"Bakit hindi pinaalam sa akin ni Nanay ang tungkol sa mga sulat at post cards ni Noah? Ito kaya ang dahilan kung bakit pinagsasabihan n'ya akong iwasan si Noah?"

Napasimangot si Shiloh.

"Nanay naman..minsan lang akong magkacrush..binara agad ako!Tsk."

------------------------------------------------------------

Hapon..

"Shilohhhh!!" Narinig ni Shiloh ang boses ni Abebet. Dali dali s'yang dumungaw sa bintana. Nakita n'yang nakatayo sa labas ng kanilang bakuran si Abebet.

"Abebet, Bakit?"

"Ineng, lumabas ka sa iyong kweba pumunta tayo doon sa plaza..naghahanap daw sina Kapitan ng isasali sa SANTA CRUZAN."

"Hindi ako pwede kasi bata pa ako." Sagot ni Shiloh.

"Naku, pwede ka na. Sumuot ka lang ng high heels matangkad kang tignan."

"Hindi ako papayagan ni Nanay, kasi wala kaming pangbili ng gown."

"Nakalimutan mo na ba, nagraraket ako sa Tailoring Shop..pwede tayong humiram ng damit doon para suotin mo sa Santa Cruzan."

"Eh, baka magalit si Nanay."

"Naku, h'wag mo munang isipin 'yon. Halika na at baka mahuli pa tayo.Tsaka ito pa, balita ko isasali si NOAH para maging escort sa REYNA ELENA."

"Si Noah, sasali?" Agad umabot ang ngiti ni Shiloh hanggang tenga.

"Oo."

"Ano pang hinihintay natin Abebet..DALI!!!" Hinila ni Shiloh ang kaibigang bakla.

"Sugod!!" Sigaw ni Abebet.

-----------------------------------------

Nang marating nila ang plaza, mahaba ang pila ng mga kadalagahan. Maging ang mga kabataan ay sabik na sabik na malaman kung sino ang mapipili sa Santa Cruzan.

Takbo lakad ang ginawa nina Abebet. Kaya nang dumating sila hingal na hingal. Mabilis silang lumapit sa Kapitana.

"Kapitan, pwede po bang isali si Shiloh sa Santa Cruzan?"

"Naku, hindi pwede kasi batang bata pa. Tsaka para sa mga kadalagahan lamang ang pwedeng sumali.

"Eh, tatangkad rin naman po s'ya kung sakali dahil gagamit ng heels."

Umiling ang ulo ng Kapitana.

"Hindi pwede. Tumabi na nga kayo at nakakaabala kayo sa amin.Kung gusto ninyo sumali na lamang si Shiloh para maging alalay ng Reyna Elena."

"Ah..eh..Sige po." Sagot ni Abebet. Mabilis silang lumapit sa sekretarya ng baranggay.

"O ayan, kasali ka na sa Santa Cruzan. Hindi ka man maging Reyna..sidekick ka naman. Ha ha ha ha ha ha..." Panunukso ni Abebet.

"Okay lang. Basta't nasa tabi ako ni Noah."

"Mismo. Tsaka, h'wag kang mag-alala balang araw ikaw na ang magiging Reyna Elena."

"Waaaaa mabuti nalang walang Q&A portion ang pagsali ng Santa Cruzan; kundi ligwak na naman ako."

"Ha ha ha ha ha ha ha.." Lakas ng tawa ni Abebet.

Mula sa kung saan..

"Shiloh.." Napalingon si Shiloh. Nakita n'yang bumaba galing sa kotse si Diana.

"Shiloh, sino s'ya?" Tanong ni Abebet.

"Ah..Girlfriend ni Noah." Bulong n'ya.

Napanganga si Abebet. Lumapit naman si Diana kay Shiloh.

The BearerWhere stories live. Discover now