"Ang ganda mo pero ang sungit mo."

"Alam ko, you don't need to remind me."

Asan na ba si N? Psh hindi manlang ako sinundan. Basted-in ko na kaya?

"Let's eat?"

"I'm not hungry," lumingon lingon ako at nakita ko na si N! Aba, may kasamang babae! Umalis lang ako nambabae na?

I looked at the girl. A short-haired chinita and mestiza. She's wearing a mini red dress. Kung titingnan ang suot niya ay hindi siya dito nag-aaral. Masyadong revealing, mahigpit na pinagbabawal 'yon dito. E, ano naman pinunta niya rito? a

Psh, ang ganda pa ng ngitian nila ha. Sige mag ngitian kayo magdamag diyan hanggang sumakit ang mga panga ninyo.

Tumalikod na ako, bahala sila diyan. Sila na lang kaya ang mag-date?

"Hey, 'di ba boyfriend mo 'yon?" Zayd asked. Nandito pa rin pala 'to.

"No," dahil totoo namang wala pang kami.

"Ah, so p'wede pa pala akong manligaw?" lumingon ako sa kanya at kitang-kita ang tuwa sa kanyang mga mata.

Pero hindi porket hindi ko boyfriend si N ay magpapaligaw na ako sa kan'ya. "No," sagot ko at naunang nang naglakad.

It's already 10AM, I'll just put my name on attendance sheet para puwede na akong umalis.

After writing my name ay agad na akong umalis, I'm here at the gate-ready to leave when someone grabbed my hand. I turned around and saw N. Pawis na pawis pa, halatang tumakbo.

"K, why are you leaving?" habol hininga niyang tanong.

"Busy ka rin naman 'di ba? So...ano pang gagawin ko?"

"Hindi ako busy, K. Hindi ba't may date pa tayo?"

"Makipag-date ka sa kasama mo kanina. Wala na ako sa mood and I'm going home, pakisabi na lang kay Zelle," tamad kong sinabi at naglakad na

Hinila na naman niya ako "K, 'yong babaeng kasama ko kanina?" tanong niya kahit obvious naman na.

"Huwag mong tanungin kung ano 'yung obvious na."

"She's just a friend. A childhood friend of mine, nangamusta lang. 'Yong Tita niya kasi ay Professor dito, si Miss Batumbacal. Kaya pumunta siya, at nagkasalubong kami lang talaga kami. That's it," he explained.

I understand his explanation but I can't understand myself, bakit ba ako nagkakaganito? Friend lang daw, Kia! Wala kang dapat ikabahala! Friend? E, doon naman laging nagsisimula lahat.

"K, look at me," he held my face "I love you, I understand if you're jealous-" agad ko siyang sinamaan ng tingin.

Masyadong assuming. "Who told you that I'm jealous?" tinaasan ko siya ng kilay.

"Okay, you're not jealous because you are Kia. My kia."

Mas lalo akong sumimangot. "Nagagawa mo pang magbiro?"

He sighed. "Balik na tayo, okay? Wala lang 'yon. Sino ba ang nililigawan ko? Ikaw. Sino ba ang mahal ko? Ikaw."

"Sino ba ang mahal mo? Ako. Nagmamahalan tayo, K." pagbibiro niya pa.

Okay na sana pero dinagdagan pa niya.

"Anong dapat kong i-react? Tatawa ba dapat ako?"

"Date na po tayo," at hinawakan ako sa kamay pero tinabig ko agad.

"Ayoko."

"Gusto mo," sabi niya at hinila pa ako! Bastos.

Nang makasakay na kami ay naalala kong hindi ako nagpaalam Kay Zelle. So I opened my phone and I composed a message.

Dance The Pain Away (Social Media Series #1) √Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora