Chapter 50: Pregnancy Days

Start from the beginning
                                    

She gave me the bunch of fruits and foods na syang nilagay ko naman sa dining table. They started to chitchatted for a while. Habang ako ay tahimik lang na nakaupo sa tabi ni Freyja. I don't want to open my mouth dahil baka mamaya ay may masabi akong hindi maganda. Hmp.


Hindi ko maiwasang magitla nang maramdaman kong isang pares ng kamay ang pumulupot bigla sa aking leeg at yumakap sa akin ng mahigpit. It was from my wife.

"Relax Freyja, wala akong gagawin na masama kay Ashleene kaya tigilan mo na ang pagyakap sa kanya sa harapan ko." Nakataas-kilay na saad ni Tita Veron. She even rolled her eyes on us. Hmp.


"I don't want to Mom." Umiling-iling sya at mas hinigpitan pa ang pagkakayakap sa akin. "My baby daddy smells so freaking good." At sumiksik pa sa aking leeg. She started to sniffed my scent.


I groaned silently. Napapikit ako nang mariin. It sends shivers to my whole system. She really likes to surprise me with her bold moves. Ang lakas ng loob nyang gawin to sa harap ng Mommy nya ha.


"Ugh! Ang sakit nyo sa mata." Tita Veron scoffed and even pretend to cover her eyes.


"Tss. Wag ka ngang maging bitter Mom. Palibhasa ay wala ngayon si Daddy kaya wala kang kayakap sa gabi."


Hindi na ngayon maipinta ang mukha ni Tita Veron. Damn. I can't believe na ganito sila mag-usap. Parang normal na.


"Don't say that. Mas lalo ko tuloy namimiss ang Daddy mo. Lagot sya sa akin kapag nakauwi na sya rito." Lumabas muli ang mapaglarong ngisi sa kanyang labi. Parang may mga plano na rin naglalaro sa kanyang isipan.


Napaawang ng kaunti ang aking bibig nang magsink-in sa akin ang sinabi nya. Oh no. Yun bang naiisip ko ang tinutukoy nya? Now, I know na kung kanino nagmana si Freyja ng pagiging pilya.


"Freyja, Tita Veron, sasagutin ko lang po to." I excused myself nang marinig kong tumunog ang cellphone ko. Someone texted me. Pumunta ako sa lugar kung saan medyo malayo sa kanila.


From: Zarrain

Ashleene, are you free today? Balak sana kitang kausapin.


Oh. Sya pala yung nagtext. By the way, Zarrain fine na rin and she already recovered from what happened. Pero madalang ko na lang sya makita sa Campus. Kaibigan ko pa rin sya. Nanghingi na rin ako ng patawad lalo na't ako ang nagdawit sa kanya.


I texted her back.


To: Zarrain


I'm sorry Zarrain but I'm not since quality time namin ngayon ni Freyja. Pwede bang sa susunod na lang tayo mag-usap?


Hmm.... I wonder kung ano yung gusto nyang sabihin sa akin. Kahit gaano pa importante yun, hindi ako pwede umalis since this day is alloted for me and my wife.


Minutes later, I received a text from her.


From: Zarrain

It's fine. Tungkol nga pla to sa instituition na pagdadalhan ni Cous. May nahanap na ako.


Woaahh. That's good to know. I seek for her help na rin kasi. Of course, alam din to ni Freyja.


"Sino yang katext mo?" I jumped off in my place in surprise. Mabilis na napasapo ako sa aking dibdib. Damn. Nakakagulat naman yun.


I composed myself first bago dahan-dahang nagbaling ng tingin sa aking likuran. Sinalubong ako ng nakapameywang na si Freyja. She's tapping her feet impatiently.


"I'm asking you once again Ashleene. Sino yang katext mo?" Mas lalong naningkit ang natural nya ng singkit na mga mata. Uh-oh. She looks like a furious kitten right now na para bang pwedeng-pwede nang mangalmot.


"Oh, si Zarrain lang to. Nothing to worry about." And smiled at her.


But damn, bakit ako nakakaramdam ng kaba? Maybe because sino ba namang hindi matatakot kung ganuto na ang expression ng kaharap mo?


"I already told you na wag kang lumapit sa babaeng yun right?" Nakahalukipkip nitong saad.


"Yes. But Zarrain is one of my closest friend. Malaki na ang naitulong nya sa akin." I reasoned out. "She's just really my friend. Nothing more. Nothing less." Pinanatili kong kalmado ang aking sarili.


Biglang sumagi sa isipan ko na isa nga pala sya sa mga babaeng ilang beses nang pinagselosan ni Freyja. I want to give her assurance na wala syang dapat na ikabahala. She's the only one I love the most.


Maya-maya pa ay narinig kong napabuntong-hininga sya. A sigh as a sign of defeat.



"Tsk. Fine." She retorted and I internally celebrated. "But learn to distance yourself from her."


Mabilis akong tumango-tango. "Noted po Commander." I even raised my hands na para bang sumasaludo sa kanya.


As much as possible ay ayokong gumawa ng mga bagay na magsisimula ng away sa pagitan naming dalawa.



"COVER YOUR FACE." Mariing utos nya sa akin. Gabi na ngayon. Actually, it's our bed time na eh. Magkatabi na kami sa isang queen-sized bed.


"What? Paano mo naman ako mayayakap ng maayos nyan?" Nakakunot-noo kong tanong. She's now hugging me as if I'm her stuff toy. I really love this position of ours.


"Gumawa ka na paraan basta ayoko lang na makita ang mukha mo!" She yelled at me once again.


Magkasalubong na ang dalawa nyang kilay. Nag-aalab na sa galit ang mga mata nya habang nakatingin sa akin.


"Why? Am I ugly na ba?" Nakanguso kong tanong. Magpapacute muna ako baka sakaling kumalma sya.


"That's not it. Ugh! I said cover your face!" Nakita ko na lang ang paglipad ng isang unan papunta sa aking mukha. Huli na dahil sapol na sapol na sa akin.


Napangiwi naman ako dahil don. Huhu. I should be thankful at hindi gamit ang binato nya. Mukha atang may topak ang asawa ko ngayon.


"Naiirita ako kapag nakikita ko yung mukha mo. Paano na kami makakatulog nyan ng baby natin?" Naiinis nitong saad. I heard she groaned.


I pouted. Trip nya ba ang mukha ko? Wait. So that means, ako ang pinaglilihian nya?


"I'm sorry Love. Eto na po, tatakpan ko na yung mukha ko." For you baby, gagawin ko ang lahat. Excited na excited na akong makita ka. Wag mo sanang pahirapan si Mommy at si Daddy.


"Good. Thank you Daddy." She whispered to my ear and snuggled much closer to me.


"Kiss muna bago matulog." She demanded at ipinikit na agad ang kanyang mga mata. Aish. Ayaw nya talaga akong makita. I guess, wala na rin naman akong magagawa pa.


I leaned closer at mabilis na siniil sya ng halik.


"Goodnight Ashleene." She said after we kissed passionately. I gently stroke her hair. Maya-maya pa, naramdaman ko na lang ang pagbigat ng kanyang paghinga.


Sinigurado ko munang tulog na si Freyja bago ko marahang dinampian ng halik ang kanyang noo pati na rin ang kanyang tiyan.


Good night. Sweet dreams, my two beloved.


————//————


Boring chapter I know pero 2-3 chapters at matatapos na rin to whaaa!!

How to Stop an Obsessive Love?Where stories live. Discover now