XXI

19 6 2
                                    

YSABELLE TANYA


July 15, 2019

Hindi pa rin ako pinapansin ni Neil. Tuwing lalapit naman ako sa kaniya ay parang isa lang akong hangin. Maging sina Alliyah at Yuri hindi niya rin pinapansin. Mabuti na lang dahil hindi niya pinagkalat 'yong sinabi ko sa kaniya. Baliw daw ako sabi niya.

Kasalukuyang nag-di-discuss ang professor namin ngayon. Tahimik lang akong nakadungaw sa bintana. Kanina pa kami nagkaklase pero, halos wala naman akong maintindihan.


''Yes, Ms. Torres.'' Tiningnan ko naman si Prof. na binanggit ang lastname ko. Bago ko lang napagtantong nakatayo pala ako ngayon. Pilit akong ngmiti bago magsalita, ''Ma'am, May I go out?'' Bahagya pa akong tinaasan ng kilay nito bago tumango. Agad akong lumabas ng classroom. Patapos na rin naman ang klase kaya, hindi na lang ako babalik.


''Neil! Teka!'' Habol hiningang tawag ko sa kaniya. Mula rito sa kinatatayuan ko natatanaw ko siyang pababa ng hagdan. Ngunit halos wala man lang itong narinig. Habang ako naman ay diretsong hinahabol pa rin siya. Hanggang sa maabutan ko siya sa hagdan.

"Neil," tawag ko sa pangalan niya. Akala ko ay lilingon na siya para kausapin ako pero, mali ako. Akala ko ako na 'yong nilingon niya, pero hindi pala. Parang tanga akong kumakaway sa kaniya samantalang malayo ang tingin niya. Galit pa rin ba siya sa akin? Baliw pa rin ba ang tingin niya sa akin?




July 16, 2019

"Neil!" Malakas na tawag ko sa kaniya nang makita ko siyang naglalakad tulak-tulak ang isang grocery cart. Dali-dali ko naman itong hinabol pero, mali. Hindi pala siya si Neil. Napahiya na naman ako. Hindi ko alam kung paano ko siya makakausap at kung paano ako makapagpapaliwanag sa mga sinabi ko nakaraan. Dapat niyang malamang hindi ako baliw. Ako si Sab na mahal na mahal niya.




July 17, 2019

''Neil, Neil...'' Paulit-ulit na bulong ko sa hangin habang nakaupo sa upuan kung saan huli kaming nag-usap ni Neil. Ano pa nga bang saysay nang pagbalik ko rito sa nakaraan kung iniiwasan niya ako?

Ilang minuto pa ang lumipas nananatili pa ring gano'n ang posisyon ko. Muli na namang tumulo ang mga luha ko. Ito na naman ang mga katanungan na bumabagabag sa isip ko.


What if hindi ko sinabi 'yon?

What if hindi nangyari 'yon?

What if walang nangyaring gano'n?


''Sab,'' tawag ng pamilyar na boses sa akin. Sigurado akong si Gerald ito. Walang emosyong tumingin ako sa kaniya. Nakapamulsa siya ng kaniyang mga kamay na tulad ko ay nasa malayo rin ang tingin.



''Bakit ka nandito?'' Tanong ko bago umusod upang makaupo siya sa tabi ko. Isang malalim na buntong hininga ang kaniyang pinakawalan bago humarap sa akin.


''May kailangan kang malaman,'' sambit niya na seryoso ang mga tingin.

''Tungkol saan?'' usisa ko rito.


Hindi agad siya umimik. Bahagya muna siyang tumikhim bago nagsalita, ''Si Papa.''

Napakunot ang aking mga noo nang sabihin niya 'yon. Si Manong Oliver ang tinutukoy niya.


''Bakit? Anong nangyari?'' Hindi na ako mapakali. Pinakalma ko muna siya na halatang balisa.

''Nawawala siya at isa lang ang pinaghihinalaan kong may kinalaman dito.'' Napahinto siya saglit sa pagsasalita. Tiningnan ko siya ng may pagtatakang tingin.


Her Unforgettable Past | ✓Where stories live. Discover now