Eight

20.9K 719 71
                                    

Josh Talon

Ilang beses na akong sumusulyap sa relos ko. Nang mag-alas dose, nakahinga ako nang maluwag. Natapos rin sa wakas ang shift ni Sinead.

"Pauwi ka na, Sinead?" tanong sa kanya ni Trent nang magtanggal siya ng waist apron.

"Yup."

"Shot ka muna rito." Itinaas ni Trent ang bote ng Svedka.

Kumuha si Sinead ng baso at hinayaan si Trent na salinan ng vodka. Ini-straight niya iyon. Nag-thumbs up sa kanya si Trent.

"I like a girl who can drink. Where's your friend?"

"May ginagawa sa stock room."

"Ah. You want another glass?" Sinalinan ulit ni Trent ng vodka ang baso ni Sinead. "Regular ka na ba rito?"

"Weekends lang." Sinulyapan ako ni Sinead at para siyang banas sa akin. Ininom ulit niya ang vodka. "Bakit nandito pa kayo?"

"Linggo bukas. JT and I can stay here as late as we want to."

"I mean, bakit hindi kayo pumunta sa ibaba?"

"Wala si Dax, therefore sarado ang baba. Kahit kaming close friends niya, hindi basta-basta nakakapasok sa playroom niya. Your boss is a selfish prick, I'm just letting you know."

"And you're not a good friend. You're badmouthing him."

Tumawa si Trent. "Ang nice ko pa nga. Selfish prick lang ang itinawag ko sa kanya samantalang mga bata pa lang kami kilala na namin ang isa't isa." Itinaas niya ang bote ng vodka. "Ubos na. Baka puwedeng ikuha mo ako ng isa pa, pagkatapos samahan mo na rin kami ritong uminom para mas masaya."

"Hindi mo siya kailangang sundin," sabi ko kay Sinead.

"Sa kanya lang ako makikipag

"Tingin ko wala ka talagang pag-asa sa kanya," pang-aasar ng kaibigan ko. "Hindi ko alam kung hindi ka marunong dumiskarte, o hindi ka lang talaga type. Parang mas may chance pa ako sa kanya kaysa sa iyo."

"Suntukan na lang?"

Lumabas si Sinead sa likod ng bar area dala ang baso niya at umupo sa upuan sa kabilang side ni Trent. I tightened my jaw. Bakit sila ang magkatabi? Bakit sila ang mag-iinuman? Joke lang ba ako kay Sinead? Wala namang panama sa akin itong si Trent. Hindi guwapo, overconfident lang.

Um-order ako ng ikatlo kong gin and tonic. Magda-drive pa ako kaya dinahan-dahan ko lang iyong inumin habang nag-i-eavesdrop sa usapan nila. At least they were talking about Sinead's friend, not flirting with each other.

"Nilalasing mo lang ba ako para umalis na ako bago bumalik ang kaibigan mo?" natatawang tanong ni Trent.

"Ganoon ba ang palagay mo?"

"Hindi ka mananalo sa akin, Sinead. Walang talab sa akin ang alcohol."

"Sabi nu'ng hindi kaya kapag hindi strawberry lemonade flavored."

"Mas masarap kung ang mapait hinaluan ng ibang lasa gaya ng tamis o asim. Mas nagkakaroon ng dimension. Kaya ako, ayoko sa mga babaeng plain. Gusto ko 'yung may depth ang character."

"Ah talaga? Akala ko basta nakapalda sasama ka na. Bilisan mo na nga lang uminom diyan. Ubusin natin ito."

Pumangalumbaba ako habang sinisilip si Sinead mula sa ibabaw ng balikat ni Trent. Hindi siya ngumingiwi kada inom ng alak, she could handle the taste of it. I didn't know why even something like that about her could make me smile.

Josh Talon Phillips: Lust-Struck ✔️Where stories live. Discover now