XIV

26 14 10
                                    

YSABBELLE TANYA


Maingay ang buong paligid. May mga naghihiyawan at nagatawanan. Tanghaling tapat at natapos na namin ang tatlong activities. Tapos na kami sa dalawang activities at may naiiwan na lang na dalawa pang activities. Bukas na kami uuwi dahil ito ang last day namin dito sa ressort.


''Ano na bang next?'' Nakangusong tanong ni Ezhra na katatapos lang sa activity. Siya ang last na nakalabas sa Spider Web na gawa sa straw. Kailangan lang naman doon ay makadaan mula sa right side papunta sa left side. Dapat ay hindi madidikit o malalapat ang anumaang parte ng katawan sa straw.

''Doon tayo sa Hila-lubid,'' ani ni Alliyah.

Napatingin naman ako sa grupo ng mga students na kasalukuyang naglalaro ng Hila-lubid. Bale, dalawang grupo pala ang kinakailangan na maglalaro. Naghihilaan sila at halos walang gustong magpatalo. Mababakas naman ang saya sa kanilang mga ngiti.

''Tara,'' sambit ni Yuri saka hinawakan ang kamay ni Alliyah. Shems. Ang speed naman nila, may hawak kamay na. Kasabay ko sa paglalakad si Ezhra habang nauuna naman ng kaunti sa amin si Neil. Habang naglalkad hindi ko maiwasang mapatingin kay Ezhra.


Mestisa ang kulay ng balat niya. Matngos ang ilong na mayroong maamong mga mata. Sabi nga sa kanta ni Taylor Swift, She's got everything that I have to live without.

Bakit hindi na lang kasi ako? Mas matangkad naman ako kay Ezhra. Kung ipagkukumpara kami sa isa't isa malayong malayo siya sa akin. Maganda siya, sobrang ganda ko lang.

''Tanya,'' ani niya na bago hinawakan ang kamay ko. Bahagya pa akong nagulat sa ginawang 'yon ni Ezhra. Nakakahiya naman maging platic sa kaniya, parang kanina lang siya ang topic sa utak ko.

''Bakit?'' Walang ekspresyong tiningnan ko siya. Para siyang anghel lalo na sa mga ngiti niya.

''Alam kong hindi ikaw ang may gawa no'ng nakaraan,'' sambit niya bigla nanagpakunot sa noo ko. Naguguluhang tiningnan ko siya bago nagsalita, ''Kung alam mo naman pala, bakit hinayaan mong ako ang sisihin nila?''

Marahan siyang napayuko matapos kong sabihin 'yon. Bakit nga ba? Sino naman ang taong nasa likod no'n?

''Sorry,'' ani niya habang nakayuko. Marami pa sana akong nais isumbat at itanong sa kaniya. Mas pinili ko na lang maging kalmado at kimkimin ito. Hindi ko na hinintay ang kaniyang dahilan at patakbong humabol kina Alliyah. Malamig na hangin ang sumalubong sa akin nang maabutan ko sila.

''Alam n'yo naman siguro ang gagawin, 'di ba?'' Bitbit ni Ma'am Feryl ang lubid habang nagpapaliwanag sa amin ng mga gagawin at kung ano ang bawal gawin.


Kasalukuyan kaming nag-uusap ngayon habang naghihintay ng makakalabang grupo. Dapat kasi ay dalawang grupo ang maglalaro sa isang game.

"Doon ang pwesto mo sa unahan mamaya, Yuri." Nakapangalumbabang paninigurado ni Alliyah. Halata naman ang pagkabigla sa itsura ni Yuri. Pasimple naman akong umubo ng peke nang ilang minuto silang magkatitigan.

"Oo na lang," sambit ni Yuri. Ngumiti naman ng malapad si Alliyah na akala mo'y nanalo sa lotto.


"Basta ikaw kasunod ko," ani muli ni Yuri. Agad na umiba ang kulay ng pisngi ni Alliyah. Nanlalaki ang mga mata nitong sinamaan ng tingin si Yuri.


"Bakit?" Nang-aasar ang mga ngisi ni Yuri. Sa halip na sumabat pa, inikutan lang siya ni Alliyah ng mga mata.

Nabuhay na lang yata talaga ako, para kiligin sa love life ng iba.

Her Unforgettable Past | ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon