Kenzo’s POV

Unang kita ko pa lang sa kanya nagandahan na ako sa kanya. Agaw pansin kasi siya at hindi ko din naman kasi maikakailang maganda siya. Mahaba ang buhok niya. Siguro aabot sa yun hanggang sa bewang niya. Maputi siya. Mapupulang labi at namumulang pisngi. Sabihin niyo nga? Sinong tangang lalaki ang hindi magagandahan sa kanya?

Grade nine ako nun. Bagong lipat sa school na pinundar ng Lolo ko pero hindi naman namin mahawakan. Hindi naman namin kontrolado ang mga nagyayari dito. Napapayukom ako ng mga palad ko sa tuwing naaalala ko yun.

“Kenzo! Hatid mo ako sa bahay namin?” napatingin ako dun sa babaeng nakangiti na nagpunta sa harap ko.

I hate pink! Specially on girls kasi para sa’kin ang laswa tignan pero sa kanya, pagdating sa kanya it seems okay. Bumagay sa kanya yung pink na uniform namin. Katunayan, ang ganda nga tignan nung pink na uniform namin sa kanya eh. Napangiti ako.

“Sa isang kondisyon.”

Nagpout siya. “Ano naman yun?”

Inilapit ko ang mukha ko sa mukha niya. “Halikan mo ako dito.” Sabay turo sa pisngi ko. “Ay hindi pala dito.” Turo sa labi ko at ngumiti ako ng nakakaloko sa kanya.

“Hibang ka na ba?!” umiwas siya ng tingin at namumula na rin siya. Mas lalo akong napangiti dahil sa naging reaksyon niya.

“Biro lang! To naman hindi na mabiro.”

Umayos na ako ng tayo at nauna na akong maglakad. Sumunod naman siya agad.

“Ikaw,” nakahabol na siya sakin at sabay na din kaming naglalakad. “Lagi mo na lang akong iniiwan. Nakaka asar na!” maktol niya sa’kin habang naglalakad kami papunta sa kotse ko.

Tinakas ko lang to para may magamit ako. Ayaw ipagamit sa’kin ni Daddy eh. Bata pa raw kasi ako at wala pang lisensya. Tch! Kung alam ko lang kinausap siya ni Mama eh. Mama talaga kahit na kailan.

Binuksan ko ang pintuan para sa kanya. Ngumiti naman siya sa’kin at pumasok na sa loob. Tumakbo naman ako papuntang driver’s side matapos kong maisara yung pinto nung passengers seat.

Nginitian ko siya at nginitian din niya ako habang inilalagay ko yung seatbelt ko. Mabuti nang maingat. Ayokong mamatay ng ganito ka bata kahit pa kasama ko ang taong mahal ko.

Pinarada ko ang sasakyan ko sa tapat ng isang malaki at mataas na gate. Sa loob nito ang malapalasyong bahay! Sa sobrang laki nito baka maligaw ka sa loob.

Bumaba na ako at pinagbuksan ko siya ng pinto.

“Pano ba yan dito na ako. Kita na lang tayo bukas?” nakangiting sabi niya habang nakaharap siya sa’kin.

“Susunduin kita.” Alok ko naman sa kanya.

“Wag Kenzo.” Kumunot ang noo ko. “Ihahatid kasi ako ni Daddy eh. Kita na lang tayo sa school.”

Tumalikod na siya pero hinigit ko siya sa braso niya kaya naman napaharap siya sa’kin.

“Ano?” natatawang sabi niya.

“Gawan mo ako ng bento box bukas.” Hindi ko pa din binibitawan yung kamay niya.

“Ah!” Tinanggal niya yung kamay kong nakahawak sa kanya. “Masyado ka nang mapang abuso! Ginawan na nga kita ngayon diba?”

“Pero gusto ko ulit bukas!” Maktol ko naman sa kanya.

“Oo na! Oo na! Para ka talagang bata.” Natatawang sabi pa niya.

My Bestfriend or My LoverBasahin ang storyang ito ng LIBRE!