Seven

21.8K 675 57
                                    

Sinead

Wala na si JT sa bahay nang gumising ako. Hindi na ako nagtaka. Madalas talaga ay maaga siyang umaalis. Habang naglalakad kami kahapon galing sa laundromat, nabanggit niya sa akin na kapag ipinatawag siya ng lola niya sa company nila, wala siyang nagagawa kundi sundin ito.

Lunchtime, nagkita kami ni Marg sa McDonalds na malapit sa NTU. McDo. Bakit si JT na ang naaalala ko sa fastfood na iyon kahit isang beses pa lang kaming kumain n'on nang magkasama?

"Ito na ang pina-order mo." Itinulak ni Marg sa lamesa ang tray. Nakakain na siya habang hinihintay ako kanina. "'Yung friend mo na palagi mong kasama?"

"Si Myrell? Hindi ko inaya. Marami naman 'yung nasasabitan na iba maliban sa akin."

Napansin ko nga lang noon na hindi masyadong welcome si Myrell sa classmates namin at akala ko naman nabu-bully kaya to the rescue ako, 'yun pala ako ang pinaiikot sa mga gawa-gawa niyang kuwento.

"'Buti hindi mo kasama. I don't really like her. FC. Pero parang hindi rin genuine. Anyway, friend mo nga pala 'yun, so I'll shut up na. Baka sabihin mo sinisiraan ko sa iyo."

Ikinumpas ko ang kamay ko habang sumusubo ng fries para iparating na pass na sa topic na 'yun. Hindi na ako masyadong close kay Myrell pagkatapos ng nangyari pero hindi naman ako galit sa kanya. Naiintindihan ko pa rin siya. Hindi ko alam kung ano ang pinagdaraanan n'ung tao at nagagawang humabi ng mga kasinungalingan para makakuha ng atensiyon.

"It's okay, kilala naman kita. Tuloy pa rin ba ako mamaya sa club n'yo? Hindi binawi ng manager mo?"

"Yup. Tuloy na tuloy. Friday and Saturday, from six p.m. to twelve midnight gaya dati. 'Yung bago mo nga palang tinutuluyan, malapit lang ba sa club? Inaalala ko lang, baka mahirapan kang umuwi paglabas mo."

"Hindi. Mas malapit siya sa Noble at sa UGC compared sa dorm natin noon."

"Ang daya, bakit hindi mo ako inalok na sumama sa iyo roon?"

"Ano, isa lang kasi ang available room na ipinapa-occupy ng owner sa iba."

"Isang family ba ang nakakasama mo sa apartment?"

Posibleng malaman din ni Marg dahil boss niya ang kaibigan ni JT kaya parang useless na itago ko pa sa kanya. Saka baka kung ano'ng isipin niya kung ililihim ko nang matagal.

"Actually, si JT ang may-ari ng bahay."

Kumunot ang noo niya. "Not the JT na naiisip ko...?"

"Siya nga. The Josh Talon Phillips."

Bumilog ang mga mata niya. "No way! How did it happen, girl?!"

"Umalis na 'yung dati niyang housemate slash tagapaglinis ng kalat niya. Ako ang pumalit."

"How did it happen nga? Dali. Explain."

Scoop? Hindi makapaghintay sa chika.

"Binanggit sa akin ni Daven n'ung unang gabing nag-part time ako sa UGC na kailangan ni JT ng kasama sa bahay na maglilinis. Inalok niya sa akin, tinanggap ko. I mean, libre house, libre food, electricity at tubig. May suweldo pa. Aarte pa ba ako?"

Nag-thumbs sa akin si Marg. "Wala nang arte-arte siyempre. Saka JT Phillips 'yon. Kasama mo sa house. That guy's so ridiculously good-looking. Kahit sa imagination ko, wala akong mabuo na mas guwapo pa sa mukha ng lintek na 'yon. Sa laboratoryo yata ginawa kaya ang perfect."

'Yung totoo, nu'ng nakita ko si JT na hubad, mas impressed na ako sa body niya kaysa sa mukha niya. His ginormous cock? I wouldn't let him know of course, pero pinapantasya ko sa gabi, kapag nakahiga ako sa kama, and you know what I was doing to myself.

Josh Talon Phillips: Lust-Struck ✔️Where stories live. Discover now