Episode 3: "Project:Hanap-jaxon 2"

10 4 0
                                    

Keian POV
"Ah- Chi! Tanggalin mo na yang balikat mo sa katawan namin! Kasi may preparations pa tayong gagawin!" Sabi ni vanny na agad naman na sinunod ni chio."prepare for what van?" Tanong ni Xion sabay tingin kay van. Kahit ako ay di alam ang iniisip nya.

Bigla naman ngumisi si vanny sa pinaplano nya. "Ang! Project:hanap-Jaxon 2!" Sabi naman nito at ngumiti sa harap naming tatlo. "Naging corny ka na rin pala like chi." Pabirong sabi ni Xion na naging dahilan para batukan ng pabiro ni vanny si xion
. Natawa naman kami lahat.

"At-least nakakatulong." Pabirong yabang ni vanny."HOY! For your information Ako unang nakahanap kay Jaxon kaya wag ka!" Pabirong sabi naman ni Xion pabalik. Umiling na nakangiti naman ako.

"Guys kung lilipat tayo ng school...what about the Tuition fee pang Grade 11 daw yun eh.. good timing since Grade 11 na rin naman tayo.." Tanong ni chio."dude tinatanong pa ba yan? Im here! Richest family in this town kaya kami!" Pagmamayabang ni xion habang nakatingin kay chio na nakatingin naman kay vanny na nag scro-scroll sa computer.

"Sigurado ka? LIKE ILILIBRE MO KAMI NG TUITION FEE! WALANG GUMAGAWA NON!" Gulat na tanong ni chio.
"Free house na cost is 1 million nga binibigay namin... mga nasa 100k pa kaya? For apat lang na tao? Dont worry chi! I got every payment cover para mapasok tayo sa school na iyon!." Sabi ni xion na nagbigay ng ngiti sa labi ni chio.

Sila Xion talaga ang pinakamayaman sa Seirro casa.. Seirro Casa Yung pangalan ng Town na tinitirhan namin. Apat na barangay rin ang nasa Seirro Casa. Nasa barangay SeiCa kami. Yung Tatay ni Xion is yung dating Mayor dito. Ngayon yung mga parents ni Xion ay nasa America. sa america kasi naga-aral yung dalawa nyang kapatid na si Xia at Xian. Gusto ren kasi manahin ng dalawa yung negosyo ng pamilya nila ngayon and si Xion naman..ayaw nya. Xion want's To be a reporter. Pumayag naman parents nya since dahil may tagapagmana naman na sila.

Nagulat naman kami ng hampasin ni Vanny ang lamesa. "Bingo!" Ang tanging lumabas sa bunganga ni vanny. Pinalo naman ni chio si vanny ng mahina dahil nagulat ito.

"Bat ka nangugulat?!?" Sigaw na patanong ni chio.

"Eh kasi! Look oh! May ticket na tayo papunta doon sa University ni Jaxon!Wanna go NGAYON NA!?!" Sabi naman ni vanny Habang itinuturo yung screen ng computer. "Baliw ka ba? Ngayun agad? 2 months pa simula ng klase! Ano naman gagawin natin don?" Tanong ni Xion.

"Yeah...Anong gagawin natin don? By the way anu ba pala pangalan nung university" tanong ko. "Relyon Neon University yun yung pangalan ng university." Sabi ni Vanny. Ang cool naman..Relyon Neon University. Napangiti naman ako habang iniisip Na anganda naman ng University ni Jaxon. Natigilan nalang ako sa kakaisip nun ng magsalita si Vanny.

"Umm..soo?" Patanong na sabi Ni vanny."so...?" Tanong balik ni Xion.

"About kung kelan tayo pupunta?!? Ngayon ba?" Tanong ni Vanny. "Obviously no! Wag ngayon..and bakit ba gusto mo ngayon?" Sabi at tanong ni Xion "Bat ba atat ka pumunta?" Dagdag ni Xion.

"Di naman ako atat! It's just if pumunta tayo dun ng mas maaga..mas maiikot natin yung place and university! Para ready..kesa naman a week before the school starts.. Di pa natin alam ang daan.." Sagot ni vanny.

"Make's sense.." Sabi ni chio. "What if Bukas? G? Let's prepare today?" Dagdag ni Chio.

"Well..ngayon im not! But tomorrow yeah!" Sabi ni xion. Pag kay Chio talaga malakas ka!.

"Lagi ka naman pumapayag pag dating kay chio!" Pabirong Sabi ni Vanny. Binigyan lang ni Xion si Vanny ng masamang tingin dahil sa sinabi nito. pero to be honest May pagtingin naman talaga si Xion kay Chio. Tiba? Nakaka-Baliw! Since pareho silang lalaki...but Support naman namin yun ni Vanny.

Lumipas ang isang araw at ngayun na nga kami aalis papunta sa Relyon Neon University/RNU.

"Nakahanda na ba ang Lahat?" Tanong ni Chio. "Oo!" Sagot namin lahat

"Mag bu-bus tayo ha! Wala kasi kaming available na driver..." Sabi ni Xion. Pag may pupuntahan kasi kami Driver nila Xion lagi humahatid sa amin since walang Driver..mag cocomute kami ngayon.

"Andito na yung tricycle! Let's go!" Sabi ni vanny."saan po?" Tanong ni manong driver. "Sa bus terminal lang kuya." Sagot naman ni Xion

Agad naman kami nakarating sa bus station. Si vanny ay nasa phone nya bitbit ang dalawang sling bag. Si Xion naman bitbit ren ang isnag malaking bag. Ganun din si chio at ako.

"BYE SEIRRO CASA!" Sigaw ni Vanny bako kami pumasok ng bus. "Ahy...finally nakasakay na rin tayo..." sabi ni Vanny na medyo feeling well. Ang inde nya alam... dalawang bus sasakyan namin.

3 Hours Later

"Andito na po tayo! Baba na ang bababa" sabi ni manong bus-driver. Bumababa naman kami at dito na nagsimula ang challenge! Lumipas ule ang isang dalawang oras pero wala Pa kaming nakikitang bus na masasakyan.

Himalang May nakita na kami after another 1 hour at sumakay na rito.

Tumuloy Tuloy naman ito pero sa unknown reason tumigil eto. Lumabas si manong driver para tignan ang aberya kung bakit huminto.

"Nasira ang makina!" Ang lumabas sa bibig ng driver

"Ha?!? Ano ba naman yan! Kung kelan tayo nakakita ng masasakyan dun pa nasira yung bus! Anu ba naman yan." Reklamo ni chio. Bumababa naman lahat ng pasahero kasama ang mag-asawa na para bang nagaaway.

"WHAT?!? SO MAKAKASAMA KO PA TONG LALAKI NA TO' NG MATAGAL?!?" Sigaw nung babae. "ANG ARTE MO! NO WONDER NO ONE LIKED YOU!" Sigaw pabalik ng lalaki. Di na namin maiintindihan silang dalawa since lumayo kami para kumuha ng tubig maiinom.

"Ahhh nakakauhaw yung byahe tas nasiraan pa tayo! Bad luck!" Sabi ni Chio at napailing. Tsk tsk tsk. "Anong oras ba tayo umalis?" Tanong ko. "Nasa 7:00 am!" Sagot ni Xion

"Anong oras na ngayon?" Tanong ko ulet. " 1:14 pm na! 6 hours na pala yung byahe! Nako!" Sagot ni Vanny.

May nakita naman kaming batang babae na napadaan. Mukha syang nagugutom.

"Bata! Bata! Gusto mo? Mukhang gutom ka eh" sabi ni Chio na sabay binigyan ng biskwit ang bata. Napatingin na nakangiti naman si Xion kay Chio na binigyan ng biskwit ang bata.

Xion POV
Hay ang bait mo talaga chi. Such a cutie when kaya kita mami-mine?.
"Ah..gusto mo chi? Sayo nalang tong biskwit ko! Di naman ako gutom." Sabi ko Kay Chio. "Wag na! Kailangan mong kumain dahil mahaba ang byahe!" Sabi Ni chio Na sabay hinawakan ang kamay ko para kunin pabalik ang biskwit. Namula ako pero buti nalang di nya ito napansin.

"Uhm okay." Ang tanging lumabas sa bibig ko habang kinakain ang biskwit ng paunti-unti. Tumingin naman ng parang tanga sa akin si keian alam kasi nila yung pagtingin ko kay chio. Ang sweet nya kasi and mabait..kaya ayun nagkagusto ako!. Natigilan naman kami ng biglang hablutin ang bata ng mama nya.

"Uy! Sya yung babae na may kaaway na lalaki kanina eh" turo ni keian sa babaeng hawak ang balikat ng bata.

Keian POV
Stressed ata yung babae kaya nya nagawa yun. I dont know pero medyo harsh sya parang kakagaling lang sa break up! Hm..
__

NEXT EPISODE (SHORT SNEAK PEEK)
Maam? Okay lang po kayo? You dont seen okay? Bat kayo umiiyak?.

our sunrise| | On-GoingUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum