Bianca’s POV

Malapit na kami ni Kenzo sa may registrar’s office ng biglang may kumaway sa’kin. Kinawayan ko rin siya. Nakita ko namang tumingin si Kenzo dun sa kinawayan ko.

“Kilala mo sila?” tanong ni Kenzo sa’kin.

Tumango ako sa kanya at saka ngumiti.

“Mga kaibigan ko sila dito. Matagal tagal na din simula nung huli ko silang nakita. Namiss ko din sila kahit na mga baliw sila.” Masayang sabi ko sa kanya habang nakatingin ako sa kanila.

“Naks naman!”

“Nakikita mo yung babaeng may mahaba ang buhok?” tanong ko sa kanya.

“Oh?”

“Siya si Alexandra Natsumi Xenon.”

“Xenon?” Kako na nga ba at matutunugan niya ang pangalang Xenon eh! Sino ba namang hindi?

“Oo. Anak nga siya nung dating lead vocals at leader nung bandang Mirror Wings at may ari na ngayon ng Blue Company at ng AFN Music School.”

 “Kung ganon bakit siya dito nag-aaral eh mapera naman siya?” takang tanong niya sa’kin. Mokong talaga tung isang to! Napatingin ako sa kanya.

“Shunga! Hindi kasi kagaya mo humble ang pamilya nina Xandra. Hindi nila ginagamit yung pera at mga talento nila para sa pambubully ng ibang tao.”

“Bianca kapatid ko yung tinutukoy mo at hindi ako.”

“Wow! Tanggap mo pala siyang kapatid mo ha. Kailan pa?”

“Hindi ah!” mabilis niyang tanggi. “H-hindi ko tanggap yung bastardong yun!”

“Hindi talaga?”

“Ewan ko sa yo Bianca.”

“Bianca!” nakangiting bati sa’kin ni Xandra kaya naman napatingin ako sa kanya matapos ay niyakap niya ako. “Kamusta ka na? Grabe ha! Na miss kita!”

“Ito naman! Waala pang isang buwan akong nahihiwalay sayo miss mo na agad ako.” Biro ko sa kanya.

“Eh syempre! Kaibigan kaya kita!”

“Oh my gosh Bianca!” sigaw naman yan ni Julie habang nakatakip pa siya sa bunganga niya. “Ang cute ng uniform mo! Bagay na bagay sayo ang pink uniform!”

Napatingin naman ako sa uniform ko. Pink na blouse at may gray na ribbon tie tapos gray din na medyo maikli yung palda. Meron ding logo dun sa kaliwang bahagi ng kwelyo namin. Hindi sailor type yung kwelyo namin, collar type siya actually. Hindi tuck-in yung blouse namin, nakaloose lang siya hanggang sa halos kalahati ng palda namin pero okay lang naman. Bagay nga eh. Hindi siya baduy gaya ng ibang uniform na ganun ang pagkakadisenyo. Napangiti ako sa kanya. Akala ko talaga kung ano na.

“Ahem!” agad akong napatingin kay Kenzo atsaka ngumiti. Kahit kailan talaga si Kenzo!

“Guys ito nga pala si Kenzo, kaibigan ko.” pakilala ko sa kanya. “At Kenzo ito nga pala yung mga kaibigan ko. Si Xandra, Julie, Jessie at si Mich.”

“Hi.” Nakangiting sabi ni Kenzo sa kanila.

“Hi, Kenzo!” bati ni Jessie sa kanya.

“Jes! Tumigil ka nga! nakakahiya ka!” suway naman ni Mich sa kanya.

Nagroll eyes na lang si Jessie sa kanya. Mga trip talaga ng mga kaibigan ko. Kaya ko sila naging kaibigan eh. Hindi sila boring kasama. Lagi kang tawa ng tawa pagkasama mo sila. Lalo na pag nakasama din si Mark! Asan na ba yug lalaking yun?

My Bestfriend or My LoverBasahin ang storyang ito ng LIBRE!