family dinner natin?" dire-diretsong tanong pa nito na hindi nahihiya.

Ang siste tuloy kahit wala akong kinakain ay literal yata akong nasamid. Tinapik tapik lang ni Harrice yung likod ko.

"Sabi kasi ni Elle ayun daw yung secret ni Tris. Kawawa ka naman, Is. Pumili ka na lang ng iba. Tulungan pa kita."

Anong pumili ng iba? Si Tris lang yung gusto ko. I've fallen in love countless times, always to Tris. Just to Tris. Kung hindi lang din sya ang endgame ko, pack up na lang ako at magkukulong sa Isla.

"Grabe naman kasi yung sumusuka, Is. Ang gross."

Napastraight ako ng upo sa upuan ko. Pansamantalang nakipagbreak muna yung pisngi at noo ko sa mesa.

"Excuse you, Harrie. Hindi ganyan si Tris sakin no. Baka sa asawa mo lang at sa ibang babae. Kadiri daw kasi silang lahat. Sakin lang hindi nandidiri si Tris." I don't know why my voice sounds a little boasting than it should be.

"Oh?" tinitigan ako nito. "Seryoso?"

I unabashedly nod my head. Wala ba syang tiwala sa karisma ko?

"Tanungin mo pa si Tris. Ayaw na nga noon umalis sa tabi ko. Sinasabi ko sayo patay na patay din sakin yon. Nahihiya lang umamin." dagdag pagyayabang ko pa.

Hah! Hindi por que saksakan ng ganda yung asawa nya, ay may karapatan na syang laitin si Tris sa harap ko pa. Saksakan kaya ng karisma at appeal si Tris. Ilang tao ba ang nagawa nitong palingunin sa tuwing dadaan ito kanina? Ilang mga sulyap at titig yung hindi mapagkit sa maganda at kaakit akit niyong mukha? Kulang na nga lang ay maglaway lahat sa ganda ng katawan at haba ng legs ng Negra na iyon.

Taob na taob yang Elle ni Harrice!

"E ganoon naman pala. Bakit iniwan ka nya dito mag-isa at sinundan si Kaylee? Hindi ba dapat ikaw ang priority nya ngayon? Ganyan na ba patay na patay ngayon?"

Hindi ako nakasagot. Tama naman kasi si Harrice sa bagay na yon.

Tinatamad ulit na ibinagsak ko yung mukha ko sa mesa. A part of me wants to hate Tris for putting me in this awkward situation. But there's also another part of me that understands on why she had to do that.

Kawawa naman kasi si Lee kung gagawa iyon ng eksena sa mismong party ng kapatid nya dahil lang iba yung kasama ni Payne ngayon. Mapapahiya ito ng husto.

"Woy, Is." Kinalabit ako ulit ni Harrice. Mukhang wala talaga itong plano na tantanan ako. "Ayaw mo talagang alamin yung chika ko?"

"Anong chika ba kasi yan? Sabihin mo na. Tungkol ba kay Tris yan? May basis yan o pure hearsay lang?"

"Tungkol kay Tris." Nagmamalaking sulsol pa nito. "Sabi ni Elle wag ko daw sasabihin sayo. Pero dahil pinsan kita kaya sasabihin ko pa din. I think you had the rights to know though."

Sa sinabi nito ay nasaling yung kuryusidad ko. Hindi naman ako tsismosang tao. Sa mga gaya kasi namin na laging nasasabihan ng hindi maganda, balewala na lang yung mga tsismis na hindi naman napapatunayan.

AeipathyWhere stories live. Discover now