Chapter Eleven

59 6 0
                                    


Maaga akong nagising dahil halos hindi din naman ako nakatulog ng maayos. Hindi mawala sa isip ko ang mga sinabi ni Mr. Cruscio. Naguguluhan ako at kailangan ko ng stress reliever. Kaya naman, kaagad akong bumangon at nagpunta sa kusina. Simula noong tinuruan ako ni Nanay Tessa na magluto ay ito na ang naging libangan ko. Para bang isinalba ako nito mula sa kalungkutan na nararamdaman ko noon. Pakiramdam ko ay nasa ibang mundo ako kapag kaharap ko na ang mga sangkap at ang lutuan. Iyong konsepto na kailangan mong mag- isip kung ano at alin ba ang tamang sangkap upang maka- buo ng masarap na pagkain ang nakakapagpa- buhay sa buong sistema ko. Nakakagaan ng pakiramdam.

Napili kong gumawa ng mac 'n cheese lasagna. Inaamin ko na hindi naman ako kagalingan sa pagluluto pero, tama lang naman ang nagiging lasa nito. Hindi ito nawawala sa timpla at maayos din ang kinakalabasan. Siguro ay kaunting panahon pa at gagaling din ako sa larangan na ito.

Fabienne doesn't feel familiar to me. Hindi ko pa ito naririnig mula sa pamilya ko. Wala din silang inuwi o pinakilala sa aking batang babae. Kaya naman, wala talaga akong kaide- ideya kung sino ang batang kasama ng magaling kong kuya.

Ngiting tagumpay ang namutawi sa aking mga labi nang matapos ko ang mac 'n cheese lasagna. Maayos ko itong nilagay sa isang baunan at pinaganda din ang plating. Sigurado akong magiging masaya na naman si Brijie dahil dito. And kahit kumag ang isang iyon ay mahalaga din naman sya sa akin. Gusto ko na palagi syang masaya.

"Oyy! Oyy!"

Speaking of the monstrous eater, here he comes. Abot langit ang ngiti nya habang kumakaway na naglalakad palapit sa akin.

"Masarap 'yan, ahh. Para sa akin ba iyan?" tanong nya.

Sinamaan ko sya ng tingin. "Sinong may sabi? Para po ito sa ating dalawa. Meaning, hati tayo."

Napakamot naman sya sa batok nya. "Sabi ko nga."

Inismidan ko na lamang sya. Kapag talaga pagkain ay madaya ang isang ito. Nilagay ko ang baunan sa loob ng bag ko. Kinuha naman nya iyon at sinakbit sa kanang balikat nya. Nilinis ko muna ang kusina bago kami tuluyang umalis.

Habang nasa biyahe kami ay wala sa sarili akong napatitig kay Brijie. Kung may papakasalan man ako ay iyong katulad na nalang nya. Hindi naman siguro ako mahihirapan na mahalin sya dahil halos nasa kanya na lahat ang katangian na inaaasam ng mga kababaihan. Hindi ko lang alam kung papayag sya na magpakasal sa akin.

Come to think of it. Santillano family is known sa housing and land business. Maririnig at kasama na sila sa mga successful businessman ng bansa. Kung ipapakilala ko sya sa pamilya ko ay posibleng hindi na nila ituloy ang kasunduan nila ng mga Martinez. Hahayaan na nila ako sa gusto ko at makakabalik na ako sa dati kong buhay.

"Bakit ka ganyan makatingin?" tanong nya.

"Pakasalan mo ako, Jiejie."

Dahil sa mga sinabi kong iyon ay napa- preno sya bigla. Mabuti na lamang at nakasuot ako ng seat belt kun'di ay humampas na ako sa dashboard ng kotse.

"Anong sinabi mo?" takang tanong nya.

Napangiwi naman ako. "Pina- practice ko lang iyong napanood ko sa k-drama kagabi."

Hindi naman sya makapaniwalang umiling sa akin. "Pambihira ka. Nagma- maneho ako."

"Pasensya na." nahihiya ko namang saad.

Hindi na nya ako pinansin. Bumalik syang muli sa kanyang pagmamaneho at kagat labi naman akong tumanaw sa labas ng bintana.

Bakit ko ba sinabi ang bagay na iyon? Mabuti na lang at hindi sineryoso ng kulaog na ito ang sinabi ko. Nakakahiya!

My Baseball Queen (Athlete Series 1)Where stories live. Discover now