Chapter 25

50.2K 2.5K 479
                                    

I took a deep breath first before I finally accepted Larissa's call. Kanina nang sinabi n'yang tatawagan n'ya ako, hindi ako mapakali at hindi rin makapaghintay sa tawag n'ya. Ngayon naman na tinawagan n'ya na ako ay naka-ilang ring muna ang phone ko bago ako nagkalakas ng loob na sagutin ang tawag n'ya.

Kinakabahan kasi ako. Kinabukasan ay dumalaw ulit si Larissa kay Mama para makausap ko na s'ya. I thought I would be okay if I got to talk with my mother pero ngayon naman ay grabe ang tensyon at ang kabang nararamdaman ko.

I was so scared. Paano kung hindi ulit ako makilala ni Mama? Malaki ang posibilidad na 'yon lalo pa at hindi kami magkaharap at ang boses ko lang ang maririnig n'ya. Noon ngang magkaharap kami ay hindi n'ya ako nakikilala, paano pa kaya ngayon?

I am aware that there might be lapses during her recovery. Hindi pa tuluyang magaling si Mama. Pwedeng isang araw ay ayos s'ya pero may mga araw na hindi. Paano kung isa ito sa mga araw na 'yon?

Hindi ko kayang marinig na itatanong n'ya ulit kung sino ako.

I put the phone against my ear. Hindi muna ako nagsalita. I was trying to assess her pero ngayong hindi kami magkaharap, there's no telling if she's okay or if this is one of her worst days.

"Reyziel?" rinig kong sabi ng boses sa kabilang linya. Kilalang-kilala ko ang may-ari ng boses na 'yon. "Reyziel, anak... ikaw ba 'yan?"

I caught my breath. Naitakip ko ang isang kamay sa bibig ko. My eyes teared up and all of a sudden, I just found myself silently crying hearing my mother's voice again.

It's been so long... God, hindi ko na maalala kung kailan ako huling tinawag ni Mama sa pangalan ko. I felt like a small child again. Gusto ko s'yang yakapin nang mahigpit ngayon at magsumbong. Na sabihin sa kanya ang lahat ng mga hinanakit ko. Na nasaktan n'ya ako sa mga panahong hindi n'ya ako nakilala.

I wanted to tell her that I'm tired. Pero kahit na pagod na ako, hinding-hindi ko sila susukan ni Larissa.

"Ma..." I managed to call her but my voice croaked. Isinara ko ulit ang bibig ko at hinayaan n lang sa pagtulo ang mga luha ko.

"Ang anak ko..." Mas naiyak lang ako nang marinig na nabasag ang boses n'ya. "Kumusta ka na? Ang sabi sa 'kin ni Larissa, nasa Negros ka raw. Ayos ka lang ba d'yan?"

Tumango ako, nakalimutan na wala nga pala s'ya sa harapan ko. How I wish that she's in front of me right now.

"Ayos lang ako, Ma..." sabi ko sa nanginginig na boses.

"Nakakakain ka ba nang maayos? Baka  magkasakit ka. Ang layo mo pa naman. Walang mag-aalaga sa 'yo d'yan."

Sakto naman na narinig ko na may pumipindot sa lock key ng pinto ng apartment ko. I knew who it was. Ilang sandali lang ay bumukas ang pinto at bumungad sa akin si Gray na dito na dumederetso pag-uwi galing sa trabaho n'ya.

Suddenly, I felt calm. Gusto kong sabihin kay Mama na may mag-aalaga sa akin kapag nagksakit ako but I'll tell it to her some other time. Ang gusto ko lang ngayon ay malaman ang lahat tungkol sa kanya. Para alam ko kung hanggang saan ang in-improve n'ya.

A week passed when Larissa told me that our mother had an improvement. Hindi pa nagtatagal si Mama sa bagong institution na 'yon pero may naging improvement na agad s'ya. Ibig sabihin, effective sa kanya ang approach na ginawa sa kanya ng psychiatrist n'ya. Ang sabi rin ni Doc Evelyn noon na mas matututukan sa institution na 'to si Mama. Pinayagan rin si larissa na bumisita nang maaga.

Isang linggo na ang lumipas. I was hoping na nagtutuloy-tuloy ang improvement n'ya.

"Ayos lang po talaga ako dito, Ma... Kayo nga ho ang inaalala ko. Kayo ni Larissa.

Chess Pieces Aftermath: Gray SanfordΌπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα