Thirty-Five

16.6K 724 53
                                    

Josh Talon

"Surprise!"

"Sin! Bakit nandito ka na? Hindi ba sa Wednesday pa dapat ang dating mo?"

I was pleasantly surprised nang nakita ko si Sinead sa bahay ko. Nasa itaas ako kanina, nagliligpit sa silid na ginagamit niya noon, nang narinig ko na may pumasok kaya lumabas ako at nakita ko siya na hinihila ang suitcase niya sa sala.

"Wala ba akong hug diyan? Hindi mo ako na-miss, hotdog?"

Sa sobrang pagkasurpresa ko na nasa Nobles na siya hindi ako agad nakakilos sa balcony sa itaas. Nang sabihin niya iyon napatawa ako at saka nagmamadaling bumaba ng hagdan para puntahan siya. Binuhat ko siya at inikot. She giggled.

"I miss you every second, baby blue. You know that," sabi ko nang ibaba siya, hawak-hawak ang kanyang mukha at tinititigan siya.

And Lord, she looked even more beautiful than the last time I'd seen her, and it was not only because I had feelings for her, but because the last few weeks she had become something radiant that glowed brighter and brighter. Halatang masaya siya hindi gaya noon, and I couldn't help but grin at the big possibility na ako ang dahilan.

"Bakit hindi ka nagpasundo sa akin, baby blue?"

"Paano kita masu-surprise kung i-inform kita na ngayon ang biyahe ko? Saka hindi ko naman alam na nandito ka. Akala ko nandu'n ka pa sa family house n'yo. Papupuntahin nga sana kita rito."

"Kahapon pa ako bumalik dito. Naglilinis ako."

Kahit hindi ako mag-e-enroll sa graduate school ng NBSS this schoolyear, minabuti kong dito na ulit tumira. I loved being with my family, pero nasanay na rin ako na may sariling bahay. It suited my lifestyle more, lalo na ngayon na full-time na ako sa company. Having my own place made me feel like an adult worthy of an executive position in a top corporation.

"Ikaw lang ang naglilinis? Uhm, kailan ka kukuha ng new housemate/housekeeper mo?"

"I don't know. Baka hindi na. I don't mind doing the chores myself now. Natuto na ako."

"Ganu'n? How about you hire me as your housekeeper again, hotdog?" She grinned at me.

"Magiging busy ka sa school, Sin. Saka baka mahirapan kang pumunta-punta rito araw-araw para lang maglinis."

"Ayaw mo?"

"Hindi naman sa ayaw." Napakamot ako. Hindi ko na masyadong gusto ang thought na housekeeper ko siya o nahihirapan siyang maglinis ng bahay ko araw-araw. "Bakit, kailangan mo ba ang suweldo, Sin? Puwede naman kitang bigyan kahit hindi ka na maglinis pa rito."

"Tsk! Hindi dahil sa suweldo, 'no! Ang balak ko ipaglilinis kita nang libre, tutal future boyfriend kita."

"Hindi na kailangan, kaya ko nang mag-isa. Pero tutal din, future boyfriend mo ako tanggapin mo na ang alok ko na tulungan ka sa school expenses mo. Mas malaki naman na ang suweldo ko ngayon."

"Ayoko! Baka sabihin ng iba pineperahan kita por que mayaman ka. Magtatrabaho ulit ako sa club ni Dax. Kailangan nila ng regular dahil gr-um-aduate na 'yung iba nilang staff at nakakuha ng ibang work."

Napatingin siya sa potted blue hydrangea plant. Lumiwanag ang mukha niya at nilapitan iyon.

"Hindi namatay?"

Pumunta ako sa likuran niya. "Bakit 'yan mamamatay? Inuwi ko iyan sa family house namin nang umalis ako rito para maalagaan ko pa rin araw-araw."

"May bagong pausbong na bulaklak. Ang galing-galing mo naman talaga, hotdog." Umikot siya at ngumiti sa akin, nakalagay ang mga kamay sa likuran niya.

Josh Talon Phillips: Lust-Struck ✔️Where stories live. Discover now