Nagpaalam na rin ako kay Mang Gener bago kami pumasok sa apartment building at sumakay na sa elevator. Hindi pa rin binibitiwan ni Gray ang kamay ko. Kinakabahan tuloy ako na baka nagpapawis na pala ang palad ko.

"Bakit parang hindi yata nagpapahinga si Mang Gener?" tanong ko na lang kay Gray para mawala sa isip ko ang nagpapawis kong kamay.

He glanced at me. Hinigpitan n'ya ang hawak sa kamay ko na parang alam n'ya ang iniisip ko.

"Pauwi na 'yon. Naaabutan ko 'yung kapalitan n'ya kapag aalis ako para pumasok sa Cold Spot."

Napatango-tango na lang ako. Tumunog ang elevator nang makarating na kami sa third floor at magkahawak-kamay pa rin kaming lumabas ni Gray. Nakita pa namin si Lilac na nakatayo sa harap ng apartment ni Gray at nakatingala, parang nag-aabang. Pero nang marinig siguro ang pagbukas ng pinto ng elevator ay napatingin s'ya sa amin. He meowed and walked towards us.

"Lilac!"

Tsaka lang binitiwan ni Gray ang kamay ko. Sinalubong n'ya si Lilac at binuhat na may malaking ngiti sa mga labi. Lilac meowed again. Mukhang nagrereklamo na binuhat s'ya ni Gray.

"May good news kami sa 'yo," Gray said in a singsong voice.

Natawa na lang ako at dumiretso sa pinto ng apartment ko. I took out my keys and opened the door while Gray was behind me. Pinapahula n'ya kay Lilac kung ano raw ang good news namin para sa kanya.

Inilapag ni Gray sa sahig ang maliit na travel bag nang makapasok na kami para mabuhat si Lilac gamit ang dalawang kamay n'ya. He carried the cat with his stretched arms, like that scene in The Lion King, pero nakaharap ang pusa sa kanya. Kinuha ko ang travelling bag at inilabas ang mga food container para mahugasan na.

"Kami na ng Mommy mo!" I heard Gray said as I made my way to the kitchen. "Girlfriend ko na s'ya!"

I couldn't stop my smile kahit nakatalikod na ako sa kanila at sinisimulan nang hugasan ang mga food container. Gray was so cute. Nai-imagine ko rin si Lilac na mukhang wala namang pakialam sa sinasabi ni Gray at ang gusto lang ay makawala sa pagkakahawak n'ya. But Gray was too happy to notice that.

"Legal ka na naming baby!" sabi pa ni Gray na ikinatawa ko na.

I am happy too. Pero mas nadagdagan pa ang saya ko sa kaalaman na masaya rin si Gray sa naging pagbabago ng relasyon namin. Nag-aalala pa nga ako na baka hindi ko s'ya mapasaya dahil wala akong ideya sa kung anong ginagawa ng isang girlfriend. It never occurred to me that I'll be in this situation soon.

Ang nasa isip ko lang noon ay ang pamilya ko. They're my inspiration. Pero ngayon, nadagdagan na. And Gray was someone that could bring a smile to my face even after everything. He's the only one who made me feel this calm kahit na alam kong may mga problemang dapat kong harapin. Pakiramdam ko, magiging maayos ang lahat kapag nakikita ko ang mga ngiti n'ya sa akin. And I don't want to let this go.

Gray came into my life like a whirlwind. Fast and approaching that I had no time to hide, pulling me towards him while pushing everything away around us. And when I'm finally being swallowed, there was that calm feeling in him. Like his presence was telling me to rest. That I need to rest too, even for a while. And he will be there for me when I decided to get back up again.

I like him so much that I would probably won't able to let him go.

Naamoy ko muna ang panlalaking pabango ni Gray bago ko naramdaman ang mga braso n'yang pumulupot sa bewang ko. He hugged me back and I stiffened for a second before I finally leaned my body against him. Ang likod ko ay nakalapat sa dibdib n'ya. Ramdam ko ang init ng katawan n'ya kahit na may mga damit na nakaharang sa aming dalawa. And it was enough to make my heart beat like crazy.

Chess Pieces Aftermath: Gray SanfordTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon