Chapter Eight

59 4 0
                                    

My Baseball Queen

Athletes Series 1

by: HanaIchiOne

Lunes na naman. Nakakatamad pumasok sa school kapag Monday.

"Oyy, Ano sabi mo? Si Chronicle Sin Fablo, maghahanap ng trabaho?" gulat na bitaw ng kumag.

Nalaglag pa mula sa bibig nya ang isang pirasong fries. Gross.

"What is wrong with that? I need extra income." balik ko naman.

Nandito kami ngayon sa cafeteria. Guess, what? Ang aga-aga pero limang order ng fries na ang nauubos nya. Hindi pa nga ako nakaka- ubos ng isa.

He shrugged. "Hindi ko kayang ma-imagine na ang prinsesang kagaya mo ay magta- trabaho. You can be hurt, stained with some kind of a fucking liquid and smell like shit. Can you endour that?"

Napa- hinga naman ako ng malalim. "So, iniisip mo talaga na wala akong alam sa buhay? Pangalan lang ang mayaman at maarte sa akin. Ibahin mo ako sa kanila, Brijie."

Lumingon sya sa akin. "Hindi naman sa pinamaliit kita, Nics. Sige nga. Saan ka magta- trabaho? Sa factories, fast food, hotels, car wash?"

"Why, no?" balik ko.

Napahinga sya malalim. "Uncle Fred is looking for a baby sitter. Sasabihi ko sa kanya na ikaw na ang mag-aalaga kay Mk."

Great! "That's awesome! Sure. I like Daniel."

"And he loves you." kaagad nyang bitaw.

Ano bang masama sa pagta-trabaho? Hindi naman dahil sa galing ako sa mayaman at kilalang pamilya ay bawal na akong magtrabaho. Sabi ko nga, iba ako sa kanila. Kung sila ay mas mahalaga ang fame at money, sa akin ay hindi. Mas uunahin ko ang kasiyahan ng mga mahal ko sa buhay. Kahit hindi ako marunong makisama ng maayos sa iba ay conscious pa din ako sa mga posible nilang maramdaman. Palagi kong iniisip kung ano ang feeling ng iba kaysa sa sarili ko. Ganoon ako pinalaki ni Nanay Tessa at Tatay Petring.

Ilang minute bago tumunog ang bell ay nakabalik na kami kaagad sa classroom. Ayaw na ayaw kong nale-late at ganoon din itong kasama ko. Nagka-cutting class sya pero, ayaw nya ng mahuhuli sa kahit na anong bagay.

Nag- umpisa ang unang subject namin ng maayos at natapos ng mabilis. Nasundan ito ng iba pa naming mga asignatura na kaagad ding natapos. Kapag nakikinig ka sa klase, hindi mo na namamalayan ang oras. Pero itong kumag kong kasama, kanina pa daw nagugutom. Seryoso, saan ba nya nilalagay lahat ng kinakain nya? Hindi sya nabubusog. Ilang dragon ba ang alaga nito? So, nandito na muli kami sa cafeteria. Guess, what? Um-order na naman sya ng madaming pagkain. Syempre, hindi mawawala sa mga ito ang fries na paborito ko. Bukod doon, mayroon kaming tatlong burger, dalawang spaghetti, limang fries, dalawang juice, pudding, yogurt at potato chips. Tatlo lang ang akin dyan.

Hindi ako naka-attend ng afternoon classes ko dahil pinatawag ako ni Coach Maui sa field. Pinabaunan naman ako ng kumag ng bottled water at isang burger at sinabing sya na daw ang bahala sa notes ko mamaya. May magandang epekto din naman pala ang mga pagkain sa kanya dahil the more food he eat, the more kind he could be.

Nandito na ako sa HQ ng baseball team na katabi lamang ng malawak na field. Kumpleto kaming lahat dito mula sa first year hanggang sa amin. May dala ding mga supot si Manager na sa palagay ko ay ang bago naming jersey at numero. Malapit na nga pala ang simula ng tournament.

"Okay, girls." pagsi- simula ni Coach. "Nalalapit na ang taunang tournament between Crestview High, Ravenwood University, Winters Collage, Westview Bay High, Quivel Academy and our school, Hogar De Guerreros University. I hope na this time ay makuha na muli natin ang unang pwesto sa patimpalak. Alam kong hindi naging maayos ang nagdaang paligsahan pero sana naman ay nakabawi at handa na muli kayong lumaban ngayon."

My Baseball Queen (Athlete Series 1)Where stories live. Discover now