XXVI

15 2 0
                                    


YSABELLE TANYA



Kanina ko pa gustong bumangon mula sa pagkakahiga pero itong si Neil, kanina pa rin pigil nang pigil sa akin. Nakakairita makitang nakahiga lang ako rito sa Hospital bed suot ang patient gown.



Wala naman akong sakit. Bigla nga lang tumamlay ang katawan ko. Hindi ko rin alam kung bakit. Basta ang naaalala ko, nagkausap kami ni Lolo Solito. Ang Lolo ko na Ama ni Papa.




"Anak!" Napalingon ako sa tawag ni Mama. Paano naman niya nalamang nandito ako?


Pinaningkitan ko ng mga mata si Neil. Mukhang na-gets naman niya agad kaya nagsalita siya, "Tinawagan ko sila. Uh, kinuha ko 'yong number sa Cellphone mo. Wala namang password."





Pasimple ko siyang inirapan. Dahil diyan, mapapagalitan na naman ako ni Mama. Baka akalain niya na nakipagbugbugan na naman ako.




Lumapit si Mama sa akin. Siya lang mag-isa saka dali-dali akong niyakap. Halos hindi naman ako makahinga ng maayos sa higpit ng yakap niya.



Ang akala ko magagalit si Mama. Hindi pala, mali ako. Puno ng pag-aalala ang mga mata niya ngayon. Hindi siya ganito sa akin noon. How I wish ganito rin siya kung mag-alala sa akin sa kasalukuyan.





"Anong nangyari sa 'yo? Kumusta? Saan ang masakit sa 'yo? Bakit parang nanghihina ka? May sakit ka ba, Anak? Bakit hindi ka nagsasabi sa akin?" Sunod-sunod ang tanong ni Mama sa akin.




"A-ayos lang po ako, Ma." Parang hindi naman siya naging kumbinsido sa sinabi ko. Umiling siya bago ibinaling ang tingin kay Neil na naka-cross arms habang nakatingin sa malayo.




"Hijo, napaano ba talaga ang anak ko?" Nagkibit balikat naman si Neil bago sumagot, "We're just on our way when Sab suddenly lost her consciousness. I also don't know the reason why."






"Kaya ko naman po, e!" Parehas silang napatingin sa gawi ko nang magsalita ako. Sabay silang umiling na parang sinasabing huwag na akong makulit.





"Naku. Nag-aalala ako sa 'yo, anak. Saan ka ba galing? Kumain ka ba ng agahan?" Umiling ako. Kumunot naman ang noo niya sabay mahinang hinampas ang balikat ko.





"Anak naman, 'di ba sabi ko kumain muna ng agahan bago umalis ng bahay." Pilit akong ngumiti dahil ito na ang sermon ni Mama. Hindi nga ako nag-agahan dahil sa sobrang excite na makasama si Neil. Hindi rin ako kumain ng hapunan kagabi.




"Kumain na rin naman po ako ng lugaw ngayon." Pinanliitan naman ako ni Mama ng mata. Halatang naiinis siya sa akin. Alam ko na 'to, war na mamaya pag-uwi sa bahay. Lagot ako.





Maya-maya pa ay marahang bumukas ang pinto. Nalipat ang tingin namin ni Mama rito. Nadatnan namin si Neil na lalabas pala ng kwarto.


"I'll buy foods for lunch, Tita." Natawa naman ako sa reaksyon ng mukha ni Neil. Akala niya siguro hindi namin siya mapapansin.





Naks. Tita na tawag mo kay Mama. Soon, Mama mo na rin siya. Dapat lang na bumili ka ng tanghalian, ikaw ang dahilan kung bakit hindi ako kumain ng agahan.






Tinanguan lang siya ni Mama. Nang tuluyan na siyang makalabas ay ibinalik na naman ni Mama sa akin ang kaniyang tingin.



"Okay lang nga po ako," usal ko. Pero, hindi pa rin siya nagsasalita. Animong kinikilati ang kabuuan ko.




"Ma, alam ko naman pong maganda ako. Huwag mo naman akong titigan ng gan'yan." Tumawa naman siya sabay hampas ulit sa braso ko. Nakakailang hampas na si Mama sa braso ko, pakiramdam ko nga namumula na.





Her Unforgettable Past | ✓Where stories live. Discover now