Chapter Two

84 8 2
                                    

My Baseball Queen
by: HanaIchiOne

Dalawa ang pintuan ng silid. Ang isa ay iyong pinasukan ko at ang isa naman ay ang pinto na papunta sa Event hall. Nagsisimula na ang program. Isa- isa nang binigyan ng gratitude ang mga VIP guests. Tinatawag ng Emcee ang pangalan ng mga ito at nagbibitaw ng ilang mga bagay na nagawa ng mga ito.

"And now, let's all welcome the prestigious family behind of all this." Rinig kong saad ng tagapag- salita. "Let's give them a round of applause, one of the board members and shareholders of the TC group. Mr. Dominicus Fablo and Mrs. Leonalara Tango Fablo."

Umugong ang palakpakan ng lahat. Nagbukas naman ang pinto at lumabas na magka- hawak kamay sina Mom at Dad.

"And now, let's welcome the one-of-a-kind asset and the young boss of Tango Corporation is none other than, Mr. Hebrews Volt Fablo."

Taas noo namang lumabas si kuya. Masigabong palakpakan naman ang sumalubong sa kanya. Hindi ko naman maiwasan na mainggit sa kanya. Sana may posisyon din ako sa kompanyang ito.

"Next is the only princess of the family. She is our famous ace player of our national baseball team. The very beautiful and charming daughter, Miss. Chronicle Sin Fablo."

Pakiramdam ko ay lalabas na sa dibdib ang puso ko. Sobra ang kaba na namumutawi sa kaibuturan ko. Pero, kailangan ko itong gawin. So, with my head held high and sweet smile, lumabas ako ng pinto. Bumungad naman sa akin ang maraming tao na hindi ko pa nakakasalamuha. Marahil ay mga tanyag na mga negosyante ang mga nandidito. Kaya naman, sinikap ko na hindi matapilok kahit pa nanginginig ang mga tuhod ko. I composed myself bago bumaba ng hagdan. Step by step at maingat ang bawat hakbang ko. Natatakot na baka magka- mali ako at mahulog sa hagdan. Hanggang sa matigilan ako sa kalagitnaan ng staircase. Para akong nasa isang fairytale story. Umaakyat ngayon ang taong hindi ko inisip na sasalubong sa akin. Sa sobrang gulat at saya ko ay parang gusto ko ng umiyak.

"Faster." Saad nya na nagpabalik sa akin sa reyalidad.

Napilitan lang sya. Oo nga pala. Nasa harap kami ng madaming tao at ginagawa nya lamang ito upang hindi madungisan ang pangalan namin. Nanginginig ang kamay kong tinanggap ang nakalahad na palad ni kuya. Hindi ako maka- tingin sa mga mata nya. Natatakot ako sa kung ano ang makikita ko doon. Kaya naman, kahit pa hindi ko gusto ang nangyayari ngayon ay pinilit ko pa ding ngumiti at magpatuloy.

"And now, the man behind of all this success. The most talented and intelligent man, Mr. Philip Gregory Tango, our Chairman and the owner of TC empire."

My Baseball Queen (Athlete Series 1)Where stories live. Discover now