Chapter 12 *Something About the Junior King's Past*

Start from the beginning
                                    

“Bata pa naman ako ah! Thanks!”

“Hindi.” Lumapit siya sa’kin. Tumingkayad siya at saka niya ako hinalikan sa pisngi. “Salamat. Pano ba yan? Kita na lang tayo bukas.”

Pumasok na siya sa loob ng gate. Hindi ko na siya kita don.

Hanggang ngayon tulala pa rin ako. Hinawakan ko yung pisngi ko. Ito yung unang beses na hinalikan niya ako. Kahit sa pisngi lang to, malaking bagay to para sa’kin. Hindi lang niya alam kung gano niya ako napasaya ngayon. Hanggang sa pagpasok ko sa kotse at pag-uwi ko sa bahay hindi pa din natatanggal yung ngiti sa mga labi ko. Pakiramdam ko kasi andun pa din yung malalambot niyang labi. Hindi natatanggal.

Hinding hindi ko siya makakalimutan. Hinding hindi ko makakalimutan tung araw na to. Kasi ang babaeng humalik sa’kin sa pisngi. Si Amarie May Yap—ang babaeng mahal na mahal ko. Ang babaeng una kong minahal maliban sa Mama ko.

Noon, bawat oras na kasama ko si Amarie masaya. Masayang masaya. Lagi akong masaya sa tabi niya. Masaya kaming dalawa.

Pero gaya ng lahat ng mga relasyon, natapos din kami. Masyadong maaga at masyadong masakit. Siya ang unang nakipag hiwalay hindi ako. Hindi ko rin alam kung bakit at hindi ko na nalaman kung bakit hanggang ngayon.

Yun na nga talaga siguro ang pinakamasakit sa ego naming mga lalaki. Ang iwan ka ng taong mahal mo ng walang dahilan.

Pero naka move on na ako. Mahirap na ulit magmahal. Natatakot na akong mag mahal ulit. Masyadong masakit ang una ko pero  kahit na ganon nakahanap ako ng taong muling mamahalin ko. Nakahanap ako ng taong muling nagpatibok ng puso ko at mamahalin ko ng higit pa sa pagmamahal na binigay ko kay Amarie. Mamahalin ko ng buong buo at totoo. Hindi din naman kasi mahirap mahalin yung taong yun eh. Sigurado akong lahat na ata ng tao sa paligid niya madali lang niyang makakapangkalagayang loob. Madali lang niyang maging kaibigan kasi yun yung nature niya. Madali lang kasi siyang mahalin.

“Kenzo? Kenzo!!!”

“Aray!” napahawak ako sa braso kong kinurot niya.

Brutal nga lang.

“Bakit mo naman ako kinurot?” tanong ko sa kanya habang tinataas ko yung polo ko.

“Hindi ka kasi sumasagot eh. Lutang ka! Hello Kuya?! Andito po kaya ko sa harap mo!” maktol niya. Humalukipkip siya tapos inirapan niya ako.

“Ah nagtampo si Ate!” pang-aasar ko sa kanya.

“Sino kayang hindi? Andito na nga ako sa harap mo pero iba iniisip mo.” Halos magpout na siya. Ang cute niya hindi pala, ang ganda niya.

“Ang cute mo talaga!” sabay pahid ng sundae sa may pisngi niya.

“Kenzo! Akin yan eh!” inagaw niya sa’kin yung sundae sa harap ko atsaka niya pinunasan yung sundae sa may pisngi niya gamit ang likod ng palad niya. Napangiti ako sa kanya.

Kinuha ko naman yung panyo ko sa may bulsa ko at pinunasan ko yung pisngi niya. Natigil siya sa pagpunas sa pisngi niya at napatingin sa’kin. Napansin kong namula yung pisngi niya pero hindi siya umiwas ng tingin. Nakatingin lang din siya sa’kin. Nakatingin lang din siya sa mga mata ko. Napangiti ako.

“Malamig?”

“Hindi kita gagantihan ngayon kasi andaming tao. Nakakahiya. Baka isipin nilang may sayad tayo sa utak.” Napatawa ako sa sinabi niya. “Pero Kenzo wag mong isiping hindi na ako gaganti sayo!”

“Ako na nga nagbayad eh. Hindi ba nga dapat ikaw pero ako pa rin nagbayad tapos ito pang makukuha ko?”

“Wag mo nga akong konsensyahin! Baka kung ano pang magawa ko sayo!” umiwas na siya ng tingin.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 07, 2015 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

My Bestfriend or My LoverWhere stories live. Discover now