XII

27 11 6
                                    

NEIL YVES


"I'm sorry, I didn't mean to offend you." Kasalukuyang nakapatong ang kamay ko sa kaniyang ulo habang humihingi ng sorry. Ilang segundo lang ang itinagal ng titigan namin nang siya na mismo ang umiwas.

Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko tuwing malapit siya. Hindi ko pa naman siya kilala ng lubos. Pero, bakit kakaiba ang dating niya sa 'kin? Parang may hindi tama sa mga nangyayari.

"W-wala 'yon, ayos lang," turan n'ya bago ngumiti ng pilit.

"Talaga?" hindi kumbinsidong usal ko.

"Bakit? Mukha ba akong sinungaling?" Namimilosopong asik n'ya sa 'kin kaya naman pabara ko rin 'tong sinagot.

"Sinabi ko bang mukha kang sinungaling?" Sa halip na makipagtalo pa s'ya ay inirapan niya na lang ako saka nagwalk-out. Hanep, halatang napikon sa akin.

Dinig ko pa ang pang-aasar sa kaniya ni Alliyah na hindi niya pinansin. I was about to take a step to follow Sab, when Alliyah suddenly stopped me.


"H'wag, hayaan mo na muna siya sa ngayon." Pagipigil nang magtatangka sana akong sundan si Alliyah. Wala na akong nagawa at sumunod na lang sa kan'ya. Isang pekeng ngiti ang iginawad niya sa akin bago ako tinalikuran. Ano na naman bang mero'n sa mga ngiti na 'yon at parang may kakaiba?


Kasalukuyang nag-uusap sina Yuri at Alliyah ngayon kasama si Sir. Hindi pa naman ako nakakaramdam ng gutom, kaya naisipan kong bisitahin muna si Ezrha. Hindi naman malaki ang sugat niya, pero halata ang pagkakapasa nito sa kaniyang noo.

Kinawayan ko si Yuri hudyat aalis muna ako. Agad naman niya akong tinanguan. Habang naglalakad patungo sa kwartong pinagdalhan kay Ezhra, hindi ko maiwasang mainis sa sarili ko. Natatakot akong magsalita dahil iba ang pagkakaalam nila sa nakita ko. Kita mismo ng dalawa kong mga mata na hindi si Ysabelle ang may gawa no'n. Isa kasi sa mga striktong guro ang tita ni Ezhra.

Ano pa nga bang saysay ng pagsasabi ng totoo, kung hindi ka naman paniniwalaan?

Nang matapat ako sa kulay light blue na pinto ay agad akong napahinto. Tiningnan ko ang paskil sa gilid nito saka nabasa ang 'Private Room'. Marahil dito naka-kwarto ang iba pang mga guro. Napabuntong hininga muna ako bago hawakan ang door knob. Marahan ko 'tong pinihit pabukas na sanhi nang pag-ingay ng pinto.

"Anong ginagawa mo rito?" Walang emosyong boses ng Tita ni Ezrha ang agad na bumungad sa 'kin. Isa sa mga kasama naming guro ang Tita ni Ezhra. Hindi muna ako umimik at isinara na muna ang pinto. Naupo ako sa isang couch sa tabi ng kama na pinagkakahigaan ni Ezhra, habang hindi pa rin naaalis ang masamang tingin sa 'kin ng Tita niya.

"Gusto ko lang po sanang tingnan ang l-lagay ni Ezhra." Kinakabahang usal ko.

"Ang lakas naman ng loob mong humarap sa 'kin, matapos ng nangyari sa pamangkin ko." Malamig ang boses na sambit niya sa 'kin na dahilan ng pagyuko ko.

"Tita," suway ni Ezhra sa Tita niya. Sinamaan lang siya ng tingin nito bago ibinaling ulit ang tingin sa 'kin.

"Hindi pa tayo tapos, Mr. Valdez." Pagbabanta niya bago naglakad palabas ng pinto. Hindi na ako sumagot matapos no'n, dahil hindi ko naman siya maintindihan. Wala naman akong atraso sa kaniya.

Tumayo ako mula sa pagkakaupo mula sa couch at marahang naupo sa tabi ni Ezhra. Bakas pa rin ang kulay violet na pasa sa kaniyang noo. Nakatingin lang siya ng diretso sa kisame. Hindi na ako nag-aksaya pa ng oras at kinuha ang ice na nakalagay sa taas ng lamesa. Inilagay ko 'to sa cold compress saka dahan-dahang ipinunas sa kaniyang noo.

Her Unforgettable Past | ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon