Nineteen

19.5K 619 30
                                    

Sinead

"Ang ku-cute ng mga damit nila. Parang bagay sa 'yo. Gusto mong pumili?" tanong sa akin ni Tita Luanne pagdaan namin sa isang shop.

Nasa shopping mall kami. Pumunta siya sa Nobles para bisitahin ako.

"Gastos na naman ang iniisip mo, Tita."

"Ano'ng masama? 'Di ba nagtatrabaho ang mga tao para mabili ang gusto nila?"

Hinila niya ako papasok sa clothes shop at pinilit na pumili. Tumangi-tanggi pa ako nang una, pero may natipuhan rin naman na tatlong sexy skirts bandang huli. Hindi nga lang ako pumayag na tiyahin ko ang magbayad.

"May natira pa sa allowance ko, Tita. Okay lang talaga, ako na lang," sabi ko nang nasa cashier kami at ipinagpipilitan niya ang credit card niya.

Tiningnan niya ako nang naghihinala at nagkibit-balikat lang ako. Alam ko na mag-iimbestiga na siya mamaya at nakapagdesisyon na rin naman akong sabihin sa kanyang may part-time job ako so no problem.

"Kailan mo pa nagustuhang mag-skirt?" tanong niya paglabas namin ng clothes shop.

"Ha?"

"'Yang mga binili mo, puro palda. Hindi ka mahilig magsuot niyan."

Oh. Tama si Tita Luanne. Maliban sa school uniform dati dahil required, hindi ako nagpapalda. Bakit nga ba pagkakita ko sa skirts ay napangiti ako and I imagined myself trying them on?

"Malapit na ang summer vacation. Magagamit ko."

"Good for you! Ang ganda-ganda ng legs mo. Hindi mo dapat itinatago parati sa jeans kapag lumalabas ka."

"Maganda ba 'yung parang bariles?"

"Hay naku ka, Sinead. Tigilan mo 'yang pamimintas sa sarili mo. Hindi por que malaki pangit. Minsan bigger is better." She grinned at me na ikinatawa ko.

"Tita, hindi ko alam kung pinapagaan mo angloob ko sa mga bariles na legs ko or what, eh."

"Siyempre I want you to feel good about yourself, my anangkin. Always."

Anangkin. Anak at pamangkin. Ganoon niya ako tawagin noon pa, and it was because gusto niyang maramdaman kong may nanay pa rin ako sa tabi ko, but at the same time ayaw niyang isipin ko na masyado siyang nagta-try hard na pagtakpan ang fact na iniwan ako sa kanya ng kapatid niya.

Nasa US si Mama. Nag-asawa ng American divorcee nang bata pa ako. Ang pangako n'ung umalis siya, kukunin raw ako after a few years pero hindi naman ginawa. 'Yung napangasawa kasi niya, halatang ayaw ng excess baggage ng nanay ko. Maski nga mga sarili nitong anak sa unang asawa, iniwan. Ako pa kaya ang gugustuhin nitong palakihin at pagkagastusan na anak lang ng nanay ko?

"Try natin dito," aya sa akin ni Tita Luanne na itinuturo ang isang buffet restaurant sa mall.

Nang natapos kaming kumuha ng pagkain at umuupo na kami, natawa pa kami dahil ang dami naming plato. Sinusulit talaga namin tuwing nagbu-buffet kami. It was one of our bonding moments. Palagi kaming naghahanap ng buffet na makakainan kapag nagkikita.

May nakakuha ng atensiyon ni Tita Luanne sa shop from across the resto. "He's looking good. Nagmamature."

I also glanced at the life-size standee na tinitingnan ni Tita Luanne. "'Yung looks, Tita. Looks."

Tumango-tango si Tita. "You have a point. Daming issues ng favorite actor mo ngayon, nababalitaan mo? Bad boy image pa rin, eh."

"Ha-ha." I rolled my eyes at her. "I don't watch TV anymore. You know that."

Josh Talon Phillips: Lust-Struck ✔️Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum