I saw her worried face staring at me intently. Sa paanan ng kama ay nandoon din pala si Mommy at isa-isang dinadampot lahat ng mga figurines, unan, at mga damit na nakakalat sa sahig.

"Have you.." Tumikhim ako. Nahihiyang napahaplos sa batok at hindi makatingin dito ng diretso. "Have you talked with Eris?" I can't help but to hope that Mama did.

"Your room stinks." Mommy commented instead. Inangat pa nito yung ilang bote ng alak na naiwanan ko lang din pala sa sahig. "Have you been drinking here? Goodness, pamamahayan ka na ng mga bacteria dito, Tris. I clearly told you to keep your room clean."

Mas pinili kong hindi pansinin si Mommy. Masama din yung loob ko dito.

"Ma?"

Tumingin saglit si Mama kay Mommy na para bang humihingi ng permiso. Nang tumango iyon ay saka lang ito sumagot.

"Tumawag kami sa kanila. Nakausap ko si Jen. It's true na umuwi sa kanila si Eris nung araw na umalis din sya dito. Humingi daw ng tulong si Eris kina Candice para maihatid sya sa Isla gamit yung yacht ng mga Oliviar."

Nang marinig iyon ay bumalik ulit ako sa pagkakahiga. Walang ganang itinaklob ulit sa ulo yung kumot at humiga padapa.

It's too late. Sa Isla pa talaga ito pumunta. Isang beses pa lang ako nakaapak doon at wala pa iyong tatlong oras. Noon lang na pinilit ako ni Elle na sumama noong twentieth birthday ni Eris. She was hoping Harrice would show up there. Kaso nung hindi naman dumating yung inaasahan nito ay umalis din kami agad.

"I'm not feeling well, Ma. Please leave my room. I want to have my own privacy."

"Tris.."

Hindi ako sumagot. Part of me is mad at her own accusations towards Eris. Kung hindi nito siguro pinagsalitaan ng masasakit si Eris ay hindi iyon aalis. But also a part of me understands the reason on why she did that.

Nag-iisang anak lang kasi ako ni Mama. Iniisip lang nito yung makakabuti sakin. Besides, Eris let Mama think of her that way by feeding those lies in her mind. Natural lang naman siguro na reaksyon ng magulang yung magalit pag feeling nito naaagrabyado yung anak nila.

Kaya siguro ganoon din yung galit sakin ni Tita Grant nung nahuli nya kami ni Eris sa ganoong sitwasyon noon sa hospital room.

Mommy knows how my mother would react if that thing happened to me. Kaya siguro hindi din ito umawat. Dahil kung nagkataon, tiyak na mas lalong lalala yung gulo at magkakaroon pa ng alitan sa mga pamilya namin. Tapos sa huli, kaming dalawa ni Eris yung maiipit.

I understand it now. Kung hindi ko pa nakita kung paano saktan ni Mama si Eris ay hindi ko pa iyon maiintindihan.

Had Mom already known by then that I am starting to like Eris for real?

"Gusto mo ba talaga yung batang yon? Hindi naman iyon ganoon kaganda. Mas maganda pa din si Elle." I heard Mama spoke.

"Terry!"

"What? Totoo naman, Sam."

"Elle's married, okay?" Dinig ko pa yung iritasyon sa boses ni Mommy ng magsalita ulit. "Hayaan mo si Tris. Hindi ka ba naaawa sa anak mo? Sinabi ko na kasi sayo na wag mo ng palalain yung gulo. Pero masyado kang makulit. Now look at Tris. Tapos ipipilit mo na naman yang gusto mo. Kasal na si Elle kay Harrice! Kaya tumigil ka na dyan. You don't know Hariette well. Baka pasabugin tayo lahat non ng buhay sinasabi ko sayo. Magbiro ka na kay Grant wag lang sa babaeng yon."

"Hindi ko naman sinabing agawin ni Tris si Elle. Ang sinabi ko lang dapat ganoon ang standards. Saka dapat matangkad."

I heard Mommy heave a deep sigh. "It's so easy to have a certain standard, Terry. But you cannot choose who you could fall in love with. Once you've met that someone, lahat ng ideals mo maglalahong parang bula. Believe me, I've been there."

AeipathyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon