Chapter 10 *Date Date or Date date? (part one)*

16 2 0
                                    

Bianca’s POV

 Saktong pag ring ng bell, nagpaalam na ako kina Amarie. Mabuti ng malaman nila na may iba akong lakad. Baka kasi magyaya nanaman sila papunta kung saan saan kasi hindi din naman ako makatanggi sa kanila. Ayoko namang paasahin si Kenzo.

Paglabas ko ng gate ng school, nakita ko na agad si Kenzo. Nakasandal siya sa sasakyan niya at nakasalamin pa. Biglang tumibok ng mabilis ang puso ko. Ano bang nangyayari sa’kin? May sakit ba ako sa puso? Hmmm. Wala naman kaming history ng ganun kaya malamang sa hindi eh wala akong sakit sa puso.

Lumapit na ako sa kanya. Bakit ba ako kinakabahan? Eh si Kenzo lang naman yun. Si Kenzo na lagi kong nakikita, lagi kong nakakasama at lagi kong kausap. Pero bakit ba ako kinakabahan ngayon? Ang weird ko.

“Bilis ha!” bati niya sa’kin pagkalapit ko.

“Kenzo Alquino! Hindi ka ba pumasok?” bungad ko naman sa kanya.

Mukha kasing hindi siya pumasok sa itsura niya. Nakabukas ang polo niya at yung inset pa niya, printed. Taliwas sa plain white na description ng school nato. Isa pa, magulo din yung buhok niya. Basta! Mukha siyang hindi pumasok sa itsura niya.

Nagkamot siya ng batok niya. Kita niyo na?

“Pumasok…” nakahinga ako ng maluw—“Ata….”

Agad na nawala yung ngiti ko nung sinabi niya yung ‘ata’ at sinamaan ko siya ng tingin. Aish! Tung batang to talaga!

“Kenzo Alquino!” galit kong sinigaw ang buong pangalan niya.

“Joke lang! Ito naman hindi na mabiro.” Nag-peace sign pa talaga siya ha! “Pumasok ako. Kaya lang kasi Wednesday ngayon kaya may praktice kami. Nasabi ko na sayo hindi ba? O nakalimutan mo?”

Oo nga noh. Wednesday nga pala ngayon. Nawala ata sa utak ko yun. At oo, nasabi na nga din niya sa’kin yun noong first day ko dito. Bakit ko nga ba nakalimutan yun?

“Hindi yan palusot?” paninigurado ko sa kanya.

“Kailan pa ako nagpalsuot sayo?”

“Kailan pa? Let’s see. Gusto mo isa-isahin ko?”

“Hindi na! Hindi na! Abutin pa tayo ng siyam-siyam.” Umayos na siya ng tayo at binuksan ang pinto. “Tara na?”

Ako naman naglakad na sa may passengers seat sabay sabing: “This will definitely be fun!”

Pumasok na ako sa kotse niya at siya din. Hmmm. San kaya kami pupunta? Hindi ko pa siya natatanong ah.

“San tayo pupunta Kenzo?” tanong ko sa kanya habang nasa daan kami.

Tumingin siya sa’kin saglit tapos ngumiti. Binalik din naman niya agad yung tingin niya sa may daan. Syempre nagda-drive yan. Ayoko namang maksidente noh!

“Ikaw? San mo ba gustong pumunta?”

“Kenzo naman eh! Tinatanong kita tapos tatanungin mo din ako?! Ang labo mo!”

“Kasi, ikaw ang nagyayang lumabas hindi ako.”

“Aba! At talagang nangatwiran ka pa ha! Ihinto mo tung sasakyan at baba ako!” Nag-jojoke lang ako pero tignan natin kung kaya nga niya talaga akong ibaba.

Inihinto niya yung sasakyan. Ghad! Di nga! Gagawin niya? Ibaba niya ako?! Aba loko pala to eh!

“Baba na dali!” hindi siya tumitingin sa’kin.

Bubuksan ko na sana yung pinto kaso pinaharurot niya yung sasakyan kaya naman napahawak ako dun sa hawakan sa may gilid ko. Hindi pa ako naka seatbelt nun ah. Buti na lan at nakahawak ako dun at buti na lang din at hindi ko pa nabubuksan yung pinto. Siraulo talaga tung lalaking to!

My Bestfriend or My LoverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon