"You think so?"

Tumingin ito sakin bago ngumiti at tumango. "Uh-hmm. Eris will surely like it."

"I'll give white roses to Tita Jen and Tita Grant too. Magagalit kaya si Tita Grant pag binigyan ko sya?" Nag-aalangan pa na kumpirma ko dito.

"Grant will appreciate it more if you'll give her a box of her favorite brandy. Check tayo mamaya bago sumakay ng plane."

"But she deserves a bouquet too." Nahihiyang nag-iwas ako ng tingin. "She deserves that for raising Eris. Hindi naman kaoffend offend yon di ba, Mommy?"

Ilang sandaling natigilan si Mommy sa sinabi ko. Nang mag-angat ako ulit ng tingin ay may masuyong ngiti sa mga labi nito na para bang natatawa habang may naaalala.

"Fine." She taps my shoulder. "Let's give Grant a bouquet too. I'll kick her ass if she gets offended by that."

Nang bumitaw ito sa bewang ko ay pinaayos ko na yung mga bulaklak sa florist. I specifically told her to wrap it special.

Laitera pa naman si Eris. Siguradong pag may pangit doon ay tiyak na lalaitin niyon. Lalo pa at ayaw na ayaw pa naman nito ng mga romantic thingy.

Hah! Kilabutan sya hanggang gusto nya. E sa gusto ko magbitbit ng ganito e. Bakit ba?

"Let's buy some stuffs for Essex along the way din, 'My." Inangat ko yung phone ko. "May nakita ako na bilihan ng egg tart na madadaanan natin."

"Essex likes egg tarts?"

Tumango ako. I've done my research too. Nakita ko sa mga comments ni Essex sa social medias na nagpapasuyo ito kina Carrie na bilihan ito ng egg tart pag maliligaw sa Isla nila.

"Are you courting them, Tris?" Diretsang kumpirma ni Mommy na ikinatigil ko.

Am I courting Eris' family?

Ganoon ba yung ginagawa ko ngayon? Binibilihan ko ng bulaklak si Eris. Tapos pati paboritong brandy ng Mom nito ay nagpaplano din kami ni Mommy na bumili. Even Eris' younger brother ay naiisip ko na din suhulan.

So Am I really courting her?

"Is this courting, 'My?" Nahihiyang tanong ko. I just know that I want to please Eris' parents too.

Hindi ba normal naman iyon?

Eris and I are in a mutual agreed relationship. Natural lang naman na naisin ko na magpa-impress ng kaunti sa pamilya nito.

"Never mind." There's a soft smile on my mother's face when she gently caress my hair. "Let's buy that egg tart too if that's what Essex wants. Mabuti din iyon para medyo lumamig yung ulo non sayo dahil sa nangyari noong nakaraan."

Akmang may sasabihin pa ito nang tumunog naman yung phone nito. She glances at me apologetically. Trabaho na naman siguro.

Akala ko pa naman ay nasa amin yung buong oras nito matapos nitong magfile ng leave sa hospital.

But it seems na kahit nakabreak sya ay madami pa din na nangangailangan ng atensyon nito.

"Can I take this call for a minute?"

"Sure, 'My." Pinilit ko ang ngumiti kahit nakakaramdam na naman ako ng tampo dito. "I'll check the flowers while you're taking that call."

Inabutan ako nito ng card na tinanggihan ko lang. "I've got money, Mom. I got this."

My mother simply nods her head before taking the call in urgency. Lumayo pa ito at lumabas ng flowershop matapos akong senyasan na sumunod na lang sa labas.

AeipathyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon