Twenty-Nine

16.9K 636 65
                                    

Sinead

"Ako na ang maghuhugas, Sin!" Inunahan ako ni JT nang dadamputin ko ang mga pinagkainan namin sa lamesa para dalhin sa lababo.

"Ako ang housekeeper dito. Huwag mo akong kunan ng gawain, Talon."

"Pagod ka na."

"Gagi. Kumain lang ako, paano ako mapapagod?"

"Basta magpahinga ka na lang."

Ginitgit ko siya para mapalitan siya sa harapan ng lababo. "Alis diyan!"

Napatabi ko siya pero hindi pa rin umalis. Kaya ang nangyari ay magkadikit ang mga balakang namin.

"Alright. Ikaw na lang ulit ang magsabon at magbanlaw. Ako ang magpapatuyo at magtatabi."

Pumayag na rin ako para matapos na kami sa pagtatalo. I only wished na umurong siya nang kaunti. Hindi niya naman kailangang tumayo sa tabi ko talaga. Nagpapatuyo lang naman siya ng mga pinggan at inilalagay sa cupboard. Hindi tuloy ako masyadong makakilos.

And his hot body was distracting besides...

"Any plans after the finals, Sin?"

"Mag-summer job sa pinagtatrabahuhan ni Tita Luanne."

"I mean, bago ang bakasyon at bago kayo maghiwa-hiwalay ng classmates mo this sem. Going on a trip with them?"

"Tsk! I'm always broke. Hindi ako sumasali sa kanila sa ganyan. Ang yayaman pa naman ng iba sa kanila at ang expensive ng mga pinupuntahan."

"Would you like to join our trip instead? Sa resort hotel ng family ni Dax namin balak na pumunta. You don't have to pay for anything."

"Sina Dax ang kasama? Eew, no, I'm not interested to join."

"Marami naman tayong ibang makakasama. Not just Trent, Daven and Dax. Nandu'n rin ang CSO officers, and some of our college friends."

"So parang last college get-together n'yo. Puro kayo graduating students du'n. Bakit mo ako isasama? Maa-out of place lang ako."

"How about our graduation ball? Gusto mo akong... samahan? As a date?" Sinulyapan niya ako at bumaling rin ako sa kanya, kinukunutan siya ng noo. "Bakit ganyan mukha mo, Sin? Hindi mo ba talaga ako ma-imagine na date sa college ball? I'll wear a tux. I'll look good for you, I swear, hindi kita ipapahiya sa mga tao. Basta pumayag ka na."

Pinapakabog na naman niya ang dibdib ko.

"Bakit ako? Ano ba kita? Bakit kita sasamahan sa graduation ball n'yo?"

Gumalaw ang nguso niya, 'yung nagpaparating na dinaramdam niya ang sagot ko. Ang cute putek. Gusto ko siyang lagyan ng comic panel 'tapos text na HURT.

"Who else should I take to the ball?"

Another frame, PUPPY EYES. Nagpapaawa naman kasi ngayon ang expression niya. Whyy? Why was Josh Talon so charming and irresistible? Sarap niyang bugbugin para tigilan ang pambubudol sa akin using his looks. And yeah, kung makakasama niya ako sa comics, ako 'yung tsundere character na harsh pero bigay rin naman nang bigay sa kanya.

Taragis. Ayusin mo, Sinead. Kaya ka nasasaktan, kasi hilig mo bumigay.

"Dati okay siguro kahit sino lang. But I've already confessed to that someone I like. It'll be wrong for me to be with another girl. It will feel wrong to date any other girl other than the one I like."

Josh Talon Phillips: Lust-Struck ✔️Where stories live. Discover now