Chapter Nine

55 5 3
                                    

My Baseball Queen

by: HanaIchiOne

Maaga akong nagising dahil bukod sa excited ako sa pagsisimula ng trabaho ko ngayon ay bigla na lang akong natakam sa ham and cheese sandwich. Kaya naman, mabilis na akong nag- ayos ng aking sarili at kaagad na bumaba papunta sa kusina. Mabuti na lang talaga at kumpleto na ako sa pagkain dito dahil sa dami ng binili ng kumag kong kaibigan. Pwede na nga akong magtayo ng sari- sari store.

Nakagawa ako ng limang sandwiches. Ito kasi ang aalmusalin ko at ibabaon ko naman ang matitira. Sakto naman na dumating ang kulaog kong kaibigan. Dumiretso kaagad sya dito sa kusina na akala mo ay sa kanya itong pamamahay. May dala syang isang supot na inilapag naman nya sa lamesa. Nagkusa na din syang kumuha ng plato at kutsara sabay labas ng isang tupperware mula sa bitbit nyang plastic. May laman itong pansit bihon na may madaming sahog. Binuksan nya ito at nagsalin sa pinggan.

"Eat. Si Mommy ang nagluto nyan," sabi nya.

Naupo naman ako at kinuha ang platong may lamang pansit. "Nag- abala ka pa," saad ko naman.

Hindi sya sumagot bagkus ay naupo din sya sa tabi ko. Kumuha sya ng ginawa kong ham and cheese sandwich at inumpisahang kainin iyon. Sinamaan ko naman sya ng tingin. Ang kapal talaga ng mukha ng isang ito basta pagdating sa pagkain ay wala syang inaayawan. Kumuha naman ako ng dalawang pirasong sandwich at itinabi na sa may gilid ko. Mahirap na, baka maubos.

"Ubusin mo yan," utos pa nya habang ngumunguya.

Inismidan ko sya. "Ang dami kaya nito. Patatabain mo ba ako?"

He shrugged. "Buto- buto ka na nga."

Napamaang naman ako sa kanya. How dare he! Sinong buto- buto, ako? Aba, matindi. Sa huling check ko sa katawan ko ay nasa tamang timbang at pangangatawan naman ako. So, paano nya nasabing payatot ako?

"Umalis ka na, Brijie." matabang kong ani.

Napabuga naman ng tawa ang kumag. "I- I'm just joking!"

Sinamaan ko naman sya ng tingin bago nagpatuloy sa pagkain. Pasalamat sya dahil masarap itong luto ni Tita Penelope, kung hindi ay pinalayas ko na sya kanina pa. Ito ang gusto ko sa pansit; manamis- namis na hindi gaanong maalat at juicy. Medyo basa- basa ito dahil ayoko ng pansit na tuyo. Nakakaluog kasi kapag masyadong tuyo at mahirap din kainin. Ewan ko kung ako lang ba ang ganito. Iba't- iba naman kasi ang pang- lasa ng mga tao. Syempre, idagdag natin ang madaming gulay na sahog. Plus points na lang iyon kapag mag kahalo pang atay, balat at karne ng manok, fishball at kikiam. Naku! Napaka- sarap kapag kumpleto ang lahat ng iyan.

Naubos ko ang dala ni Brijie na pansit. Masarap kasi talaga ito dahil kumpleto ito sa rekados. Eksakto naman na tapos na din na kainin ng kumag ang tatlong ginawa kong ham and cheese sandwich. Naka- tingin pa sya sa itinabi ko na parang may masamang binabalak. Mabilis ko namang inilagay sa bag ko ang dalawang sandwiches dahil saulo ko na ang takbo ng sikmura ng isang ito. 

Katulad ng mga nagdaang mga araw ay sakay na naman ako dito sa kotse ng mokong. Hatid- sundo nya ako sa na hindi ko naman tinanggihan. Wala kasi akong kotse dahil alam ko na ang gagawin ni kuya kung dinala ko ang black Porsche na ginagamit ko noon. Sigurado ako na isusumbat nya na naman iyon sa akin dahil si Daddy ang bumili ng sasakyan na iyon noong kinilala ang La Tigresa bilang isa na sa mga pambato ng bansa sa larangan ng womens baseball game. Regalo iyon sa akin ni Daddy dahil hindi sila nakapunta sa laban namin noon. Kaya naman, sinurpresa nila ako ni Mommy at binigyan ng sarili kong kotse. Nakakalungkot lang dahil isa sana iyon sa mga masasayang alaala na pwede kong balikan.

Nakarating kami sa school, ilang minuto bago tuluyang tumunog ang bell. Muntikan na nga kaming ma- late dahil sa biglaang pag- sikip ng trapiko sa may intersection. Mabuti na lamang at mabilis magpatakbo ang kumag at nakarating kami sa eskwelahan, ilang minuto bago pa mag- simula ang klase.

My Baseball Queen (Athlete Series 1)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن