Kia:
N and I are going on a date.
ingat ka riyan
Text me kung nakauwi ka na or hanap ka na lang ng ka-date diyan.

Wala pang isang minuto ay agad naman siyang nag-reply.

Zelle:
okay lang kahit 'wag na kayong umuwi.
mga peste kayo, iniwan nyo ako.
maghahanap na lang ako ng jowa dito! Mga diablo! shutakayo.

Kia:
Hanap ka Afam.

Zelle:
talaga!!!! 

Natawa na lang ako sa reply niya at parang naririnig ko ang boses niya. She's really funny.

"Why are you smiling?"

Panira talaga ng moment 'tong si N. "Ay bawal na bang ngumiti? Kailan pa po, sir?"

"Ang sungit mo," nakanguso niyang sambit.

"May kaibigan ka 'di ba? Si Jairo at Kevin?"

He nodded. "Yeah. Gusto mo bang ireto ko 'yong isa kay Chrizelle?"

"Nah. Saka na kapag nagkita sila. Just drive. At saan ba tayo pupunta?"

"Hulaan mo," sambit niya at ngumiti ng nakakaloko.

"Okay. Stop the car. Bababa na ako."

Tumawa siya ng malakas "Joke lang, K! We're going on Tagaytay."

"No, I said stop the car."

Seryoso lang ang mukha ko pero natatawa na lang ako sa mga pinagsasabi ko. Napanood ko lang naman 'yon sa TikTok.

"Gutom ka na naman ba, K? O lumalala na po ang pagkatoyo mo?"

"Ah, ganon?"

Kinindatan niya lang ako at tinuloy na ang pagmamaneho.

Hindi na siya sumagot kaya pumikit lang ako saglit pero hindi ko namalayang nakatulog na pala ako.

"Love, wake up." he whispered on my ear.

Pero inaantok pa ako kaya hindi ko siya pinansin. Then suddenly I felt a kiss on my cheek! Doon na ako tuluyang nagising.

Tinulak ko siya agad. "What the hell, N?"

"Kanina pa kasi kita ginigising pero ayaw mo, eh. I had no choice but to kiss you," walang kwenta niyang sagot.

"What? Don't talk to me!" inis pa rin ako at saka bumaba na ng sasakyan.

Mabigat ang paa kong naglakad, pero nawala ang inis ko nang makita ang view.

We're here at the Tagaytay picnic grove. I looked at the view. The place is so beautiful and peaceful. I love how the place is set up.

Nang may yumakap sa'kin mula sa likod. Si N. Hinayaan ko na lang siya.

"The place is beautiful, right?" he asked when hugging me from behind

Sinandal ko ang ulo ko sa dibdib niya. "Yeah, sana ganito na lang palagi." bulong ko, hindi ko alam kung narinig niya.

"I love you, Kia Leanna. And I can feel that you already love me."

"Grabe. Ang lakas naman ng pakiramdam mo," umalis ako sa pagkakasandal sa kan'ya at hinarap siya. Nakangiti naman siyang tumingin sa akin.

"What? Ang ganda mo, Kia," bulong niya at hinalikan ang noo ko. Napapikit ako habang nililipad ng hangin ang buhok namin.

"Thank you, N." huminto ako. Naghihintay siya ng kasunod sa sinasabi ko. "For loving me even when I didn't know what love was, you came into my life-you taught me how to love and how to love myself more. You and Zelle taught me how to trust and let someone in. Thank you," I hugged him tight.

Nagulat siya saglit pero niyakap niya rin ako kalaunan.

He hugged me tight while caressing my hair and whispered,

"I love you."

"I'm always here."

"I will not hurt you."

Those were the exact words.

I trust him. I'll hold on to his words.

"Nakauwi ka na pala, Kia," bungad ni Mommy sa akin nang makarating ako.

"Yes, Mom. Why?" dumiretso ako sa refrigerator para kumuha ng maiinom.

"Zayd will be here later. May iaabot lang. Ikaw na nga lang ang kumuha at may pupuntahan lang ako saglit."

Kumunot ang noo ko at tumingin sa orasan. It's already 5 pm in the afternoon. Dahan-dahan akong tumango.

"Iaabot lang ba, Mom? Puwedeng paalisin ko rin agad siya?"

Mom shook her head. Umakyat ulit siya sa kwarto niya at naiwan ako sa baba. 

Nilapag ko ang baso sa mesa at nagbihis muna ng damit dahil naiinitan na ako sa dress kong suot. Pagkatapos ay tumambay ako sa tapat ng pintuan. Hihintayin ko na lang dito sa may pinto at hindi ko na siya papapasukin para umalis agad siya.

"Kia, bigyan mo ng maiinom si Zayd kapag dumating, okay? Aalis na ako."

Palihim akong ngumiwi at tamad siyang hinarap. Bihis na bihis na siya at bitbit na rin niya ang bag. Mukhang may meeting nga.

"Mom, p'wede namang abutin ko na lang 'di ba?"

Tinaasan niya ako ng kilay. "Don't try me, Kia. I'll go now," sambit niya at umalis na.

Bumuga ako ng hangin at naghintay na lang kay Zayd. Dapat pala hindi muna ako umuwi. Nabigyan pa tuloy ako ng gawain.

Ilang minuto pa at narinig ko na ang pag-door bell. Nariyan na yata ang bwisita. 

Naglakad ako palapit sa gate at binuksan ito. Bumungad si Zayd na gulat na gulat dahil siguro hindi niya inaasahang ako ang makikita niya.

"Pasok," bored kong sabi at tinalikuran siya.

Pagkapasok ay nilapag naman niya ang dalang envelop na pinaaabot ni Mommy.

Pinaupo ko muna siya sa sofa at kumuha ako ng maiinom para hindi naman nakakahiya sa bwisita.

"Oh," sambit ko at nilapag ang strawberry juice sa center table.

Umupo naman ako sa tapat niya. Pinagmasdan ko ang suot niya. Nakasuot lang siya ng puting t-shirt at itim na pants. Simple lang pero hindi ko itatangging malakas ang dating niya. 

Tumikhim ako para mawala ang atensyon ko sa hitsura niya.

"Uminom ka muna," pambabasag ko sa katahimikan.

"If you're not comfortable, uuwi na ako," he said.

Nabigla man ako hindi ko pinahalata. Pero halata bang hindi ako komportable?

"It's okay. Sayang naman ang pagpunta mo rito kung uuwi ka agad."

I heard him chuckled. I glared at him. "Are you being a sarcastic, Leanna?"

"Kung iyon ang dating sa 'yo," bored kong sagot.

"Are you happy, Leanna?" biglang tanong niya.

"P'wede na," I laughed. "How about you?"

"If you're happy then I'd be happy too," mahinang anas niya.

"What? What did you say? Huwag ka kasing bumulong!" nawawalang pasensyang sabi ko.

Umiling siya. "Ang sabi ko, aalis na ako," sambit niya sabay tayo.

Tumayo na rin ako. "Agad?"

Nakita ko ang pag-ngisi niya. Umupo ulit siya. "Okay, kuwentuhan muna tayo."

"What the hell..." I whispered.

"Umalis ka na nga bago pa magdilim ang paningin ko."

Tumawa siya at tumayo rin. Hinatid ko siya hanggang sa labas.

"Uhm... Zayd," tawag ko nang makarating kami sa tapat ng kotse niya. Humarap siya sa akin nang nakangiti.

"Uhm. Thanks," I told him.

"No problem. I'll go now," nginitian pa niya ulit ako bago sumakay sa kotse niya.

Bumuntonghininga ako at pinanood ang papalayo niyang sasakyan.

Dance The Pain Away (Social Media Series #1) √Where stories live. Discover now