"Oo." Malamig kong saad.

"Okay." Sagot niya.

Napakurap na lamang ako ng tatlong beses at napatigil sa paglakad. I can't believe him!

Humugot ako ng malalim na hininga para tingnan ang aking likuran at halos lumuwa ang aking mata nang makita siyang maglakad palayo, pabalik sa batong pinag upuan naming. Hindi ako makapaniwalang hindi siya ako sasamahan o ihatid man lang!

Umiling na lamang ako.

Muli akong tumingin sa kalangitan. Nagsisilabasan na ang mga bituin at malayo pa ang lalakarin ko.

Muli akong naglakad sa kadiliman. May mga bato at damo sa aking nilalakaran.

Mayayabong na ito halatang walang naglalakad dito.

Pinagpatuloy ko ang paglalakad ngunit may narinig akong yapak ng mga kabayo sa aking likuran. I was about to turn around when I noticed Arthuro was already at my side, riding a brown horse.

"Sumakay kana dito, huwag matigas ang ulo." Wika nito habang hindi tumitingin sa akin.

He looked like a model riding horse. Bagay sa kanya ang pagsakay ng kabayo dahil sa magandang tikas ng kanyang katawan. Pero hindi nga lang bagay iyong suot niyang white long sleeve. Ang pormal.

Nagtigas-tigasan ako at muling humarap sa aking dinaraanan para muling maglakad.

"Come on, mukhang hindi mo pa alam ang dinadanan mo, you will get lost, hindi mo pwedeng deretsohin 'yan." Wika nito kayat napatigil ako.

Muli ko siyang tiningnan na ngayon ay madilim muli ang kanyang ekspresyon. His eyes were hooded with his thick and long eyebrows. The hair on his face was evidence even at night. Sabagay hindi ko siya nakikita sa umaga at may araw.

Umiwas ako ng tingin dahil hindi ko maiwasang tumitig sa kanya.

"Get on here, Allisandra."

Napahinto ako nang marinig ang buo kong pangalan galing sa kanya.

"Wear this, it's cold." Iniabot niya sa akin ang isinauli kong coat.

Muli ko pang tinitigan iyon habang nasa ere sa harap ko.

Dahan-dahan kong kinuha iyon sa kanya at kinuha ang laman. Nag iba na ang amoy nito, pamilyar na pamilyar na ang amoy kagaya ng aking mga damit.

Nilahad nito ang kanyang likuran gamit ang kanyang mga mata kayat nilunok ko na lamang ang pride ko. Mabilis akong umakyat at sumakay sa kabayo.

He patiently waited for me until it was all done.

Bago pa siya tumulak ay nagsalita itong muli. I rolled my eyes again.

"Mahuhulog ka kung hindi ka kakapit." Wika nito.

Hindi ko naman alam kung ano ang gagawin ko at kung saan ako kakapit.

But I felt a big and warm hand on my arm. Hinanap nito ang aking kamay habang nakatalikod siya sa akin.

My face suddenly heated when his warm hand and my hand twined.

He carried my soft hand up to his abdomen. I froze when I felt a hard lump inside his dress.

"You ready?" tanong niyang muli.

"O-oo." Damn, bakit ba ako kinakabahan?

Kaagad niya namang minaneho ang sakay naming kabayo. Hindi ako makapag-isip ng maayos dahil hindi ako mapakali sa nakaka-addict na amoy ng kanyang katawan at damit.

I keep myself distracted while slowly admiring his manly scent and the thing inside his dress. I tried my best to hold because anytime I might fall here.

Guilty Pleasure 01: Pain After VodkaWhere stories live. Discover now