"Okay," 'yon lang ang sinabi niya at narinig ko na ang mga yabag niya pababa ng hagdan.

I'm going crazy.

Maaga akong gumising hindi dahil excited ako, ha.

I am wearing a turtle neck sweater red dress with over-the-knee boots. Since Valentine's Day ngayon, we are allowed to wear anything we want, basta 'wag lang revealing clothes. It's a big no, lalo na't education students kami. Mahigpit na pinagbabawal 'yon.

I'm combing my hair when my phone vibrates. Maybe it's N.

N:
Good morning, love. I'm here outside your house. Take your time, I'll wait here.

Kia:
Papunta na ako diyan

Pagkababa ko ay nakasalubong ko si Mommy.

"Good morning, mom."

She looked at me and smiled "You look so fabulous, Kia."

I smiled "Thank you, Mom. Mana po sa inyo," I winked at her.

"Naku. Oh, where's Nathaniel?"

Bigla akong kinabahan. "Uhh, He's outside na po, papasukin ko lang po, Mom." paalam ko at naglakad na papalabas

I opened that gate and I saw him casually leaning on his car. I looked at his outfit, Nathaniel's wearing a white long sleeve button down polo. He looks so clean and handsome.

Bagay kami.

May dala rin siyang bouquet of red roses and tulips. Dalawa pa, pink and Red. Siguro 'yong isa ay para kay Mommy.

Napalingon siya sa'kin, naramdaman niya yatang may nakatitig sa kanya.

"Hey," bati ko sa kanya.

He looked at my outfit.

Oo, alam ko maganda ako.

"Hey." he smiled sweetly "Ang ganda mo."

"At ang gwapo mo," pambobola ko at kumindat pa sa kan'ya.

He chuckled. "Marunong ka na talaga. Where's Tita Russel?"

"Feeling close," bulong ko "Tara, pasok tayo."

Pagkapasok namin ay nasa sala si Mommy, seryosong nakaupo. Kinabahan naman ako at parang i-interview-hin ako.

"Mom," pagtawag ko at lumingon siya "This is Nathaniel Asher Verde-my suitor," humarap naman ako kay N at pinakilala si Mommy "N, this is my mom."

"Hi, Tita. Pleased to meet you po," he said and offer his hand to shake my mom.

Pero hindi tinanggap ni Mommy. Doon na ako kinabahan. Nasa ere pa rin ang kamay ni N, at tiningnan ko si mommy-nakatitig lang siya kay N.

"Mom," tawag ko at napalingon siya. Agad siyang ngumiti, napansin niya yata ang tensyon. "I'm Russel, Kia's Mom. I heard you're courting my daughter?"

Nasa ere pa rin ang kamay ni N. Kaya tinapik ko siya at pinababa na ang kamay niya.

Mommy, this wasn't the plan. Akala ko okay na tayo. Sa loob-loob ko ay inis na inis na ako. Pati ba naman sa ganito, ayaw niya?

Lahat naman ginagawa ko.

"Yes po, ilang buwan na rin po. Pasensya na po at hindi po ako nakapagpaalam sa inyo," nahihiyang sagot niya. Hindi manlang natinag sa pinakitang ugali ni Mommy.

Lumingon sa 'kin si Mom "Kia, do you like him?" seryosong tanong niya sa akin.

Pinandilatan ko siya ng mata. "Mom!" nakakahiya, sa harap pa ni N!

"Answer me," seryosong saad niya na parang wala akong choice kung 'di sagutin 'yon.

Nakakahiya talaga! Ngayon ko gugustuhing lamunin na lang ng lupa kaysa ganito!

Wala ito sa plano.

Pikit-mata akong sumagot "Y-Yes, mom. I l-like him."

Nakakahiya! Sana lamunin na ako ng lupa! Ngayon na, please! Bakit ba ganito si mommy? Pangit ka-bonding.

Nakita kong lumawak ang ngiti ni N pero nang lingunin siya ni Mom ay tinago niya 'to. Pero makikita pa rin ang tuwa sa mga mata niya.

Sus, kilig na 'yan. Baka kung anu-ano na naman na-i-imagine niya.

"To be honest," panimula ni Mommy na ikinaba ko. "May gusto na akong iba para kay Kia," dagdag niya na mas lalo kong kinakaba! Gusto ko nang maiyak.

"Mom!" pagtutol ko. Nakakahiya kay N.

"Patapusin mo ako," Istriktang sagot niya at tumingin ulit kay N. Kaya napatingin din ako. "But I'll give you a chance and if you hurt Kia you'll see what will happen," pagbabanta niya at sa'kin naman tumingin.

"At ikaw Kia, kapag napabayaan mo ang pag-aaral mo dahil diyan, alam mo na ang mangyayari."

Pilit akong ngumiti. Dahil nahihiya pa rin sa nangyari. Papayagan din naman pala ako. "Yes, mom. Thank you."

"Thank you for giving me a chance, Tita. I promise I will not hurt Kia." Inabot niya ang isang bouquet of red roses kay Mommy.

"This is for you, Tita."

Tiningnan muna ni mom ng ilang segundo, nagdalawang isip pa talaga si mommy bago niya tanggapin!

"Okay, pumasok na kayo," tipid niyang sagot, hindi manlang ngumiti saka umakyat na sa itaas.

I let out a big sigh. Okay na rin 'yon. Atleast pumayag na siya.

I looked at Nathaniel and I caught him staring at me. He smiled. Magyayabang na naman ito panigurado.

I rolled my eyes" Alam ko na 'yang ngiting 'yan. Tigilan mo ako."

"So, you already like me?" panunudyo niya at tinaas-baba ang kilay.

"Pumasok na nga tayo, dami mong alam," pagtataray ko at nauna nang naglakad.

"K, wait!" he grabbed my arm "So tayo na?"

"Ulol, ang speed mo, ah?"

"Akala ko makakalusot," anito at pinagbuksan ako ng pinto "Here, flowers for you, K." abot niya sa'kin sabay kindat

Hindi ko siya pinansin.

"Ganda mo, sarap mong iuwi."

"Ang gwapo mo, sarap mong basted-in." pang-aasar ko pero tumawa lang siya.

"Kia likes me~"

"Like lang sinabi ko hindi love, huwag masyadong umasa."

"Panira ka talaga, K."

Ngumisi ako.

"Pero kahit gan'yan ka. Hindi naman nabawasan ang pagtingin ko sa 'yo."

Dance The Pain Away (Social Media Series #1) √Where stories live. Discover now