XVII

26 5 0
                                    


YSABELLE TANYA

''Kumusta naman ang bakasyon, anak?'' Gulat akong napatingin sa boses na sumalubong sa akin. Alas tres na ng hapon ngayon, bago lang ako nakauwi sa bahay. Magkasama naman kami kanina ni Alliyah at naghiwalay lang nang bumaba siya sa kanto papunta sa bahay nila.

''Anak?'' Natulala ako kay Mama. Ngayon ko lang ulit naramdaman ang pagmamahal ng isang Ina. Nakaka-miss din pala. Kahit ano man ang mangyari, hahanapin pa rin talaga natin ang alaga ng isang Ina.

Ngumiti ako ng malapad bago sumagot, ''Ayos l-lang naman po.'' Dahan-dahan kong kinuha ang kanang kamay niya at nagmano. Sumunod naman siya at iniagaya ang kamay sa noo ko.

Hinubad ko ang sapatos ko at nagpaalam na muna na aakyat sa kwarto upang magbihis. Tinanguan ako ni Mama habang nakangiti pa rin. Habang paakyat sa hagdan hindi ko maiwasang pagmasdan ang mga litratong naka-dikit sa taas ng pader.

Napahinto ako sa tapat ng kwarto nina Mama at Papa. Nakita ko naman ang Family picture namin na naka-sabit sa taas ng pinto. Kusa namang kumilos ang mga kamay ko at inabot ang litrato.

Gano'n na lang ang pagkurba ng ngiti sa labi ko habang hinahaplos ito. Nakatayo sina Mama at Papa habang nakaupo naman kami ni Ate sa upuan sa harap. Nasa tabi ni Mama si Ate habang nasa tabi naman ako ni Papa. Panahong masaya pa ang pamilya namin. Panahong buhay pa si Papa. Hindi ko naman namalayang tumulo na ang luha ko habang hawak-hawak ko ang litrato.

Halos mag-flashback naman ang lahat ng nangyari sa pamilya namin. Noong mga bata pa kami ni Ate. Noong masaya ang pamilya namin at walang gulo. Noong sabay naming nilalabanan ang mga pagsubok sa buhay na dumarating sa pamilya namin. Noong magkakasama kaming lumalaban para kay Papa. Pero, sabi nga nila lahat ng bagay ay nagbabago. Hanggang sa namatay si Papa, nagbago ang lahat. Nag-away kami ni Ate, gano'n din si Mama.

Nagpakawala muna ako ng isang mabigat na buntong hininga. Ngumiti ako ng mapait bago pinunasan ang mga namuong luha sa gilid ng aking mata. Mahal na mahal ko po kayo.

Matapos no'n ay dumiretso na ako sa kwarto ko. Pagkapasok ay agad na nagpalit akong damit. Napapangiti ako habang pinagmamasdan ang lagayan ng damit ko noon. Ang bistidang kulay asul na regalo sa akin ni Neil. Regalo niya sa akin noong kaarawan ko. Ganoon din ang isang bistda na kulay asul na regalo rin sa akin ni Papa noong ikapitong kaarawan ko.

''Ang bistidang asul na 'to ang nananatili at mananatili kong paborito,'' sambit ko habang hawak-hawak ito. Kasalukuyan akong nakadungaw sa bintana ng kwarto habang pinagmamasdan ang bawat patak ng ambon.

Kung minsan nga napapaisip ako, bakit kailangan pang umambon kung uulan naman? Hindi ba pwedeng isang buhos na lang? Parang 'yong nararamdaman ko, hindi ba pwedeng isang sakit na lang ?

Ibinalik ko na ang bistida sa cabinet ko. Habang abala ako sa pagtingin ng mga gamit ko noon. Isang bagay ang nakaagaw ng atensiyon ko. Ang study table ko noon na puno ng mga libro at color pens.

Kumuha ako ng isang papel at ballpen. Naupo ako sa upuan saka nagsimulang magsulat ng tula. Tula ng aking nararamdaman. Kahit na papaano sa pagsusulat ng tula, mailabas ko muna ang sakit.

AASA
Pikit matang nakatingala sa langit na kay dilim,
'Di alintana mata kong kay lalim.

Bawat kulog kasunod ay kidlat,
Kasabay ng aking pagmulat.

Sa katotohanang, Ikaw at ako,
Tayo'y animo'y naka-pako.

Iisa ng langit na pinagmamasdan,
Iisa rin ng pinagkakapakuan.

Sana'y ako rin ang nasa 'yong isipan,
Kahit na batid kong kailanma'y hindi matututunan.

Pwede naman 'di bang ako'y umasa?
Sa damdamin kong wala namang pag-asa.

Her Unforgettable Past | ✓Where stories live. Discover now