III

89 29 42
                                    

YSABELLE TANYA


"Sabrina!" Isang malakas na sigaw ang nakagising sa akin dahilan upang mapabalikwas ako mula sa pagkakahiga. Pikit ang mga matang lumingon ako sa gawi kung saan nanggaling ang boses. Tsk. Natutulog ako, e. Mas'yadong panira ng umaga.

"Ysabelle Tanya! Hindi ka pa ba talaga babangon d'yan?!"

Dahan-dahan kong iminulat ang aking mga mata. Bahagyang nangunot ang aking noo nang mapagtanto kung kaninong boses ito. Si Mama? Bakit siya nandito?

"Mama? Bakit ka po nandito?" Nalilitong tanong ko sa kan'ya. Ako lang naman kasi mag-isa sa bahay na ito. Paanong binisita niya ako rito nang hindi man lang nagsabi.

"Aba! Malamang, bahay natin 'to." Nakapamewang siya habang nagsasalita bitbit ang walis tambo. Ngunit sa asta niyang 'to, mas lalong nangunot ang aking noo. Napasapo na lamang si Mama sa kan'yang noo habang hinihintay na bumangon ako. Pero, paano ba kasing nandito siya? Parang ang gulo, e.

"Ayusin mo na ang sarili mo. Bilisan mo kumilos h'wag pakupad-kupad." Matapos sabihin 'yon ni Mama ay tinalikuran niya na ako. Naiwan naman akong nakaupo sa kama habang iniisip pa rin ang nangyayari. Para kasing hindi mag-sink in sa utak ko. Maya-maya pa, narinig ko ang pagsara ng pinto ng kwarto ko.

Nalilito ako sa mga nangyayari ngayon. Pakiramdam ko kakaiba at hindi ito ang dapat. Tumayo ako mula sa pagkaka-upo bago niligpit ang higaan.

Matapos ang tatlong minuto kong pag-aayos. Nang may mapansin akong kakaiba. Bakit nandito ako sa bahay namin noon? Ang pagkakaalam ko, natulog ako sa bahay na mag-isa at hindi sa kwartong ito.

Pilit kong inaalala ang mga pangyayari ngunit wala talaga akong maalala na bumisita ako rito kina Mama. Don't get me wrong baka makakalimutin na ako?

Kinuha ko ang bihisan saka pumunta sa banyo at nag-umpisang maligo. Habang naliligo ako hindi ko pa rin mapagkakaila na maraming mga katanungan ang nasa isip ko.

Bakit ba kasi nandito ako? Hindi ngayon ang balak ko para bumisita kina Mama at Ate. Nangako ako noon sa kanila na babalik ako rito. Pero, hindi pa sa ngayon, kapag may maipagmamalaki na ako.

Ano ba talaga kasi ang nangyayari? Lord, bigyan mo naman ako ng sign, oh!

Pilit kong inalis sa isipan ang palaisipang 'yon ngunit, kusa naman itong bumabalik. Ang gulo, sobra. Nang biglang sumagi sa aking isipan ang tungkol sa orasan ni Manong kahapon. Hindi kaya bumalik ako sa oras kung saan nakilala ko si Neil?

Huh? Paanong nangyari iyon? Posible ba 'yon?

Lutang akong natapos sa pag-aayos ng aking sarili. Nagsusuklay ako ng aking mahabang buhok na hinayaan kong nakalugay saka nilagyan ng ipit sa gilid. Nakasuot ako ng bistida dahil sa kagustuhan ni Mama. Mayroon daw kaming vacation trip dahil malapit na ang graduation.

Nakaharap lang ako sa salamin sa loob ng kwarto. Nang biglang lumitaw ang isang maliit na tao sa isang gilid.

''Gag*! Bakit may dwende rito?!''

Mag-pa-panic na sana ako dahil sa nakita ko ngunit unti-unti itong lumaki at agad kong nakilala kung sino ito.

"Manong?" Paninigurado ko kung siya ba talaga ito. Paanong nangyari 'yon? Dwende na nagiging tao? Nakakalito na.

Her Unforgettable Past | ✓Where stories live. Discover now